Luna's POV
Kanina pa ako nakaharap dito sa salamin. Pinagmamasdan ko ang sarili ko. Sobrang bumagay sa akin ang fitted dress na suot ko. Pero hindi ito sapat para hindi mawala ang kaba ko.
"Mom, let's go."
Napatingin ako kay Gavin na nakadungaw sa may pintuan. Gwapong-gwapo din ang anak ko sa suot niya.
"Nasaan ang maskara mo?"
"Here, mom." sagot niya at pinakitang hawak sa isa niyang kamay.
Dinampot ko na rin ang maskara na nasa kama at sinuot. Huminga ako ng malalim at lumapit kay Gavin saka hinawakan ang kamay niya.
Bumaba na kami at napangiti ako nang nasa baba na si Cale at nakatingin sa amin. Kararating niya lang panigurado.
"Wow, you looked good." komento niya nang makababa na kami ng tuluyan. Napatawa ako.
"Sinabi mo lang ba 'yan dahil gusto mo ring sabihan kita na gwapo mo?"
Sumimangot naman si Cale. Hindi pa ito nakasuot ng maskara. "Moona, kahit di mo ako bigyan ng compliment. Alam kong gwapo ako."
"Wow, sige magbuhat ka lang ng sarili mong bangko."
"Mom, tito. Stop talking and let's go." iritang saad ni Gavin kaya napatawa kami ni Cale.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Cale. Kung tutuusin, pwede naman kaming maglakad na lang papunta doon pero medyo malayo din kase. Nakakahiya namang dumating kami doon na haggard na ang mukha. Ako lang pala. Sina Cale at Gavin, mabilis lang makakapunta.
Ilang sandali pa ay itinigil na ni Cale ang sasakyan at napatingin ako sa labas. Shems, andaming tao. Tao? Ewan ko kung bampira ang mga tao.
Napalunok ako. Kinakabahan ako kahit na nakamaskara naman kaming lahat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Napatigil naman ako sa iniisip ko nang may kamay na humawak sa kamay ko. Tiningnan ko si Cale at may ngiti sa labi niya. Nandito kasi ako sa passenger seat.
"Moona, dapat masanay ka na."
"Masanay? What do you mean?"
"I-I mean, panigurado kasing madalas magkaroon ng handaan dito kina Aurelia kaya dapat masanay ka na umattend."
Hinawakan ko pabalik ang kamay niya at huminga ulit ng malalim.
"Ramdam mo ba? Sobrang lamig ng kamay ko. Hindi yata ako masasanay sa ganito.""Masasanay ka rin. Sobrang ganda mo ngayon na kahit may maskara ka alam kong malalaman nila kung gaano ka kaganda." may ngiti pa rin na saad niya. Nakamaskara na kasi ito na mata lang ang meron. Ganoon din ako pati na si Gavin.
"Nako Cale ha. Wala akong pera para sabihan mo ako ng ganiyan."
"Trust me. You're gorgeous."
"Tito Cale, can you please shut up? Pinopormahan mo ba ang mommy ko?" Singit ni Gavin sa likod. Pakiramdam ko naman ay nag-init ang mukha ko.
"Ofcourse not. Sinasabi ko lang ang totoo. Tsaka Gavin, kinakabahan si Moona. Kailangan niya ng confidence." sagot naman ni Cale na ikinatango ko at ikinatawa.
"Good. Hindi pwedeng magmahal si mommy ng ibang lalaki bukod sa akin."
Tiningnan ko si Gavin at talagang walang ngiti sa labi niya.
"Gavin, mag-bestfriend lang kami ni tito Cale mo. Hindi mo kailangan magselos." saad ko at ngumiti.
"Kahit na mommy."
Napailing na lang ako sa kacute-an ng anak ko. "Tara na nga lumabas."
Lumabas na kami ng kotse at mabuti na lang kahit papaano ay nawala ang kaba na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...