Luna's POVKulang na lang dumugo ang mga labi ko dahil sa kanina ko pang pagkagat dito. Kinakabahan kasi ako. Lalo na at nakikita ko ngayon ang preparasyon dito sa bulwagan. Mamayang gabi na kami ipapakilala sa lahat ng bampira at hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang sarili ko ngayon. Ako lang ang nandito ngayon. Wala sina Alistair at Gavin dahil nagba-bonding na silang dalawa. Nakakatuwa nga na unti-unti natatanggap na ni Gavin na ituring na ama si Alistair.
"Bakit hindi ka muna magpahinga?" saad ng reyna.
Napailing ako atsaka ngumiti. Hindi ko rin naman magagawang magpahinga dahil masyado akong kinakabahan.
"Hindi na po. Hindi rin po ako makakapagpahinga. Masyado po akong kinakabahan." Pag-amin ko.
Isang ngiti ang iginawad sa akin ng reyna at hinawakan ang balikat ko.
"Okay lang 'yan. Normal lang kabahan. Pero alalahanin mo lang na andito lang kami. Dapat ka ng masanay."
Tumango na lang ako at ngumiti. Alam ko namang andito sila palagi para sa akin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin masagap ng aking isipan lahat ng nangyayari. Sobrang bilis ng lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala.
At hindi ako makapaniwala na ikakasal ako kay Alistair. Samantalang buong buhay ko ay inisip kong pakasalan si Jerry. Si Jerry na demonyo pala ang ugali. Mas masahol pa siya sa hayop. Lubos na galit na lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi na siya ang lalaking minahal ko dati.
"Pwede po bang magtanong?"
"Oo naman Luna. Ano 'yon?"
"Kaano-ano niyo po si Cale? Hindi niya po yata nabanggit pero magkaibigan kami."
Ngumiti naman sa akin si Reyna Cecilia.
"Anak rin namin si Cale. Magkapatid sila ni Alistair."
Napabuka ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Magkapatid sila? Ilang taon kaming naging magkaibigan ni Cale pero ni minsan, di niya naikuwento ang pamilya at kahit kapatid niya. Ngayon, kinukwestyon ko na tuloy kung tinuring niya ba talaga akong kaibigan.
Pero sumasagi rin sa isip ko 'yong mga panahon na tinulungan niya ako. Kami ng anak ko.
"Pero bakit po parang hindi sila magkasundo ni Alistair?"
Bumuntong-hininga ang reyna at tinapik ang balikat ko.
"May mga bagay na sila lang ang makakasagot, Luna. Kung ako ang tatanungin, gusto kong ibalik sila sa pagiging bata. Nang sa ganoon ay makita ko ulit na naglalaro at nagtatawanan ang dalawa.."
Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Reyna Cecilia kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Bigla ko tuloy naalala si mama. Si mama na tinaboy ako at mas piniling itakwil bilang anak niya.
Niyakap naman ako pabalik ng reyna at saka kami bumitaw sa yakap.
"Salamat, Luna. Osiya, aalis na muna ako. H'wag ka masyado kabahan. Andito lang kami."
I smiled at tumango.
Naglakad na paalis si Reyna Cecilia at huminga ako ng malalim.
This is it, Luna. Wala ng atrasan 'to. Ia-announce na nila sa lahat na ikakasal ka na kay Alistair. Medyo natatakot lang ako sa malaking pagbabago na mangyayari.
"Hi, beautiful."
Napatingin ako sa nagsalita at si Alistair pala. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang aking pisngi dahil sa sinabi niya.
"Nasaan si Gavin?" Imbes na bumati pabalik. Unang hinanap ng mga mata ko ang anak namin.
"He's getting ready. Are you okay?"
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
WampiryNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...