Chapter 33

33 7 0
                                    

"Sorry sir, pero isang room na lang po ang available" sambit ng babae kay Marcus

Andito na kami ngayon sa hotel at nahihirapan kaming mag pabook ng room dahil puno daw ang mga hotels ngayon dito sa Lucban, Quezon.

"Ilang bed po yun?" tanong ni Marcus

"Isang queen size bed po sir ang available" sagot naman nung babae at lumingon sa akin si Marcus

"Babe? Is it okay to you what we stay in one room?" pag sisiguro niya sa akin

"Yeah. We need it. Para makapag pahinga ka na ng ayos. Iilang oras lang tulog mo kanina" sagot ko sa kanya at tumango siya sa akin bago bumaling uli doon sa babae

"We will get that room. Thanks" sambit niya lang at agad naman kaming inasikaso papunta sa hotel room namin.

Bitbit ko lang ang sling bag ko kung saan nakalagay ang importang things ko at si Marcus ang may dala ng isa kong bag na may damit.

Pag pasok namin sa hotel room ay binaba niya ang kaniyang gamit at kumapa sa bulsa niyang parang may hinahanap

"Anong hinahanap mo?" tanong ko

"My phone, I think I forgot it in the car"

"Tsk. Here" abot ko sa kanya ng cellphone "bangag e. Pinahawak mo sa akin yan kanina"

"Oh, I forgot" natatawang sagot niya

"Matulog ka na muna, mamaya pa naman tayo mag iikot e. Maaga pa" sambit ko sa kanya

"Ikaw? Aren't you going to take a nap?" tanong niya naman

"Maya maya. Aayusin ko lang yung gamit ko" sagot ko

"Okay, I'll sleep na muna ha. I love you"

"I love you, babe" sagot ko.

Nahiga naman siya tsaka ko siya tiningnan. Minsan lang kami mag sabi ng 'I love you' sa isa't isa kaya ibang kilig ang abot sa akin nun. Hindi lang talaga ako nag papahalata sa kaniya kasi baka asarin niya ako.

Inayos ko ang iba kong gamit tsaka naupo sa kama. Ilang pa ako kung mahihiga ba ako o hindi. Pero dahil nakatalikod naman siya at malaki ang kama ay nag tagkal na din ako ng sapatos tsaka nahiga. May kalayuan kay Marcus. Nakapag breakfast naman na kami kaya ayos lang na matulog muna saglit.

"Babe? Wake up" ramdam ko ang mahinang tapik sa balikat ko kaya minulat ko ang mata ko at bumungan sa akin ang gwapong nilalang "andyan ang kuya mo" dagdag niya kaya napabalikwas ako sa hinihigaan ko

"What???" di makapaniwalang tanong ko

"Andyan ang kuya mo, nag aantay sa labas" pag sagot naman niya

"No way!"

"Andyan nga. Kasama si Shai, mag lunch daw tayo dun sa kamayan sa palaisdaan na sinasabi ni Shai"

Napailing na lang ako tsaka tumayo at inayos ang sarili ganun din ang ginawa ni Marcus. Dinala ko lang ang mga mahahalagang gamit tsaka humawak kay Marcus. Mahalaga to kaya isasama ko hahaha

Sabay na kaming lumabas ni Marcus at pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa amin si kuya at ate Shaira

"Hi Azeyha" bati niya sa akin

"Hi ate" bati ko naman tsaka yumakap sa kanya. "Hindi ka ba busy ngayon?"

"Hindi naman masyado. Pero itong si kuya mo bigla akong inakit kasi kayo lang dalawa ang andito ni Marcus" sagot ni ate Shai sa akin

"Really kuya? Sana okay ka lang" baling ko sa kanya

"What?" masungit na sambit niya kaya inirapan ko na lang siya tsaka sinabit ang kamay sa braso ni Marcus

"So saan tayo mag lunch?" tanong ni Marcus

"Sa kamayan sa palaisdaan, tapos deretso na tayo doon sa kamay ni Hesus" sambit ni ate Shaira

"How did you know all of that?" tanong ni Marcus

"Duh. Tourism student ako, I should know lots of landmarks from Phippines or around the world"

"That's my sweetie" nakangiting sambit ni kuya

"Eeew sweetie. Ang pangit pag galing sayo kuya" singit ko naman

"Oh pinakelman ko ba yung babe nyong dalawa?" inis na sambit ni kuya at aamba pa sana sa akin pero tumago agad ako sa likod ni Marcus

"Itong mag kapatid na to!" saway ni ate Shai kaya nanahimik na kami ni kuya at bumaba na sa parking lot at sumakay na din kami sa sasakyan ganun din sila kuya sa kanilang kotse.

Nakasunod lang kami kila kuya dahil si ate Shai ang may alam ng way. Hindi naman kalayuan sa hotel namin yung lugar kaya mabilis din kaming nakarating na din naman agad kami sa sinasabi ni ate Shai

Pag baba ko ng sasakyan ay tahimik ang lugar at napakaaliwalas. Ang sarap mabuhay sa probinsya. Nakakawala ng pagod.

"Tara pasok na tayo" sambit ni ate Shai kaya naman pumasok na din kami.

Isa siyang parang resto at sa gitna ay may malaking pond kung saan may ilang kubo na nakafloat doon.

"Saan nyo ba gusto? Dun sa floating na kubo or kahit dito na lang?" tanong ni ate Shai at tinuro ang isang normal table

"Doon tayo sa floating na kubo" sambit ko naman at tumango si ate Shai bago nag paasikaso sa mga tao doon.

Inalalayan ako ni Marcus ng nasa may floating na kubo na kami. Naupo na kaming apat at hinintay ang aming pag kain doon

Nag kwentuhan lang kami saglit at dumating na din ang aming orders. Naexcite ako ng makita ang mga fresh na seafoods, may king crab pa.

"Zeyha oh" abot sa akin ni kuya ng plastic gloves at kinuha ko naman agad iyon.

Kumuha na din ako ng kanin at ulam tsaka nag simulang kumain. Kumuha naman ako ng king crab pero hirapan akong buksan iyon at mukhang napansin ako ni Marcus kaya kinuha niya ang hawak kong king crab at siya na ang nag bukas non para sa akin tsaka niya nilagay sa plato ko ang laman noon.

"Thank you" sambit ko na lang ng may ngiti

"Anything for you, babe" sambit niya

"Eeeew babe" singit ni kuya na ginaya ang tono ko ng sabihin ko kanina ang 'eeew sweetie'

"Ang epal kuya" inis na sambit ko sa kanya tsaka siya dumila sa akin

"Don't mind your kuya. Kumain ka na diyan" utos ni Marcus kaya naman kumain na din ako...

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon