Chapter 3

62 9 0
                                    

Ako ngayon ang nag hahanap ng pinabibili ni tita Alice at si Marcus ay tamad na nag tutulak ng cart

"Nakita mo ba yung lalaki?" sambit ng katabi kong babae na pumipili din ng yogurt

"Alin dun? Yun bang matangkad na tisoy?" tanong naman ng kasama nya

"Oo ang gwapo nya diba. Mukha ding mayaman dahil sa kutis"

"May girlfriend kaya yun?"

Kinuha ko na ang yogurt at umalis dahil ayaw ko makinig sa usapan ng iba.

Nag palingon lingon ako dahil hindi ko alam kung saan na nakarating si Marcus

Halos naikot ko na ang store pero di ko sya makita. Kaya naman bumalik ako sa yogurt station dahil baka naandoon sya.

Napataas naman ang kilay ko ng makita ko ang dalawang babae kanina na kilig na kilig habang kausap si Marcus

"Ahmm, anong pangalan mo?" sambit nung babae sa kanya

"Marcus" maikling sagot naman ni Marcus

Hindi muna ako lumapit dahil gusto ko pakinggan ang usapan nila

"Ilang taon ka na?" tanong naman nung isa

"Ah 20 na" sagot naman ng sagot tong hinayupak na ito. Hindi na lang iwan

"Single ka?" abaaa. Deretso ka mag tanong haaa

"Yes, but I ---" napatigil dahil bigla syang hinalikan sa pisngi ng babae

Nainis ako kay lumapit ako doon at padabog na inilagay ang hawak kong yogurt sa cart na hawak ni Marcus

"Patay" bulong ni Marcus ng magulat sya sa ginawa ko.

Hindi ko sya pinansin at tumalikod na din agad

"Miss, hindi mo kasi muna ako pinatapos e, single ako pero may nililigawan na kasi ako" dinig kong sambit ni Marcus bago humabol sa akin hanggang makarating kami sa counter

"Bayaran mo na yan. Gusto ko ng umuwi" sambit ko tsaka lumabas ng store at doon sya hinintay

"Hey? are you mad?" tanong nya ng makalapit sya sa akin

"No" maikling sagot ko at nag lakad na papunta sa shop ni tita Alice

"Thank you Zeyha sinamahan mo si Marcus bumili ng yogurt" sambit ni tita Alice sa akin

"Wala namang problema po tita" sagot ko at ngumiti sa kanya

"Acxel nga pala si Shai andito sa manila" baling niya kay Marcus

Naupo lang ako doon sa couch at hindi na nakinig sa usapan nila at nag browse na lang sa phone ko at naramdaman ko na din na naupo sya sa tabi ko

"Uuwi na din ako. Ikaw ba?" sambit ko ng hindi siya nililingon

"Galit ka ba?" hindi nya pinansin ang sinabi ko kaya tumayo na ako

"Tita, kailangan ko na po umuwi. May gagawin pa po ako e" pag sisinungaling ko dahil wala naman talaga akong gagawin

"Ha? Hindi ka ba ihahatid ni Marcus?"

"Hindi na po siguro. Mukhang ayaw nya pa po umuwi e. Baka po bumalik pa ito sa grocery store" sambit ko tsaka lumapit kay tita Alice para humalik sa pisngi at lumabas sa office nya

"Huy ihahatid kita!" dinig ko pang habol nya pero di ko iyon pinansin at nag derederetso na sa labas

"Hey! Mukhang pauwi na yung nililigawan mo. We can hang out now" napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang boses ng isang babae

"Ha? Ah eh. May pupuntahan pa ako" sambit naman ng mokong na yun. Tsaka ko sila nilingon

"Why? Ano ka ba. Hang out lang naman" malanding sambit nung babae tsaka humawak sa braso ni Marcus

"Sorry aalis na ako" tsaka pilit hinila ang braso sa babae pero mas hinila pa iyon nung malandi.

"Dito lang tayo sa mall, dont worry" haplos ng babae sa mukha ni Marcus.

Tae. Mukhang linta!

I gave him a death glare at nag lakad na uli

"ZEYHA!" di ko yun pinansin at nag bumaba na hanggang makalabas ako ng mall.

Nilabas ko naman ang phone ko para makapag book ng grab pero may kumuha noon sa kamay ko at ng makita ko kung sino yun ay inirapan ko sya bago nag lakad uli palayo

"Zeyha!" tawag nya pa uli pero di ko yun pinansin

"AZEYHA JOURELLE!" napatigil ako ng isigaw nya ang pangalan ko at nilingon

"Ano ba Marcus Acxel?" akala mo ikaw lang gagamit ng second name ha

"Sabing ihahatid nga kita" humina na ang boses nya bago lumapit sa akin.

"K" maikling sambit ko at nag lakad na papuntang parking kung nasaan ang sasakyan nya.

Nang buksan nya iyon ay sumakay agad ako sa shut gun seat at nag seatbelt.

"Huy! Are you jealous?" tanong nya at ngumisi.

Inirapan ko sya tsaka pinikit ang mata at nag kunwaring tulog

"Tulog tulugan pa!" dinig kong bulong nya kaya naman kinuha ko ang airpods at nilagay iyon sa tenga ko.

Wala talagang tugtog. Gusto ko lang gawin yun para mag drive na sya at yun naman ang ginawa nya.

Ilang minuto pa lang ay tumigil ang sasakyan. Idinilat ko ang isa kong mata para makita kung bakit kami nakatigil. Traffic pala.

"Tae! Sino ba kasi yung babaeng yun?" Dinig kong bulong ni Marcus "pahamak ampucha. Di ko pa nga nagiging girlfriend mag bebreak agad? Isang beses ko pa lang natawag na babe di pa mauulit. Pahamak sa lovelife yung babaeng yun ipapahanap ko yun!"

"Ipapahanap mo?" tanong ko tsaka tinagkal ang airpods

"Gising ka pala" sambit nya at lumingon sa akin

"Bakit? Para makita mo uli?" Pag dugsong ko sa tanong ko

"Hindi ah!" depensa nya agad sa sarili nya.

"Hindi daw"

"Hindi naman kasi talagaaa" paiyak na sambit nya.

Nawala na yung inis ko at gusto ko na lang sya asarin ng asarin at nag pipigil na lang ako tumawa sa harap nya.

"Sus kunyari ka pa. Sige ipahanap mo na para makita mo uli" seryosong sambit ko pero deepinside gusto ko na tumawa

"Ay oh. Zeyha! sampung taon ako nag hintay makabalik ka dito sa Pilipinas tapos sasama lang ako sa hindi ko kilalang babae? Aba! Di ko gagawin yun. Di ko naman yun gusto e" napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang ngiti ko

"Talaga? Maganda kaya yung babae" sambit ko tsaka tumingin sa daan

"Di ko naman nakita yung mukha!" sagot nya

"Mag drive ka na! Bumubusina na yung sasakyan sa likod" saway ko sa kanya kaya naman nataranta syang umayos ng upo na at nag drive...

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon