KABANATA 27

992 22 23
                                    


Luna's POV

Ito na ang araw na pinakahihintay nila. Pero ako? Wala na akong gana. Katulad ni Alistair, may parte sa akin na ayoko na rin ituloy ang kasal na ito. Para saan pa? Para mauwi lang din naman sa hiwalayan?

Lumalayo na rin ang loob ko sa kaniya. Hindi na siya ang lalaking nagbukas sa puso ko para mahalin siya. Hindi na siya ang lalaking minamahal ko.

"Iha, what do you think?"

Nawala ako sa iniisip ko nang magsalita si Reyna Cecilia. Itinuro niya ang wedding dress na susuotin ko. Royal blue wedding dress. Napakagandang gown. Kung sa ibang pagkakataon at kung masaya ang pakakasalan ko, siguro mas matutuwa ako.

"M-Maganda po. Napakaganda."

She smiled at me at naglakad papunta sa designer ng wedding dress. Napagpasyahan ko na lang na tingnan ang iba't-ibang wedding dress dito.

Napabuntong-hininga ako at kinagat ang ibabang labi. Para akong maiiyak. Hindi sa tuwa kundi sa napakatinding kalungkutan. Tama ba na ganito na lang iikot ang mundo ko?

Mamayang gabi na ang seremonya ng kasal. Wala na akong magagawa kundi sumunod sa kung anomang mga mangyayari.

"Eh ano ba kasing wedding dress ang bibilhin ko dito? Napakadami."

Napatingin ako sa isang lalaki na nagtitingin ng mga wedding gown. Parang pamilyar.

"Ash?"

Napalingon siya sa akin at nasurpresa kami sa isa't-isa.

Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

"Luna?"

"Hi!" Bati ko.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Pumipili ng gown?"

Napatawa naman ako. Oo nga naman. Pero bakit s'ya pumipili ng wedding gown? Ikakasal din ba siya? Sabagay, baka nga. Hindi naman imposibleng wala siyang girlfriend.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman niya.

"Ganoon din."

Napakunot ang noo niya.

"So, magpapakasal ka na?"

I smiled. "Oo."

"I guess, okay na kayo ng tatay ng anak mo?"

Nawala ang ngiti sa labi ko.

"Luna?"

Tiningnan ko si Reyna Cecilia.

"Po?"

"Anong ginagawa mo diyan? Halika na. Aalis na tayo."

Ngumiti ako at tumango saka naman siya naglakad na paalis.

Tumingin ako kay Ash pero wala na siya. Baka urgent ang paghahanap niya ng wedding gown kaya umalis na kaagad.

"Nagustuhan mo ba talaga ang wedding gown na susuotin mo mamaya?" Tanong sa akin ng Reyna habang nakasakay kami dito sa kotse.

"Oo naman po. Napakaganda. Gustong-gusto ko ang kulay at pagkakagawa."

Hinawakan niya naman ang aking mga kamay at ngumiti.

"Ikaw na ang susunod na magiging reyna pagkatapos ng aking termino. Palagi mong tatandaan na hindi pwedeng puro puso. Madalas gamitin mo rin ang iyong isipan sa lahat ng bagay o sa anomang desisyon na gagawin mo. Luna, ang pagiging malambot ang magpapabagsak sa iyo... Kaya h'wag mong hahayaan na mangyari 'yon." Mahabang litanya ni Reyna Cecilia at napatango na lamang ako.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon