Luna's POVAfter that night, hindi ko na nakikita lalo si Cale dito sa palasyo. Isang linggo na rin ang lumilipas. Pati si Alistair, palaging busy. Hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya napunta. Habang si Gavin naman, nagsisimula na mag-aral. May school na pagmamay-ari ang pamilya nina Alistair kaya naman 'di rin mahihirapan na makapasok si Gavin.
Habang ako, heto nasa likuran ng palasyo. Dito na lang ako nagpapalipas ng oras habang wala pa si Gavin. Wala rin naman akong makausap. Pati ang hari at reyna ay busy sa kanilang mga ginagawa.
Pakiramdam ko tuloy ay display lang ako dito sa palasyo. Minsan, naiisip kong bisitahin man lang sina mama. Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handang harapin sila. Lalo na at paniguradong nasa ex ko pa rin ang simpatya nila.
Tiningnan ko ang oras sa aking wrist watch at ala una pa lang. Sana naman maraming kinain si Gavin sa school. Mas mabuti siguro na bisitahin ko rin siya doon ngayon.
Tumayo na ako at inayos ang dress na suot ko. Dress sya na lampas tuhod, color white at may magagandang bulaklak na design.
Dumiretso na ako sa loob ng palasyo at naglakad sa may pasilyo hanggang sa makarating sa entrance nito. Nakita ko naman kaagad ang driver at sasakyan.
"Ma'am," pagbati nito sa akin.
"Hello po. Pwede niyo po ba akong ihatid sa school ni Gavin?"
Ngumiti naman ito at tumango saka binuksan ang pinto ng likurang bahagi ng sasakyan.
Sumakay na ako at ilang minuto lang din ay nasa school na kami.
"Makikihintay na lang po ako." Saad ko sa driver pagkababa ko ng sasakyan.
Naglakad na kaagad ako papasok sa school. Pero hinarang ako ng guard.
"Ma'am? Sino pong sadya nila?"
"Ah kuya, dadalawin ko lang 'yong anak ko."
"Ano pong pangalan?"
"Gavin Zachary.."
Nanlaki naman kaagad ang kaniyang mga mata.
"K-Kayo po ba ang magiging asawa ni Sir Alistair?"
I smiled at him, "Yes po. Paano niyo po nalaman?"
"Sikat na po kaagad ang anak niyo at pinag-uusapan na dito sa school. Isang malaking anunsyo na may anak na si Sir Alistair, ma'am. Masaya po akong makaharap kayo."
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa sinabi niya. Iniisip ko ang kalagayan ni Gavin. Kagustuhan niya bang maging sikat sa paaralang ito? Ang pagkilala ko sa anak ko ay gusto niya lang makapag-aral at magkaroon ng normal na buhay.
"Ah sige salamat kuya. Pupuntahan ko lang si Gavin."
Tumango naman siya kaagad at ngumiti. I just smiled back at naglakad na papasok.
Nakakamangha ang laki at ganda ng paaralang ito. Parang husto lang talaga para sa mga mayayamang tao I mean bampira.
"Aray!" Daing ko nang mapabagsak ako sa daanan.
Tiningnan ko ang lalaking nakashades at tiningnan lang din niya ako. Pero lingon lang 'yon at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Walang'ya naman oh.
Tumayo na lang ako at tiningnan ang papalayong lalaki.
Napakunot ang noo ko.
Parang pamilyar siya.
Napabuntong-hininga ako. Sobrang rude naman no'n. Hindi man lang marunong tumulong. Siya na nga 'tong nakabangga. Okay fine, may kasalanan rin naman ako. Masyado akong nahumaling sa pagtingin sa paligid kaya nabangga ako. But still, dapat man lang tumulong siya. Siya itong nakatingin sa daanan eh. Anlaki ng daan, 'di man lang umiwas.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampirosNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...