Luna's POVTatlong araw na akong hindi pinapansin ng anak ko. Pakiramdam niya siguro ay mas kinakampihan ko si Alistair kaysa sa kaniya pero hindi naman ganoon 'yon. Gusto ko lang naman na magkaayos silang dalawa.
"Iha, anong ginagawa mo diyan?"
Nawala ako sa pagtingin kay Gavin nang marinig ang boses ng reyna mula sa likuran. Nakasilip kasi ako dito sa bintana. Nakaupo kasi sa labas, sa damuhan si Gavin.
I sighed and smiled at her.
Lumapit siya sa akin at tiningnan kung anong sinisilip ko sa bintana.
"Hindi po kasi ako pinapansin ni Gavin. Ayaw niyang mapalapit ako kay Alistair."
Hinawakan ni Reyna Cecilia ang kamay ko at nginitian ako ng tipid.
"Hindi madali para sa bata ang nangyayari. Hayaan mo na muna siyang makapag-isip."
"Ginagawa ko lang naman po ito para mabuo rin ang pamilya namin. Kahit na alam kong hindi ako ang mahal ng anak niyo.."
Wala na akong makausap dito sa palasyo at mapagsabihan ng sama ng loob kaya sasabihin ko na sa reyna lahat ng iniisip ko.
Bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko ang reyna at tumingin sa labas ng bintana.
"Bilang susunod na reyna, tungkulin mong pakasalan ang hari kahit na walang pagmamahal. Kahit na napipilitan. Kahit na ikaw lang ang nagmamahal.." sambit ng reyna na ikinalungkot ko. Pero hindi nawala sa paningin ko ang lungkot sa mukha niya.
"Nakikita ko naman po na mahal niyo ang isa't-isa."
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid. "Pareho lang tayo, Luna."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
"Tayo ang nakatakdang maging reyna pero hindi tayo ang nauna sa puso ng ating hari.."
Napabuka ang bibig ko sa sinabi niya. Ibig sabihin may iba pang minahal ang hari bago sila magpakasal? Kung ganoon, naging maayos rin naman siguro ang pagsasama nila dahil matagal na sila ngayon.
"Magtiwala ka sa anak ko, Luna. Darating ang panahon na makukuha mo rin ang pagmamahal na dapat lang para sayo."
Tumango ako at ngumiti. "May tiwala po ako kay Alistair. Alam kong mamahalin niya rin ako. Hindi man ngayon."
"Maraming salamat.. Osiya sige, mauna na ako sayo ha? Marami pa akong gagawin." Paalam ni Reyna Cecilia.
Tumango naman ako at ngumiti.
Umalis na si Reyna Cecilia at bumalik naman ako sa pagtingin kay Gavin sa labas. Nagulat naman ako dahil katabi niya ng nakaupo si Alistair at parang malalim ang pinag-uusapan nila. Kinakabahan tuloy ako. Magkakaayos na ba sila o hindi pa rin?
Kumunot ang noo ko nang magshake hands ang dalawa na parang may deal na naganap sa pagitan nila.
Tumayo na sina Gavin at Alistair kaya naman tumakbo na ako papunta sa kwarto. Ayoko namang masabihan ng chismosa dito.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...