Aaaah sumasakit na ulo ko sa dami kong gawa. Sabay sabay na pati yung mga kailangan kong ipasa noong first year college ako sumasabay. Ang hirap.
Ilang linggo na akong busy sa school. Hindi ako palatambay sa library pero nag iba na ngayon.
Pag dating ko sa umaga dederetso agad ako sa library, kapag breaktime nasa library ako. Mabilis lang din ang lunch ko para makapunta ako sa library. Kulang na nga lang doon na ako tumira sa library e. Pero minsan naman sa office ni kuya.
Ang hirap naman kasi ng nag hahabol ka sa lahat ng requirements. Tinutulungan naman ako ni Hannah pero syempre may iba pa din naman siyang kailangang gawin kaya sabi ko sa kanya na kaya ko naman.
Andito ako ngayon sa office ni kuya at napahawak na lang ako sa sentido ko ng lingunin ko ang gilid ng table at nakita ko kung gaano pa kadami ang kailangan kong gawin.
"You're so tired na" napaangat na lang ako ng ulo ko ng may narinig akong mag salita. Nag pout lang ako sa kanya ng makita ko ang nakahilig niyang ulo
"I can help you na sa school works. Tapos na ako sa mga requirements ko" sambit pa niya
"No babe, get some rest" sagot ko sa kanya at naupo naman siya sa harap ko.
"Eh I want to help you nga" sagot pa niya tsaka kumuha ng isang libro at sinumalan niyang basahin iyon.
Nag pout lang tsaka siya tinitigan at nilingon naman niya ako.
"Hindi na tayo masyadong nag kakasama kaya gusto kong matapos mo na lahat ng requirements mo para makapag date naman tayo" sambit pa niya tsaka niya hinawakan ang chin ko.
"But you need some rest, you also need it. Malapit na din yung training niyo for sports fair. Alam kong kailangan mo mag focus doon dahil last year mo na as captain. Babe, get some rest, will you?" sagot ko sa kanya
At bigla niya akong hinalikan! Sa labi! Pero saglit lang naman yun. Sayang. Char. Ang harot Azeyha!
"I already got my rest so be quiet na huh" napapigil na lang ako sa ngiti ko at para akong tanga na naka kagat labi habang pinag patuloy ang gawa ko
Nag focus na lang ako sa mga gawa ko para matapos ko na din agad pero parang nahihirapan akong mag focus dahil panay ang bagsak ng talukap ng mata ko kaya naman minsan ay kinukusot ko iyon
"Stop doing that" iritang saway niya sa akin ng makita niya akong muling kusutin ang mata "baka ma-irritate yang mata mo" pag tagkal pa niya ng kamay ko
Iniwasan ko na lang ang pag kusot sa mata ko at sinubukan kong mas nag focus pa sa pag basa ng libro.
Pero sobrang bumabagsak talaga ang talukap ng mga mata ko hanggang sa unti unting pumikit na iyon pero hindi naman agad bumagsak sa lamesa ang ulo ko dahil may naramdaman akong sumalong kamay doon na hindi ko na pinansin dahil sa sobrang antok na din ako.
"Babe?"
"Hmm" sambit ko ng may tumapik na marahan sa balikat ko
"Babe sorry, but you need to wake up na" napahilamos na lang ako ng marahan sa mukha ko tsaka inangat ang ulo
"It's getting late na, you need to go home na" dagdag pa niya
Nilingon ko naman anb gamit ko at nakita kong malinis na lahat ng iyon.
"Did you finish it all?" I asked while pointing on the eight books na may mga nakasingit na papel
"Uhmm yeah. But you need to check it din. Baka may mga mali akong nagawa e" sagot niya sa akin
"What the heck, you've done all of this?" manghang tanong ko na hanggang ngayon ay nakaturo sa mga libro
"Yes nga"
"In short time period? What the... who are you? William Shakespear?" What the heck, natapos niya agad
"Babe may ibang subject diyan na nabasa ko na kaya alam ko. Ahead ako sayo kaya may knowledge din ako sa ibang subject na meron ka" paliwanag niya sa akin
"Yeah I know. But... ugh fine. Atleast its all done"
"Atleast we can have time na" pag tatama pa niya sa sinabi ko.
"Yeah fine. But get some rest first" sagot ko "the real rest, okay?" pag klaro ko sa kanya
"Opo madam" sagot niya tsaka humalik sa noo ko.
Lumabas na kami sa office ni kuya, iniwan ko na doon ang mga sinagutan ko, I mean sinagutan ni Marcus.
Next week pa naman yun ipapasa pero dahil tinapos na niya ay wala na akong gagawin this weekend...
Kinabukasan ay wala na nga akong masyadong gawa kaya nakasama ko din ng matagal si Marcus. Sabay kaming pumasok, sabay kaming nag snack, sabay kaming nag lunch.
"Do you have any plan tommorow?" tanong niya habang nag dadrive siya para ihatid ako.
"Wala naman. Why?" sagot ko lang sa kanya
"Then lets go to Quezon Province" kaswal na sagot niya kaya naman nilingon ko agad siya
"Quezon Province? What the... Bukas? agad agad? Are you joking huh?" malayo ang Quezon province sa Manila.
"Do I look like I'm joking?" sagot niya kaya mas tinitigan ko pa ang mukha niyang parang pagod na sa school works. "Sabi nila maganda daw dun sa Lucban. I want to chill before mag start ang trainings" nakangiting dagdag na sagot pa niya sa akin
"Tayo lang dalawa?" tanong ko sa kanya
"Hmm yeah. I want to spend time with you. I want to have more memories with you"
"We can create memories ng hindi nag mamadali" sagot ko sa kanya.
"Yeah I know. But I really want to have a lot memories kaya gusto ko na simulan bukas" pinag masdan ko lang siya at parang may malalim siyang iniisip kaya naman napaisip na lang ako
"Well, okay lang naman sa akin. Ang iniisip ko ay ikaw. May kalayuan din yun dito. Hindi ka ba mapapagod mag drive nun?" sagot ko lang sa kanya tsaka siya tumitig sa mata ko
"Don't mind me. As long as ikaw yung kasama ko, hindi ako makakaramdam ng kahit na anong pagod dahil ikaw ang lakas ko..."

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Ficção AdolescenteSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected