KABANATA 21

1.2K 33 6
                                    


Luna's POV

Kanina ko pa iniisip si Aurelia. Kamusta na kaya siya? Sana lang maayos niyang naipanganak ang anak nila ni William. Nakakapanghinayang na hindi ko man lang makikita ang itsura ng anak nila. At nakakalungkot dahil hindi na makikita ng anak nila si William. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi talaga inaasahan.

At lahat ng nangyari ay kagagawan ng hari ng mga bampira. Wala na rin akong mukhang maihaharap kay Aurelia lalo na at si Gavin ang tagapag-mana ng pagiging hari pagkatapos ni Alistair. Kamumuhian ba ako ni Aurelia? Hindi ko siya masisisi kung 'yon ang mangyayari.

"Madam," agaw-pansin ng isang babae sa akin at inabot ang isang papel. Kumunot ang noo ko. Para saan naman ito? Hindi pa rin ako sanay na tinatawag nila akong madam na para bang napakataas kong tao. Hindi ako sanay.

"Salamat."

Binasa ko ang nakasulat doon.

Get dress.

'Yon lang naman nakasulat. Wala man lang pangalan kung kanino. Susundin ko ba ang nakasulat? Eh paano pala kung 'yong hari o reyna ang nagpadala nito? Mabuti na ring sundin.

Nagbihis na ako ng black dress above the knee. Bagay na bagay sa akin. Ipinadala na lang ito kaninang umaga. Hapon na kasi dito ngayon. At ang reyna daw ang nagpadala ng lahat ng magagandang dress na pagmamay-ari ko na daw ngayon. Grabe, para na akong reyna dito.

Kasama naman ni Gavin ang hari, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. At ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Alistair. Hindi ko alam kung hindi lang ba kami nagkakasalubong sa laki ba naman ng palasyong ito.

At si Cale? Wala na akong balita sa kaniya. Ni ha ni ho, wala. Galit pa rin ako sa sinabi niya noon. Sinabi niya rin na susunduin niya kami pero hindi naman nangyari. Nagkaroon na ng malaking gulo pero hindi siya dumating.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. May sumalubong naman sa aking isang babae at itinuro ang direksyon kung saan ako pupunta. Hanggang sa makarating kami sa likuran ng palasyo.

Nagulat naman ako dahil nagkalat ang mga rosas sa paligid tapos kita ko ang magandang pagkakaayos ng dalawang upuan habang may lamesa sa gitan. Napaka-romantic. Wow.

Pinaupo ako ng babae sa isang upuan tapos umalis na rin siya kaagad. May nakahanda na ring pagkain sa lamesa at mukhang masarap.

"Hey."

Napatingin ako sa may-ari ng boses at nakatayo ngayon si Alistair habang nakasuit. Napakagwapo ng datingan niya habang formal ang suot. Seryoso lang din ang mukha nito.

"H-hey?"

Umupo siya sa kabilang upuan at magkatinginan lang kami. Anong meron? Bakit niya ginawa ito?

Ipinatong niya ang braso sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay saka seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Wala akong alam sa pagiging romantic. Hindi ko alam kung nagustuhan mo ang ginawa ko ngayon." panimula niya.

Umayos ako ng upo at labis ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"G-Gusto ko. Pero bakit mo ginawa 'to?"

"Look, I am doing this because I want you to marry me. Hindi dahil gusto ng ama ko kung hindi dahil gusto ko. Sa ilang linggo, naisip ko na bakit hindi tayo magsimula sa ganito muna?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Totoo ba ito? Gusto na akong pakasalan ni Alistair? Pero paano 'yong babaeng iniyakan niya pa at mahal na mahal niya?

"Paano si Yara? H'wag mo sanang masamain ang tanong ko pero mahal mo 'yong tao at alam kong hindi madaling kalimutan ang pagmamahal."

Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Walang emosyon.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon