KABANATA 15

1.5K 41 5
                                    


Luna's POV

Nandito kami ngayon sa labas ng cabin. Naisip kasi ni Cale na bumili ng tent sa bayan kanina. Malaking tent ang binili niya. Kasiya ako, Gavin, Alistair at Cale. Hiniram niya ang sasakyan ni Alistair. Nandito kami ngayon sa labas ng tent habang may apoy sa gitna namin. Katabi ko si Gavin. Malayo naman sa amin 'yong dalawa. Tahimik lang kami habang may iniinom na gatas.

"Mommy, I know you don't want to talk about my daddy. But can you atleast give me his name?" ani Gavin na may lungkot sa boses. Ito na 'yong ikinakabahala ko. Hinahanap-hanap ni Gavin ang affection mula sa kaniyang ama.

Napatingin naman ako kay Cale. Nakatingin rin naman siya sa akin na parang tinatanong kung kailangan ko ng tulong. Umiling ako at tipid na ngumiti saka ibinaba ulit ang tingin kay Gavin. Nakatingala na siya sa akin.

"A-Ahm.. baby kapag sinabi ko sayo, hindi mo rin maiintindihan. Pero kapag malaki ka na, I'll tell you everything."

"Mom, I know I'm still young but please tell me." nagmamakaawa na ang mukha na sabi niya.

I sighed.

Wala sa sariling napatingin ako kay Alistair. Seryoso itong nakatingin sa akin na parang gusto niya rin malaman kung anong isasagot ko. Iniiwas ko naman kaagad ang paningin ko.

"Okay I'll tell you." saad ko kay Gavin. Matalinong bata si Gavin at may tiwala akong maiintindihan niya kung ano mang sasabihin ko.

"Thank you, mommy!"

I smiled at him at huminga ng malalim. "Gavin, I don't know his name. I don't know what he looks like. I don't know everything about him. It's just one night. One mistake. And he left me after what happened between us.."

"So mom.. I'm really just a mistake? Tama ba ang sinabi ni ugly Jerry?"

Nagulat ako sa sinabi niya at mabilis na umiling saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"No! Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, anak. Hindi inaasahan ang pangyayaring 'yon pero hindi ko pinagsisisihan na nandito ka na at pinaglaban kita sa lahat. Mahal na mahal kita, tatandaan mo 'yan. Mahal na mahal."

Nabahala ako nang tumulo ang mga luha ni Gavin saka niya ako niyakap.

"M-Mommy, I love you.."

I smiled at pumatak na rin ang mga luha ko. "I love you too, baby.."

"I hate him." biglang saad ni Gavin pagkatapos ng yakap.

"What?"

"Mom, I hate him. Hindi ko na gugustuhin pang makilala siya. Wala siyang kwenta." may galit sa mga matang saad ni Gavin.

Oo, iniwan ako basta-basta ng kaniyang ama pero hindi ko naman gugustuhin na kamuhian niya ang lalaking iyon.

"No, Gavin. He's still your father. Kahit na ganoon ang ginawa niya, hindi mo siya pwedeng kamuhian. Hindi natin alam kung anong dahilan niya that night."

Mabilis naman na umiling si Gavin. "Dahil sa kaniya kaya ka nag-suffer, mom. I hate him."

"Gavin, tama ang mommy mo. Malay mo naman may malalim na dahilan kaya siya umalis." singit naman ni Cale habang nakatingin kay Gavin.

"Nevermind, tito. Let's just not talk about him anymore."

Dumaan ang mahabang katahimikan at nakatingin lang kami sa apoy na nasa gitna. Bigla ko namang naalala 'yong pagkain na nasa loob ng cabin. Nagluto lang naman ako ng kaunti para sa amin.

"Kukunin ko lang 'yong pagkain."

Tumayo na ako at dumiretso sa kusina. Inilagay ko kasi sa ref para hindi mapanis. Kanina ko pa kasi ito niluto.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon