KABANATA 1

2.2K 51 2
                                    

Luna's POV

"J-Jerry.." tawag ko sa kaniya. Nandito siya ngayon sa apartment ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa pagitan ng mga hita ko. At ang hapdi sa leeg ko.

Umupo ako sa tabi niya at tumungo. Pinipigilan kong umiyak sa harapan niya. Nandidiri ako sa sarili ko. Kapag sinabi ko ang lahat ng nangyari sa akin, matatanggap pa ba ako ni Jerry?

"Ayos ka lang ba? Kamusta ang naging party niyo nina Rein?"

Napakuyom ako ng kamay. Hindi ko pa sila nakakausap. May tinanong ako sa mismong bar kung sino ang naglagay sa akin sa kwartong 'yon. Apat na babae daw. Sila lang ang kasama ko noong gabing 'yon.

Bakit nila nagawa sa akin ang bagay na 'yon? Kahit kailan hindi ko sila ginawan ng masama. Matagal ko na silang kaibigan simula highschool.

"M-Maayos naman."

"May problema ba? Bakit hindi ka tumingin sa akin?"

Ikinalma ko ang sarili at dahan-dahang tumingin kay Jerry. Nakangiti siya sa akin. Makikita ko pa rin ba ang ngiting 'yan kapag nalaman niya ang nangyari sa akin?

"W-Wala. Kamusta ang reunion niyo sa Baguio?"

"Maayos naman. Naikuwento kita sa kamag-anak namin. Sa susunod daw, isama na kita. Gusto ka nilang makilala."

I bit my lower lip. Pinipigilan ko lang na mapahagulgol. Dalawang taon na kaming magkarelasyon. At sa dalawang taon na 'yon, masaya kami. Ni minsan, hindi ako sinaktan ni Jerry.

Wala sa sariling niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya naman ako pabalik.

"May problema ba?"

Umiling-iling ako. "Namiss lang kita.."

"Namiss din kita, babe."

Bumitaw ako sa yakap at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi ko sigurado kung mahahawakan ko pa siya ng ganito kapag nandiri na siya sa sinapit ko.

"Jerry, mahal na mahal kita."

Kumunot ang noo ni Jerry at pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Hindi ko na mapigilang umiyak dahil alam kong sobra siyang masasaktan.

"Bakit ka umiiyak? Mahal na mahal din kita, Luna."

Humagulgol ako ng iyak at inilayo ang sarili sa kaniya.

"Umalis ka na muna."

"What? Ano bang problema? Sabihin mo naman sa akin. Bakit ka ba umiiyak? May nangyari bang masama? Tell me."

Umiling-iling ako habang umiiyak pa din.
"P-Please, iwanan mo na muna ako. Kailangan kong magpahinga."

"Pero, Luna.. Hindi kita magagawang iwanan kung ganiyan ka."

Tumayo na ako at hinarap siya.
"J-Jerry, sasabihin ko sayo kapag kaya ko na. But for now, please.. Leave."

Tinitigan niya ako at kita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata. Pero kaagad rin naman itong tumayo. Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

"Maghihintay ako na sabihin mo. I'll give you some time."

Binitawan na niya ako at binigyan niya ako ng kaunting ngiti saka tumalikod at umalis.

Napaupo ako sa sahig at napahagulgol. Kaninang madaling araw lamang ako nakauwi. Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko isang masamang panaginip na paggising ko, okay pa rin ako pero hindi.

Naririto pa rin sa leeg ko ang kagat ng isang bampira. Oo, bampira. Hindi ako naniniwala sa mga bampira. Akala ko kathang-isip lamang sila. Pero marami rin naman akong nalalaman sa kanila na nababasa ko na rin sa mga libro.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon