KABANATA 13

1.4K 42 0
                                    


Luna's POV

"Manang, magkano po dito?" tanong ko sa nagtitinda nitong laruan. Nandito ako ngayon sa palengke dahil napagdesisyunan kong magluto ng sinigang. Titingnan ko kung magugustuhan nina Cale.

"150 pesos lang iha." sagot niya sa laruan na baril. Gusto kong bilhan si Gavin.

"Sige po. Pabili po."

Ibinigay ko na ang bayad at ibinigay na sa akin ang laruan. Magugustuhan kaya ito ni Gavin? Sana naman. Masyado ng mapili ang batang 'yon.

Tapos na rin naman akong bilhin lahat ng kailangan ko para sa lulutuin kong sinigang at uuwi na ako ngayon. Sikat na sikat na ang araw. As usual, magkasama lang naman sa apartment sina Cale at Gavin.

"Hello? Yes, hinihintay ko na lang si manang. What? Okay."

Napatingin ako sa isang lalaking nakasandal sa kotse. Pormang-porma ito at nakashades pa. Nakadagdag 'yon sa gwapo niyang mukha. Minsan iniisip ko na maswerte ako. Paano ba naman, madalas akong makita ng parang anghel tulad na lang nina Cale at Alistair. Hindi rin papatalo ang anak kong si Gavin.

"Miss, stop staring at me. Annoying." iritang sabi nito sa akin na ikinanganga ko. Abay pot-. Napakasama naman pala ng ugali. Letse.

"Wow, anyabang ha. Hindi ka gwapo, mukha kang tukmol. Pangit ng shades mo." irita ring sabi ko at naglakad na palayo sa kaniya.

Nagbago na ang isip ko, hindi na siya kasali sa mga gwapong nakikita ko. Sabagay, mali rin naman ako na titigan siya. Medyo creepy nga naman 'yon but still hindi niya kailangang maging rude. The fuck.

"Manong, sa apartment ***** po."

Kaagad namang nagmaneho si manong ng tricycle. Napatingin ako sa hawak kong baril na laruan. I smiled. Sana talaga magustuhan ni Gavin kundi babarilin ko si Cale. Charot.

Mabilis rin namang nakarating at malapit lang 'tong apartment sa palengke. Bumaba na ako saka nagbayad.

Naglakad na ako papasok at sinalubong ako ng katahimikan. Usually, puro ingay ang lagi kong nadadatnan dito pero mukhang wala silang dalawa?

"Gavin?"

"Cale?"

"Nasaan kayo?"

Pero walang sumagot. Baka naman naglaro lang sila sa ibang lugar. Gawain na rin naman nila 'yon. Dibale, magluluto na ako para pag-uwi nila ay handa na.

Ipinatong ko na sa mesa ang mga lulutuin ko at nagsimula na.

Matapos ng ilang minuto, hihintayin na lang maluto. Sana naman ay dumating na sila. Mas masarap ito kapag mainit pa.

Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Matapos magbihis, napatingin ako sa kama ko. Ngayon ko lang napansin na may pulang papel doon. Nilapitan ko 'yon at binuklat.

Ikaw ba ang ina ng batang kasama ni Cale? Pasensyahan tayo, si Cale lang naman ang kukunin namin pero nakialam ang anak mo. Kung gusto mong maabutang buhay ang pinakamamahal mong anak, pumunta ka sa address na ito. *** *** **

Napanganga ako sa nabasa ko sa sulat. Pusanggala, chill na chill ako dito tapos nakidnap na pala ang dalawang 'yon?! Nakaramdam ako ng kaba. Anong gagawin ko?! Bampira na 'yong dalawa tapos nakidnap pa at hindi nakalaban. Anong gagawin ng isang taong katulad ko?!

Nagmamadali na pumunta ako sa kusina at pinatay ang apoy saka tumakbo na palabas. Hindi naman siguro nila ako sasaktan. Si Cale lang naman ang kailangan nila eh. Pero alangan namang hayaan kong mamatay si Cale?! Letse naman oh! Bahala na!

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon