KABANATA 26

1.1K 31 36
                                    


Luna's POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang mga tao o bampirang gumawa ng pagpapahirap kay Alistair. At hanggang ngayon ay ilag pa rin sa akin ang lalaking minamahal ko. Umasa pa naman ako na magiging maayos na kaming dalawa. Nasira lahat ng pag-asa na nabuo sa puso ko.

Ngayon nga ay tahimik lang kaming kumakain dito sa hapag-kainan. Tanging mga tunog lamang ng kutsara at tinidor ang maririnig.

Kumpleto kaming lahat. Ako, Alistair, Gavin, Cale, Reyna Cecilia, at ang hari.

Para kaming may challenge dito na walang magsasalita.

Mabuti na lang din ang nakasabay na sa amin si Alistair dahil mabilis naman itong nakabawi ng lakas.

"So, tuloy ba ang kasal next month?" Pagbasag ni Cale sa katahimikan na ikinabigla namin. Dahil na rin sa tanong niya.

"Hin—"

"Oo."

Magsasalita sana ng hindi si Alistair pero nakasagot rin naman ng oo si Haring Dominic.

"What? Bakit itutuloy ang kasal? Hindi ba kayo nag-aalala? Paano kung sa araw ng kasal namin saka nila ako tuluyang patayin?"

"Talaga bang may gustong pumatay sayo, Alistair?" Seryosong tanong ng hari na ikinatigil at ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean, dad? Talagang itatanong niyo sa akin 'yan matapos akong mag-agaw buhay?!" Pasigaw na sambit ni Alistair. Halatang galit na siya dahil sa tanong ng hari. Ngunit nanatili namang kalmado si Haring Dominic.

"Huminahon ka, Alistair." Mahinahon rin namang saad ni Reyna Cecilia.

"Nakakapagtakang hindi mo maalala kung sino mang nagpahirap sa'yo."

"But dad, hindi ko talaga maalala. Paano kung ginamitan ako ng kung ano non kaya ganito?"

"H'wag mo akong linlangin, Alistair. Binalaan na kita noon pa. Pakakasalan mo si Luna o alam mo na ang mangyayari." Matigas ang bawat salitang binigkas ng hari kasabay ang pagtayo nito at paglalakad paalis. Sinundan naman kaagad ng reyna.

Naiwan na lang sa hapag ay ako, Alistair, Gavin at Cale.

"Masaya ka na?" Tanong ni Alistair habang nakatingin kay Cale.

Parang wala lang naman kay Cale na nakipagtinginan rin dito.

"Masaya saan?" Maang-maangan pang tanong pabalik ni Cale.

"Ba't di ka na lang mag-artista? Tutal magaling ka naman um-acting." Inis na saad ni Alistair.

"Dapat kasi nagpaturo ka sa'kin. Ayan tuloy, hindi ka paniwalaan ni Dad. Libre naman kitang tuturuan, h'wag kang mag-alala." Nakangiti namang tugon ni Cale.

Padabog na tumayo si Alistair at masama ang tingin kay Cale.

"H'wag mong hayaan na kalimutan kong itinuturing kitang kapatid, Cale."

"Edi kalimutan mo. Sa ating dalawa, kahit may gawin akong masama sayo.. Ako pa rin ang paniniwalaan. Alam mo kung bakit? Lahat na lang dinadaan mo sa galit, Alistair.." sambit ni Cale atsaka tumayo at tumitig kay Alistair. "At paniguradong 'yan ang magpapabagsak sayo." Ngising dugtong nito bago mabilis na nawala.

Napatingin ako kay Gavin at tahimik pa rin siyang kumakain. Habang ako heto, walang nagawa kundi makinig sa usapan ng magkapatid.

"A-Alistair.." sambit ko sa pangalan niya.

Tiningnan niya naman ako ng malamig pero biglang sinamaan ng tingin.

"Sa lahat, ikaw yata ang pinakamasaya. Hindi na sana kayo dumating sa buhay ko." Sambit nito na ikinanganga at ikinakirot ng puso ko.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon