Luna's POV"Sigurado ka na ba dito, Moona?" tanong ni Cale habang inaayos ko ang gamit ko at gamit ng baby ko.
"Cale, hindi pwedeng habangbuhay ay dumepende kami sayo ng anak ko."
Naisip ko kasi na kailangan kong magtrabaho para naman may pera akong panggastos sa aming dalawa. Nakakahiya na kay Cale. Nanganak na rin naman ako. Makakaya ko ng magtrabaho.
Pero habang wala pa naman akong pera, iiwan ko muna dito ang anak ko sa mansion. Dito pa rin kami titira pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng bahay na pwedeng rentahan.
"Moona, okay lang naman kasi kahit dito na kayo habangbuhay."
"No, Cale. May anak na ako. Ayoko ng umasa sayo para sa aming dalawa. Nahihiya na ako dahil andami mo ng nagawa para sa amin. Iba na ang sitwasyon ngayon, isa na akong ina."
Bumuntong-hininga si Cale at lumapit sa akin saka ako niyakap.
"Basta mag-iingat ka. Alam naman nating hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap sayo."
"I know, Cale.. Mag-iingat ako."
Nang maayos na ang gamit ko na puro requirements lang naman at extra shirt dahil mainit ang panahon ngayon. Baka hindi ako makahanap agad.
Tiningnan ko ang baby ko na nasa kama. Tulog na tulog siya, napakapeaceful niyang tingnan. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo.
"Be a good boy, okay? Aalagaan ka muna ni tito Cale mo." Bulong ko sa kaniya.
"Cale, ikaw na muna ang bahala sa anak ko." sabi ko at ngumiti lang naman siya ng tipid saka tumango.
Lumabas na ako ng mansion at sumakay sa kotse. Kotse ito ni Doctora Aurelia. Ewan ko kung anong relasyon niya kay Cale. Madalas kasi na magkausap sila at madalas na ring magpunta dito si Doctora. Ngayon nga ay makikisabay ako papunta sa Manila.
Oo, malayo. Pero napag-usapan na rin naman namin ni Cale na sasabay ako kay Doctora pabalik dito sa mansion kapag uwian na galing trabaho. Hindi ko naman kayang tumira dito sa Manila habang malayo sa akin ang anak ko.
"Sigurado ka na ba dito?" Tanong ni Doctora na ikinatawa ko.
"Pareho yata kayo ni Cale mag-isip, Doctora."
"Just call me Aurelia. Nagkataon lang na pareho kami ng iniisip ni Cale." sabi nito pero namumula ang pisngi. Hm? Parang may something? Pero bagay naman sila.
Ngumiti na lamang ako at inilagay ang atensyon sa dinadaanan namin. Noong pumunta kami sa mansion, tulog ako. Kaya naman hindi ko nakita ang dinaanan namin. Pero mukhang hindi naman pala ito sobrang liblib dahil may mga bahay-bahay rin sa dinadaanan namin. Kaso, malalayo nga lang ang agwat ng bawat bahay.
"Luna, alam kong personal na tanong but where is the father of your child?" tanong ni Aurelia.
"Hindi ko alam. Hindi ko kilala."
"So? It's like a one night stand?"
Umiling din ako. Rape nga ginawa no'ng hunghang na 'yon. Pero ewan ko ba, ni hindi ko nagawang tumakbo sa pulis at sabihin ang lahat. Dahil na rin siguro sa kakaibang marka na nasa leeg ko. Hindi siya normal na tao. Hindi siya tao.
"Eh anong nangyari?"
"Sabihin na lang natin na nagtiwala ako sa mga kaibigan at nagsimula doon lahat." sagot ko. Hindi na rin naman nagtanong pa si Aurelia.
Ilang oras din ang naging byahe namin. At talaga palang malayo ang mansion sa Manila.
"Aurelia, okay lang ba talaga na hintayin mo ako para sabay tayong babalik sa mansion?"
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...