Luna's POV"What?"
"Maghapon ka na diyan. Hindi mo na rin kinain itong iniwan kong pagkain."
Nararamdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko pero mas nangingibabaw ang hiya ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam bakit ako ang nahihiya, samantalang siya naman itong nanghalik sa akin.
"Kakain ako kapag nagutom."
"Alam kong gutom ka na."
Napapikit ako ng mariin saka siya tiningnan.
"Seriously? Umaakto ka na parang walang nangyari?"
"Luna, bago mo isipin ang nangyari. Pwede bang kumain ka muna?"
Inirapan ko siya at kinuha ang pagkain na nasa lapag. Iniwan niya kasi sa labas ng pintuan nitong kwarto.
"Good."
Inilagay ko ang pagkain sa kama ko at hinarap siya ulit.
"Don't you ever do that again." banta ko sa kaniya.
"Do what?"
"Alam mo na 'yon!"
Ngumisi siya sa akin at sumandal sa may pintuan habang nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa.
"Hindi ko alam."
"Y-Yong ano.."
"Ano?"
Inis ko naman siyang tiningnan.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Ash!"
"Hindi rin naman ako nakikipagbiruan. I'm just asking."
"Umalis ka na nga."
Tumalikod na ako at umupo sa kama saka nagsimulang kumain.
Pero imbes na umalis, nakatayo pa rin siya habang pinapanood ako.
"Wala ka bang balak umalis?"
Ngumiti siya sa akin at in just a snap, nasa harapan ko na siya at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"A-Anong—"
Imbes na itulak, nanlambot ako at napapikit dahil sa magkalapat naming mga labi. Pakiramdam ko rin ay hindi ako makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan niyang iginalaw ang labi sa aking labi at wala akong ibang magawa kundi tumugon sa halik niya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ang inaasahan ko ay malamig ang kaniyang mga kamay pero ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.
Nang matapos ay napamulat ako ar mabilis niyang inilayo ang sarili niya sa akin saka tumigil sa may pintuan.
Tinitigan niya ako at ngumisi.
"Ayaw mo ba talaga na ulitin ko?" mapang-asar ang mga salita niya habang nakangisi.
Inirapan ko siya at dumampot ng unan.
"Umalis ka na bago pa magdilim paningin ko sa'yo."
Tumawa siya at mabilis na nawala.
Binitawan ko ang unan at huminga ng malalim. Hindi pa rin nagiging normal ang tibok ng puso ko. Mabilis pa rin. Hindi tama ito.
Napahawak ako sa labi ko at pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko.
"Nahihibang ka na ba, Luna?" bulong ko sa sarili ko.
Bakit ba kasi nanghahalik ang walang hiyang bampira na 'yon?!
Sinasabi sa akin ng utak ko na ayoko nang ginawa niya. Pero bakit hindi nakisama ang katawan ko nang halikan niya ang labi ko?
Nababaliw na siguro ako.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...