Nagising ako dahil dinig ko ang ingay sa labas. Sa inis ko ay nag taklob ako ng unan sa tenga at pinilit kong matulog ulit pero mahirap na lalo na at may kumakatok ngayon sa pinto ng kwarto ko.
"What?" inis na tanong ko kay Ayden
"Aren't you going with us?" tanong niya
"Where?"
"Ngayon na aalis sila kuya"
"Akala ko ba ay mamayang gabi pa?" bigla ay nawala ang antok ko
"Napaaga daw"
"Napaaga? Seryoso ka ba?" lumabas na ako ng kwarto at hinarap ng ayos si Ayden
"Yeah. Pinabago daw ni tito Lucas dahil kailangan mas maagang makadating sila kuya sa UK" sambit pa niya sa akin
Hindi ko na sinagot si Ayden at bumaba na ako
What the... hindi pa kami nag uusap ni Marcus tapos ngayon na siya aalis. Seryoso ba to?
"Oh Azeyha. Bakit di ka pa nag iintindi?" sambit ni mommy
"Wait. Wait. Bakit ngayong umaga agad?"
"Hindi ko alam sa tito Lucas mo. Pero kailangan daw mas maaga silang makarating sa UK" paliwanag ni mommy tsaka nag ayos ng ibang gamit ni kuya.
Napailing na lang ako at mabagal na nag lakad pataas, nakasalubong ko pa si Ayden at may sinabi siya pero di ko pinansin
Pag pasok ko sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone at binuksan iyon
28 missed calls from Marcus
8 missed calls from Maureen
7 unread messagesFrom Maureen
:ate, umaga na sila aalis tommorrowFrom Miguel
:hoy babae! Maaga na aalis sila kuya bukas. Kausapin mo na ang kapatid koFrom Marcus
:babe?
:umaga na ang alis namin bukas. I need to talk to you. Please
:hindi ako makakaalis ng ayos kung hindi tayo nag uusap
:babe please
:Good morning babe. Aalis na kami mamayang 9 am. I owe you an apology so please talk to me.So totoo nga... aalis sila ng mas maaga ngayon?
Napaupo ako sa kama at napaisip. I need to put down my pride. We need to talk. Napaka simpleng bagay lang naman nito. Pero pinapalaki ko pa.
Tumayo agad ako at dumeretso sa bathroom para makaligo. Mabilis na pag ligo ang ginawa ko at nag bihis na.
At ng saktong pag baba ko sa sala ay ready na umalis.
"Akala ko itataas mo pa ang pride mo e" salubong ni kuya
Nag pout lang ako sa sinabi niyang iyon. Sapul ako doon. Slight
"Tsk. Gusto ko sumama pag hatid sayo. Mamimiss kasi kita" tsaka ako yumakap sa kanya
"Mamimiss mo ako? O yung best friend ko?"
"Kuya naman" inis na sambit ko
"Fine. I will miss you too. Pwede ka naman dumalaw doon" tsaka niya bahagyang ginulo ang buhok ko
"Hindi alam ni nanay Erlyn na aalis ka na. Sayang at di man lang siya sayo makakapag paalam" sambit ni mommy
Matagal na kasing umalis si nanay Erlyn sa bahay namin dahil gusto niyang kasama ang anak niya. Tumatanda na din daw kasi siya kaya pinayagan na nila dad na umalis
"Kaya nga mom" sagot ni kuya
Sabay sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse papuntang airport.
![](https://img.wattpad.com/cover/240618673-288-k983704.jpg)
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Novela JuvenilSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected