AUSTINE'S POV
Kadadating lang nila mommy sa hospital ngayon pero ng may narecieve na message si Marcus ay kita ko ang pag kunot ng noo niya.
Pagkabasa niya noon ay nag paalam agad siya na may pupuntahan at nag madali pa siyang lumabas.
Dahil sa curiousity ko ay nag paalam din ako na lalabas lang pero ang totoo ay susundan ko si Marcus.
Naguguluhan ako dahil iba ang pag mamaneho niya ngayon. Ewan ba pero parang may iba.
Chill lang siya kung mag maneho pero may iba ngayon sa kanya. Napaisip na lang ako kung bakit siya ganun mag maneho ngayong araw.
"Way to papuntang EVC" nasambit ko na lang dahil napapansin ko ang mga sign sa kalsada
Nakita ko ang pag liko niya sa gilid ng EVC kaya naman tumigil ako saglit bago ulit sumunod sa kanya.
Mula sa malayo ay kita ko ang pag baba niya sa kanyang sasakyan. Inayos pa niya ang tayo niya na tila may susugurin siya sa sirang building na nasa likod ng EVC
Akala ko ay mabilis lang siya doon kaya hinantay ko siyang lumabas din pero ilang minuto na ay hindi pa din siya lumalabas
Naisip ko na silipin ang nangyayari sa loob. Taenang to. Baka nambababae sa loob habang hindi pa nagigising ang kapatid ko
Tinagkal ko ang seatbelt ko at bumaba sa sasakyan ko bago pumunta sa may sasakyan niya.
Sinilip ko pa ang loob ng sasakyan niya pero napalingon ako sa sirang building ng may narinig akong mahinang sigaw. Sigaw mula sa isang babae na tila ba ay galit na galit
Tumakbo agad ako malapit doon tsaka sumilip sa sirang bintana. Napamaang ang labi ko ng makita kong naka tutok ang hawak na baril ni Elixene kay Marcus
"Ang hirap na makitang naka pangalan lang sa inyo ang school na yun" dinig kong sambit ni Elixene
"I'm sorry" napakunot ang noo ko ng nag sorry si Marcus
'Sorry? Para saan?'
"Anong magagawa ng sorry mo?"
"I'm sorry Elixene. Pero sana itigil mo na ito"
Napatago ako sa pader ng lumingon sa gawi ko si Elixene.
Hanggang ngayon ay nag tataka ako sa kung anong nangyayari. Napapailing na lang ako habang iniisip anong meron
Nag tangka akong muling sumilip ngunit mas nabigla ako ng makita ko na nakikipag laban si Marcus sa madaming lalaki at si Elixene ay nakaupo lamang sa hagdan.
Hindi ko kaya na makita ko ang bestfriend kong mag isang nakikipag laban doon kaya buong lakas ng loob akong nag lakad para makapasok doon pero may humawak sa braso ko
"Huwag mo na tangkain pang tulungan ang kaibigan mo" sambit ni Jay sa akin na mahigpit na nakahawak sa braso ko "sa tingin mo ba ay kaya niyong dalawa ang mga bata ni Lirio?"
"Huh? Sinong Lirio?" takang pag tatanong ko
"Talaga Austine? Hindi mo kilala yung anak ni Benjamin Tenorio na humingi ng tulong sayo nung pinag tabuyan sila ng tatay nyo ni Marcus?"
What the... Si Elixene na yun? No way!
"Wala pa akong alam nun! Ni hindi ko nga alam ang nangyari sa mga tatay namin noon" paliwanag ko dahil iyon naman talaga ang totoo
8 years old pa lang ako noon nag paplano na sila daddy, tito Lucas at tito Benj na mag patayo ng school pero lumabas ang tunay na ugali ni tito Benj.
Gusto niya ay malaking halaga ang tuition fee ng students at mababa ang sweldo ng teachers para malaking pera ang dumating sa kanila.
