MARCUS'S POV
Napapreno ako ng may marinig akong putok ng baril. Pag lingon ko sa side mirror ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo na may hawak na baril
Agad kong inatras ang kotse sa tapat ng lalaki at ng makatapat ako sa kanya ay nilakasan ko ang pag bukas ng pinto ng sasakyan sa kanya dahil para mapahiga siya.
Bumaba ako sa kotse tsaka lumapit doon at sinapak siya
"Sino ka? Anong pakay mo at bakit mo siya binaril?" tanong ko habang hawak ang kanyang kwelyo
"Bakit ko sasabihin sayo?" nakangising sagot niya at dahil sa inis ay sinapak ko siya ng ilang ulit hangang sa dumugo ang mukha niya
"Ano! Anong dahilan mo. Sabihin mo!" galit na tanong ko
"H-hindi ko p-pwedeng sabihin s-sayo" uubo ubo niyang sabi habang naka ngisi
"Ah ayaw mo talaga ha!" pikon na ako tsaka ko siya sinapak muli hanggang pigilan ako ng guard
"Sir tama na po yan" sambit ng isang guard
Binitawan ko ang kwelyo nung lalaki at tumayo
"Dalhin nyo na yan sa prisinto!" utos ko habang naka turo doon sa duguan na lalaking binugbog ko
"Marcus! Si Zeyha" napalingon naman agad ako ng sumigaw si tita Mariz
Tumakbo agad ako sa kanila tsaka binuhat si Zeyha papunta sa kotse ko. Sumunod naman si tita sa akin at nag paiwan na si Ayden sa bahay nila.
Pag dating namin sa ospital ay nilapitan agad kami ng mga nurse na may dalang emergency bed at tinakbo agad si Zeyha sa loob ng emergency room.
"Marcus, si Zeyha" sambit ni tita Mariz habang umiiyak
"Tita, she will be fine" lumapit ako sa kanya para icomfort siya
"Sir I'm sorry to disturb you. Pero pwede po ba kayo maimbitahan sa prisinto?"nilingon ko ang nag salitan pulis
"Sige po sir. But I have to make a call first" sagot ko at pinayagan naman niya ako kaya iniwan ko muna si tita Mariz at nag dial ng number ni Austine
"Ano yun bro?" tanong niya agad ng masagot ang tawag ko
"Pumunta ka dito sa hospital"
"Why?"
"Wala kasama ang mom mo dito. Pupunta ako sa prisinto. I'll explain to you later" sambit ko
"Sige bro. Pupunta na ako" narinig ko din na nag lakad na siya kaya naman binaba ko na ang tawag
"Tita, papunta na po si Austine" sambit ko naman ng makalapit na ako kay tita Mariz "sir, antayin lang po natin yung kasama ko bago pumunta sa prisinto" bago bumaling sa pulis
"Sige po sir. Mag iintay po kami sa labas" sambit niya at tumango ako sa kanya bago siya umalis sa harap ko.
Di din nag tagal ay dumating na si Austine
"Anong nangyari bro?" papalapit na tumatakbo si Austine
"May bumaril kay Zeyha. Pupunta muna ako sa prisinto pero babalik din agad ako" sambit ko
"Sige bro. Salamat. Ingat ka ha" paala niya tsaka lumapit kay tita Mariz.
Umalis na din agad ako at nakita ko na inaantay ako ng dalawang pulis
"Sir tara na po" salubong ko sa kanila at sumakay na sila sa police car kaya sumakay na din ako sa kotse ko at sumunod sa kanila papunta sa police station.
"Sir asan na po yung bumaril?"
"Nagkaroon na po siya ng malay. Member po siya ng isang gang pero ayaw po niyang ituro ang leader nila" sambit ng pulis sa akin.
"Pwede ko ba siyang makausap?" tanong ko naman
"Opo sir. Pero baka po pwedeng mag fill up muna kayo dito" inabot niya sa akin ang form at sinagutan ko naman yun bago niya ako samahan sa isang lugar kung saan pwedeng makausap ang preso
Nag init naman ang dugo ko ng makita ko ang lalaking puro pasa ang mukha at namamaga din dahil sa suntok ko kanina.
Pinipigilan ko siyang sugurin dahil nasa prisinto kami at baka mapasama pa ako kaya kinuom ko na lang ang kamao ko
"Miss mo agad ako Marcus?" ngisi niyang tanong sa akin
"Hindi naman masyado" sarkastikong sagot ko "maupo ka para makapag usap tayo"
Naupo nga siya sa harap ko at hindi pa din tinatagkal ang pag ngisi niya.
'Kaunti na lang talaga bibigwasan ko na tong isa. Sarap dagdagan yung black eye'
"Anong gusto mong pag usapan Marcus?" tanong niya na tatawa tawa
P*ta parang baliw!
"Sabihin mo sa akin kung anong dahilan mo sa pag baril mo kay Azeyha" sambit ko ng walang pinapakitang anong emosyon
"Bawal sabihin e. Napag utusan lang ako"
"Sinong nag utos sayo?" inis na tanong ko.
"Matagal mo na siyang kilala" sagot niya ng nakangiti.
"Sino? Sino siya?"
"Gusto mo na ba makilala si boss?" napalingon ako ng may magsalita sa pinto
"J-jay?"
"Ngayon na lang tayo uli nag kita Marcus. Ayaw mo ba akong yakapin?" sambit niya bago lumapit sa akin at tumayo naman
"Seriously? Do I have to do that?" tanong ko habang natatawa sa kanya "hindi ko alam joker ka na pala ngayon Jay"
"Bakit Marcus? Hindi bat tuwing nag kikita tayo sa trainibg ay binibigyan mo kami ng yakap" nakangiting sambit niya
"Noon yun Jay. Noong nasa team ka pa. Ibahin mo na ngayon"
"Sige kung iyan ang gusto mo. Pero ang tanong ko lang gusto mo na bang makilala ang mag utos sa kanya na barilin ang pinakamamahal mong girlfriend?" sambit niya habang nakaturo sa bumaril kay Azeyha
"Sino ang nag utos sa kanya?"
"You'll know it soon. Mag kikita din kayo. Huwag kang mag madali" sambit niya tsaka tinapik ang balikat ko at lumapit sa lalaking kasama namin
"Mag hintay kang ilabas ni boss dito" dinig ko pang sambit ni Jay sa lalaki bago lumabas ng kwarto.
Napagilid ang ulo ko tsaka humarap sa lalaking bumaril kay Azeyha at malakas na hinampas ang kamay sa lamesang naandon
"Sabihin mo sa boss mo kung ako ang gusto niyang makalaban, ako ang harapin niya. Hindi yung idadamay niya ang iba na walang kamalay malay sa nangyayari. Ipaabot mo yan sa boss mong duwag!" Sambit ko bago siya iniwan sa loob ng kwartong iyon...
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected