KABANATA 5

1.7K 55 0
                                    


Luna's POV

This past few weeks, mas lalong naging maalaga sa akin si Cale. Araw-araw na rin siyang pumupunta dito sa mansion. At dito na rin siya natutulog. Sobrang pasasalamat ko dahil hindi niya ako pinapabayaan.

At nitong mga nakaraang linggo, mas lalo akong nakakaramdam ng sakit sa tiyan ko. Kahit 'yong Doctor na tumingin sa akin ay hindi matukoy kung bakit ganito na kalaki ang tiyan ko. Kung titingnan kasi, anytime pwede na akong manganak.

"Pasensya na, Moona. Matagal ko na kasing tinawagan si Doc na magpunta dito. Akala ko malalaman niya. Pero mukha ngang hindi normal ang ama ng batang 'yan."

"Sa tingin mo, bampira talaga ang ama ng baby ko?"

Habang tumatagal, mas naniniwala na ako sa posibilidad na bampira nga ang lalaking 'yon. Patunay na rin naman itong marka sa leeg ko.

Tinitigan ako ni Cale at parang may malalim siyang iniisip.

"Cale?"

Kumurap-kurap ito at saka nagsalita, "Siguro. Maraming posibilidad."

Sumandal ako sa headboard nitong kama habang nakahawak sa malaki kong tiyan. I'm just 20, mapapalaki ko ba ng maayos ang anak ko? Magiging mabuti ba akong ina? Nakakalungkot lang na hindi matanggap ni mama ang lahat ng nangyayari sa akin. Inaasahan ko pa naman na gagabayan niya ako sa pag-aalaga sa anak ko.

"Cale, magugustuhan kaya ako ng anak ko bilang mommy niya?"

Ngumiti naman si Cale sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Moona, hindi ka lang magugustuhan ng anak mo.. Mamahalin ka rin niya."

"Natatakot lang ako. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Inaasahan ko lang ay si mama sana.. Para i-guide ako sa lahat."

"You can do this, Moona. Alam kong kakayanin mo. Magiging mabuti kang ina."

Humawak din naman ako pabalik sa kamay ni Cale at ngumiti. Maswerte talaga ako sa kaibigan kong ito. Kapag nawawalan ako ng lakas ng loob, lagi siyang nandiyan para palakasin ako.

"Hiyang-hiya na ako sa'yo, Cale. Andami mo ng nagawa para sa akin. Kailangan mo ring magpahinga."

"H'wag mo akong alalahanin, Moona. Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong bantayan at alagaan kayo ng baby mo."

Hinila ko naman si Cale palapit sa akin at niyakap ko siya. Naramdaman ko naman ang maiinit na luhang pumapatak sa mata ko. Sobrang daming nangyayari. Napakadami na kahit ako hindi ko inaasahan.

May mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko. Pero tinatatagan ko ang loob ko para sa anak ko. Kahit na napakahirap maging malakas sa panahong ito.

"Hush, Moona.. Baka umiyak din si baby."

Bumitaw ako sa yakap at napatawa sa sinabi niya. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at hinaplos ang aking tiyan.

"H'wag ka na rin umiyak, baby."

Nagtawanan kami pareho ni Cale at tumayo na siya mula sa kama saka inilahad sa akin ang kaniyang kamay.

"Maglakad-lakad tayo. Para naman makapagexercise ka. Lumalaki ka na, Moona."

"Malamang, buntis ako eh!"

Nginitian niya lang ako. Tinanggap ko naman ang kamay niya. Gusto ko ring makapaglakad-lakad sa labas. Mas safe dahil nakaalalay naman sa akin si Cale.

Umaga na rin naman kaya masarap maglakad sa labas.

"Moona? Anong ipapangalan mo sa baby mo?" tanong ni Cale habang inaalalayan niya akong bumaba sa hagdan.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon