Luna's POVKanina pa ako nakaharap sa salamin at kanina pa ako kinakabahan. Pinakiramdaman ko ang sarili at napatakbo na naman sa banyo. Ilang linggo na akong ganito. Pakiramdam na nasusuka. May pasok pa naman ako ngayon. At susunduin ako ni Jerry.
Napasandal ako sa pader nitong banyo at napapikit ng mariin. Sana lang hindi tama ang hinala ko kung bakit ako nagkakaganito.
"Luna? Nakaayos ka na ba?"
Napatayo agad ako nang marinig ang boses ni Jerry. Lumabas na ako ng banyo at mabilis na kinuha ang bag ko sa kama saka binuksan ang pinto nitong kwarto ko. Bumungad naman sa akin ang nakangiting si Jerry. Pero agad ring nawala ang ngiti nito.
"Are you okay? You looked pale."
Hinawakan niya ang noo ko atsaka leeg.
"Hindi ka naman nilalagnat. Ayos ka lang ba?"Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.
"Ayos lang ako, babe. Tara na?"Nagdadalawang isip man ang kaniyang mga mata, inakay niya na lang ako palabas ng bahay. Natatakot ako. Sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Sana mali ang hinala ko.
Sumakay na kami sa kotse niya at hindi ko magawang magsalita. Masyadong okupado ang isipan ko ng mga posibleng dahilan kung bakit ako nagsusuka.
"Nalulunod ka na ba?"
Napatingin ako kay Jerry at kumunot ang noo. Tumawa naman siya at inilagay ulit ang tingin sa daanan.
"Lalim kasi ng iniisip mo."
Bumuntong-hininga ako at umiling. "Wala naman. Naiisip ko lang na malapit na tayong gumraduate."
"Oo nga. At ibig sabihin no'n, malapit na rin tayong magpakasal."
Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Kasal? Mangyayari ba talaga 'yon kung malalaman niyang niloko ko siya?
Pasimple kong hinawakan ang tiyan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling buntis nga ako.
"Masakit ba ang tiyan mo?"
Kaagad ko namang tinanggal ang kamay ko sa tiyan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Wala namang kasiguraduhan kung buntis nga ako.
"H-Hindi."
Mabuti na lang at saktong nakahinto na ang kotse dito sa parking ng school.
Bumaba si Jerry at pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse. I just smiled at him.
Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad papasok ng school. Kilala dito sa school si Jerry at hindi naman din kasi maiaalis na gwapo ito. Kaya pati si Rein na itinuring kong kaibigan ay gumawa ng sobrang sama dahil lang sa gusto niyang makuha si Jerry.
"Take care, okay?" sabi nito at hinalikan ako sa noo.
I smiled, "Ingat ka din."
Ngumiti rin siya sa akin at sumama na sa mga barkada niya. Maaga pa naman kaya pupunta muna ako sa comfort room.
Kaunti pa lang din ang mga estudyante. Ngayon lang ako naglakad mag-isa dito sa campus. Madalas kasi na kasama ko sina Rein. Pero ngayon, hindi ko na sila gugustuhin na makasama pa o makasalubong man lang. Napakamalas ko lang dahil magkaklase kami sa lahat ng subject.
"Girls, look who's here."
Napatigil ako at tiningnan si Rein kasama sina Bianca, Thiana, at Lei. Nakaharang sila ngayon sa dadaanan ko papuntang comfort room.
"Pwede ba? Ayoko ng gulo."
"Anlakas naman ng loob mo na pumasok pa, Luna? Huhulaan ko, hindi mo pa sinasabi kay Jerry? Well, it's okay. Hindi rin magtatagal at ikaw na mismo ang maglalantad ng baho mo." nakangising saad nito.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...