KABANATA 11

1.5K 51 0
                                    


Luna's POV

"Mommy.. mommy.."

Nagising ako sa boses ni Gavin habang tinatapik niya ng mahina ang pisngi ko. Tiningnan ko ang paligid at madilim pa sa labas kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya.

"Bakit, baby?"

Humawak siya sa lalamunan niya. Saka ko lang napansin na nanunuyo ang labi niya. Umupo ako sa kama at hinawakan ang leeg niya. Wala naman siyang sakit ah?

"Anong problema, baby?"

"I'm thirsty, mom."

Tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya saka kami lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.

"Here." inabot ko sa kaniya ang baso na may lamang malamig na tubig.

Kaagad namang uminom si Gavin pero ibinigay niya ito matapos ubusin ang tubig.

"Mom, nauuhaw pa din ako."

Napatigil ako ng makita ang ngipin niya. Unti-unting may lumalabas na pangil. Sht. That means, magiging ganap na siyang bampira?!

Kinakabahan naman na kumuha ako ng kutsilyo. Wala dito ngayon si Cale dahil nasa Manila siya at may inaasikaso sa school niya. Pero sinabihan ako ni Cale na sa unang uhaw ni Gavin sa dugo ay dugo ko ang ipapainom ko.

"Mom, what are you doing?" Tanong niya at nakatingin sa kutsilyong nakatapat sa braso ko. Kaunti lang naman ang ipapainom ko. Ayoko pang mamatay.

"You need this."

"The knife?"

"No, my blood." sagot ko saka agad na sinugatan ang sarili ko. Napangiwi ako sa hapdi. May tumutulong dugo na sa braso ko. Itinapat ko ang braso ko sa baso at doon inilagay ang dugo na tumutulo sa akin. Nang sa tingin ko ay medyo okay na, dumampot ako ng tela at itinali sa braso kong may sugat.

Ibinigay ko kay Gavin ang baso na may lamang dugo.

"Drink."

Mabilis namang umiling si Gavin pero napapalunok ito at pulang-pula ang kulay ng mata niya habang nakalabas na ang mahahaba niyang pangil.

"N-No, mom."

"You need to drink this, Gavin."

"N-No.."

I sighed at nilapitan siya saka itinapat ang baso sa bibig niya at sapilitang pinainom sa kaniya ang dugo. Kaagad namang nawala sa pagtanggi si Gavin at parang sarap na sarap sa dugo. Napaiwas ako ng tingin. Para akong masusuka sa isiping nainom ng dugo ang anak ko.

"Mom.." sambit ni Gavin. Tumingin ako sa kaniya at may bahid ng dugo ang bibig niya. Nawala na rin ang pangil niya. Inaabot niya sa akin ang baso kaya kinuha ko ito at hinugasan kaagad.

"Are you still thirsty?" I asked.

He shooked his head, "I'm sorry mommy."

Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya. "Big boy ka na. Malapit mo na rin matutunan ang ginagawa ng tito Cale mo."

Niyakap niya ako at inaya ko na siyang bumalik sa kwarto saka kami nahiga ulit ni Gavin. Nakayakap siya sa akin habang nakatihaya ako.

"Mom, let's go back."

"Huh? What do you mean, baby?"

"Bumalik na tayo sa Manila. Kaya na kitang ipagtanggol. Hindi ka na nila masasaktan."

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay na nakapatong sa tiyan ko. Nag-iiba na rin ang temperatura ng katawan ni Gavin. Lumalamig na siya tulad ni Cale.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon