KABANATA 18

1.3K 39 1
                                    


Luna's POV

"Lunaaaa!"

Napatingin ako kay Aurelia na kapapasok lang dito sa bahay. Nandito kasi kami sa salas ni Gavin. Bored na bored dahil wala namang magawa. Wala din si Cale dahil may pinuntahan na naman siya.

"Oh, Aurelia?"

Malaki na ang tiyan niya pero hindi pa naman siya manganganak.

"Tara, sama kayo sa amin ni William." Nakangiting sagot niya. Ngayon ko lang napansin na angganda ang pormahan niya. Summer dress with hat. She really looks beautiful kahit na malaki ang tiyan. Nakakainggit, ako kasi noong ipinagbubuntis ko si Gavin. Stress na stress mukha ko.

"Saan, tita?" tanong ni Gav.

"Sa farm na pagmamay-ari nina William. Madaming fruits doon! Mag-eenjoy kayo."

Tiningnan ko si Gavin at nakangiti ang mukha niya na nakalingon sa akin. Ngumiti na lang din ako atsaka tumayo.

"Magbihis ka na, Ga—"

Napakurap-kurap ako dahil hindi pa man natatapos ang salita ko ay nakabihis na si Gavin. Sana lahat diba. Paano naman akong walang kapangyarihan dito?

"Bihis ka na, Luna!"

Tumakbo na ako papunta sa kwarto at mabilisang nagsuot ng pantalon, sapatos, fit-tshirt at siyempre nakalugay pa rin ang buhok ko.

Bumaba na ako at naabutang nag-uusap sina Aurelia at Gavin. Nakangiti si Aurelia habang nakasimangot naman si Gavin. Kinurot pa nito ang pisngi ni Gavin na lalong ikinasimangot ng anak ko. Naku! Pinaglilihihan yata ni Aurelia si Gavin ah.

"Hey! Let's go?"

Napatingin sila sa akin kaya naman kaagad na tumakbo si Gavin sa tabi ko at humawak sa kamay ko.

"Mom, let's go. Bago pa maubos ang pisngi ko." Saad ni Gavin na ikinatawa namin.

Lumabas na kami at sumakay sa kotse ni William. Nasa backseat kami ni Gavin.

"Madaming prutas doon kaya kumuha lang kayo ng kumuha." Paalala ni Aurelia.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Totoo ba ang prutas na nandoon o magic lang?"

Tumawa sila ni William kaya pakiramdam ko ay napahiya ako. Eh kasi naman diba? Malay ko bang magic lang ang nandoon tapos kunyari lang na nakakabusog pero imagination lang? Ganoon diba?

"Totoo lahat ng nandoon, Luna. May business din naman kasi kami na may koneksyon sa mundong ito na hindi puro mahika." sagot ni William na sinang-ayunan naman ni Aurelia.

"Oh-kay.."

Siyempre naninigurado lang naman ako. Baka kasi ilusyon lang 'yon. Mabuti nang malinaw.

Tiningnan ko si Gavin at nakatingin lang siya sa dinadaanan namin. Bigla naman siyang humarap sa direksyon ko. Napakunot ang noo ko dahil biglang naging kulay black ang mata niya. Nawala na naman ang pagka-kulay asul ng mata niya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit nagiging kulay itim ang mata niya.

"Mom, I want bl—"

"Ehem ehem ehem." Biglang singit ni Aurelia para pigilan ang anomang sasabihin ni Gavin.

Wala kasing alam si William na bampira si Gavin. Basta sinabihan ako nina Cale at Aurelia na h'wag ipapaalam sa iba pang witches ang pagkabampira ni Gavin kahit sa asawa man niya. Naguguluhan pa rin ako kung bakit. I mean, asawa naman ni Aurelia si William at mukha naman itong mapagkakatiwalaan kaya bakit hindi? Ang alam nila ay normal na tao si Gavin katulad ko.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon