Luna's POVHindi na kami nakauwi kahapon dahil na rin sa hiniling ng magulang ni Aurelia na magtagal pa. Sobra siguro nilang namiss ang anak nila kaya pumayag na rin akong matulog kami dito. Hindi ko rin kasi masyadong nakita kung anong itsura ng lugar nila dahil gabing-gabi na kami nakarating.
"Aurelia, ipasyal mo na lang muna ang mga kaibigan mo dito sa lugar natin. Bago man lang kayo umuwi." sabi ni tita Aileen, ang ina ni Aurelia.
Ngumiti ako ng tipid. Gusto ko rin kasing makagala muna sa lugar nila bago kami umalis. Mukhang mayayaman ang tao- I mean witches dito dahil malalaki ang mga bahay. Katulad na lang nitong bahay nila, napakalaki.
"Sige, mama. Pagkatapos naming mag-almusal."
Kumakain kasi kami ngayon ng tinapay na ginawa pa ng mama niya. Nagustuhan naman ni Gavin nang ipatikim ko sa kaniya. Hindi ko na nga alam kung pang-ilan na ang kinakain ni Gavin ngayon. Halos buo na ang ngipin niya.
"Mommy, can you give me three?" tanong ni Gavin habang itinuturo ang mga tinapay na nasa mesa. Napatingin naman sa kaniya sina tita. Gosh, kailan pa naging matakaw itong anak ko?
"Gavin, stop na. That's too much. Baka sumakit ang ngipin mo."
Kaagad namang sumimangot si Gavin at tumungo. Hays, kailan pa siya natutong magpaawa?
Awkward akong ngumiti kina tita at ngumiti lang naman din ito sa akin saka tumango. Kaya ikinuha ko na ng tatlong tinapay si Gavin.
"Here. Pero last na 'yan ha? Baka sumakit na din ang tiyan mo. Madami ka ng nakain."
Lumiwanag naman kaagad ang itsura niya at tumango saka kinuha ang mga tinapay. Kulay itim pa rin ang mata ni Gavin dahil kanina palihim na ginamit ulit ni Aurelia ang spell kay Gavin noong naging kulay asul na ang mata nito. 24 hrs lang pala ang itinatagal no'n.
"Gavin, where are you going?" tanong ko dahil tumayo siya at tumakbo palabas ng pintuan.
"It's okay, Luna. Hayaan mong maglaro ang bata. Safe naman sa labas." nakangiting sambit ni tita Aileen.
Tumingin ako kay Aurelia at tumayo na sila ni Cale kaya tumayo na rin ako.
"Mama, ipapasiyal ko muna sila."
"Osige, mag-enjoy kayo. Nga pala anak, next month na mapag-uusapan ang kasal niyo ni William, bumyahe ka ng maaga papunta rito ha?" paalala ni tita Aileen na nakapagpalungkot sa mukha ni Aurelia.
Tiningnan ko naman si Cale pero walang reaksyon ang mukha niya. Hindi man nila sabihin, alam kong may namamagitan kay Cale at Aurelia.
Walang alam si tita na alam ko na mga witches sila. Ang alam nila ay tao kami ni Gavin pero totoo naman na tao ako. Si Gavin lang ang bampira pero hindi na din namin ipinaalam na bampira siya.
Lumabas na kami ng bahay nila at hinanap ko kaagad si Gavin. Hindi naman siya lumayo pero may kausap siyang batang babae.
"Gavin!" tawag ko sa kaniya. Mukhang nagpaalam naman siya doon sa batang babae saka lumapit sa akin.
"Sino 'yon?" I asked him.
"I don't know, mommy."
"Nag-uusap kayo pero 'di mo tinanong ang name niya. She's beautiful." saad ko habang nakangiti.
"I just talked to her. I don't care who she is." sagot ni Gavin na nakapagpanganga sa akin. Kailan pa siya naging rude? Grabe talaga. Wala naman akong itinuturong ganiyang ugali sa kaniya.
"Cale, teka nga ha." sabi ko at tumigil kami sa paglalakad. Tumingin sa akin si Aurelia at Cale na nakakunot ang noo.
"Kayong dalawa, palihim niyo bang tinuturuan ng kasamaan ang anak ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/242663169-288-k71210.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampiroNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...