Pero hindi pumayag noon sila daddy dahil ayaw nila ng ganun at gusto lang nilang patas ang lahat.
Nagalit si tito Benj sa kanila kaya naman lumayo si tito Benj kila dad at never na siyang lumapit sa kanila.
Nakita ko sila noon na nag tatrabaho sa kalsada, ang bata ko pa noon. Humingi sa akin ng tulong si Lirio pero hindi ko alam ang gagawin ko.
At ngayon ay hindi ko inaasahan na mag hihiganti siya sa amin.
"At dahil hindi niya nagawang patayin ang kapatid mo ay papahirapan niya na lang kayo" sambit ni Jay
Mag sasalita pa sana ako ng matigilan ako ng marinig ko ma may paparating na pulis.
Binitawan agad ni Jay ang braso ko tsaka tumakbo sa loob.
Nag tataka ako kung bakit may pulis agad pero mas inaalala ko si Marcus kaya naman tumakbo agad ako sa loob at nakita ko na nawala na ang tao doon maliban kay Marcus na walang malay, puro dugo at pasa ang kanyang katawan.
Pag lapit ko doon ay sinubukan ko siyang tapikin pero hindi siya nag rerespond. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga pulis kasunod si Drake at Migs na lumapit agad sa akin
Gustuhin ko mang mag tanong kung paano nila nalaman na andito kami ay hindi ko magawa dahil mas kailangan naming dalhin si Marcus sa ospital.
"Paano nyo nalaman na andun kami ni Marcus?" andito kami sa room ni Marcus at okay na siya pero nag hihintay na lang kaming magising siya
"I heard Jay talking to his phone" sagot ni Drake sa akin "I heard na papunta na siya sa EVC at tapusin na daw nila sa Marcus kaya naman pinuntahan ko agad si Migs para masamahan niya ako. Then ang sabi pa ni Migs kami na lang daw ang pumunta pero sabi ko mag sama na kami ng pulis. Kaya yun napuntahan namin kayo. Hindi ko nga alam na andun ka din e" paliwanag pa niya sa akin
"Nawiwirduhan ako sa kanya kanina lalo na may nareceive siyang message kaya naisipan ko na sundan siya" sagot ko sa kanya
Ngayon ko lang din naalala na si Elixene Lirio ay anak ni tito Benj at siya ang gustong pumatay kay Azeyha.
Napasandal na lang ako sa couch at napamasahe sa aking sintido.
Nilingon ko naman si Drake ng may tumawag sa cellphone niya at binaba din agad iyon
"Hindi na daw nahabol sila Jay" sambit niya sa amin at tumayo "mauuna na din akong umuwi" dagdag pa niya at tinanguan namin siya bago siya lumabas ng room.
"Babalik na din muna ako sa room ni Azeyha dahil wala siyang kasama doon" sambit ko naman kay Migs
Alam na nila dad ang nangyari pati sila tito Lucas kaya naman papunta na din sila dito.
"Sige. Ako na lang bahala muna kay kuya" sambit niya at lumabas na din ako sa room.
Sumakay na ako sa elevator at pag labas ko sa floor kung saan makikita ang room ni Azeyha ay may nakita akong bagong labas na nurse.
Nilingon niya ako ngunit hindi ko makilala ang mukha niya dahil nakasuot siya ng surgical mask.
Ng makita niya ako ay nag lakad siya ng mabilis papunta sa kabilang way tsaka nag madaling pumasok sa elevator.
Kinabahan ako kaya naman tumakbo agad ako sa tapat ng elevator pero huli na dahil naka sara na ito.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa room ni Azeyha
"Fuck!" napamura na lang ako ng makita kong wala na ang oxygen ni Azeyha.
Nilapitan ko naman agad iyon tsaka binalik ang oxygen at tumawag sa doktor.
Mabuti na lang at nakabalik agad ako sa kwarto kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari kay Azeyha
__________
![](https://img.wattpad.com/cover/240618673-288-k983704.jpg)
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected