KABANATA 31

1K 25 1
                                    


Luna's POV

Days? Weeks? Months? Wala na akong alam. Kumakain na lang ako kapag pinipilit ni Aurelia. Oo, nagkita na kami. Siya na lang ang nagtya-tyaga sa akin ngayon. Wala akong gana na magtanong kung saan siya nagpunta o kung kumusta na ba siya. Tanging nasa isipan ko lang ay ang namayapa kong anak.

Hindi ko na alam kung nasaan si Alistair. Pagkatapos na mangyari 'yon, kaagad siyang umalis. Paniguradong masaya na siya kasama ang babaeng dahilan kung bakit niya pinatay ang anak namin. Napakawalang kwenta niyang ama. Isinusumpa ko siya.

"Luna, hindi matutuwa si Gavin kung ganiyan ang gagawin mo sa sarili mo."

"Mas gugustuhin ko na lang din mawala, Aurelia.."

"H'wag mong sabihin 'yan. Kailangan mo pa rin magpakatatag."

"Magpakatatag? Para saan? Wala na akong dahilan para mabuhay. Itinakwil na ako ng pamilya ko, wala na akong babalikan. At ngayon, wala na rin ang anak ko.."

Napabuntong-hininga siya at niyakap ako. Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kailan mauubos ang luha. Pero ang alam ko lang, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko habangbuhay.

"Moona.."

Oo, kasama na rin namin si Cale.

Ngumiti ako sa kaniya, ngiting kailanman hindi na magiging rason ang kasiyahan. Habang sumasabay ang mga luha sa aking mga mata.

"Cale.. ako na yata ang pinakamalas na taong nabuhay sa mundong ito. Hindi ko alam kung anong kasamaan ang nagawa ko. Deserve ko bang mawala sa akin ang lahat? I just wanted to be happy.."

"Moona, matatapos din ang lahat ng paghihirap mo. H'wag kang mawalan ng pag-asa."

"Matatapos? Cale, simula no'ng mamatay si Gavin.. natapos na din lahat."

Humiga ako sa kama at napatulala sa kawalan. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga habangbuhay. Ayoko na. Pagod na akong lumaban.

"Are you going to be like this for the rest of your life?"

Napakurap ako nang marinig ang boses ni Ash. Tumingin ako sa kaniya atsaka tumingin sa paligid. Umalis na pala sina Cale at Aurelia.

"What do you want me to do? Laugh? Smile? Enjoy my life? Akala mo ba ganoon kadali 'yon? Palibhasa kasi sarili mo lang ang iniisip mo."

"Wala kang alam, Luna."

Umupo ako sa kama at tiningnan siya sa mata.

"Walang alam? Kung gano'n, ipaalam mo sa'kin. Para naman maintindihan ko kung bakit gusto mong maging miserable ang buhay naming lahat. Kung tutuusin, dapat nga ikaw ang sinisisi ko eh. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang anak ko."
Naramdaman ko ang hapdi ng puso ko at saka ako napahikbi nang maalala kung paanong naglaho mismo sa harapan ko ang pinakamamahal kong si Gavin. "Ikaw ang dahilan kung bakit wala na akong mahanap na rason para mabuhay pa. Si Gavin na lang ang meron ako, Ash. At kinuha mo pa sa akin ang pagkakataon na maging masaya at magkaroon ng buong pamilya!"

Huminga ako nang malalim at nginitian siya ng mapait.
"Masaya ka na ba? Masaya ka na ba kasi nakuha mo na ang gusto mo? Nasa iyo na itong kaharian. Ikinulong mo na ang reyna at ang hari. Ginawa mong miserable ang buhay ng bawat isa sa amin. Kamumuhian kita hanggang sa katapusan ng buhay ko, Ash. Kaya kung maaari lamang, h'wag ka na ulit magpapakita sa akin."

Nagtitigan kami at parang may gusto pa siyang sabihin pero umiwas siya at tumalikod na.

Pero huminto ulit siya at nagsalita habang nakatalikod.

"I know how much you hate me. Pero alam ko kung nasaan si Alistair. Masayang-masaya siya kasama ang babaeng minamahal niya. Habang ikaw, nagluluksa sa pagkamatay ni Gavin.. Kung gusto mong makabawi, hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka." Saad nito at saka mabilis na umalis.

Napalunok ako at nakaramdam nang matinding galit kay Alistair. Napaka-unfair na sobrang saya niya habang gusto ko na tapusin ang buhay ko.

Alam kong mamamatay din ako sa huli, pero sisiguraduhin ko na magdudusa si Alistair. Hindi ko siya hahayaang maging masaya. Ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

Naikuyom ko ang aking kamao at kaagad na tumayo at lumabas ng kwarto.

"Nasaan si Ash?" Tanong ko kay Cale. Nakaupo silang dalawa ni Aurelia sa salas at mukhang may pinag-uusapan nang dumating ako.

"Nasa kwarto niya. Anong balak mo, Luna?" saad naman ni Aurelia.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at dumiretso sa kwarto ni Ash. Simula noong maangkin niya ang kaharian, dito na rin siya tumira. Mukhang hindi na siya bumalik doon sa dati niyang tirahan.

Hindi na ako kumatok at bigla na lang pumasok. Naabutan ko naman siyang nakatayo dito sa terrace ng kwarto niya habang umiinom, sa tingin ko'y wine... O dugo.

"Ash,"

Tumingin siya sa akin at kitang-kita ang seryoso at misteryoso niyang itsura.

Ngayon na lang ulit ako lumabas ng kwarto at ngayon ko na lang din nakita ang itsura ng labas. Lumapit ako sa kaniya at namangha sa napakagandang tanawin mula dito. Pero hindi ko na lang pinansin at itinuon sa kaniya ang aking paningin.

"Maupo ka,"

Umupo ako at gayon din siya. Magkaharapan kami ngayon habang may maliit na table sa gitna namin.

"Wine?" Alok niya sa akin pero umiling ako.

"Wala akong time para makipagchit-chat sayo. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Alistair."

Sinabi ko na agad ang pakay ko. Wala na akong panahon para sa ganitong bagay. Ang gusto ko na lang ay patayin si Alistair.

"Bakit hindi mo muna siya hayaan maging masaya? Mas malalim, mas masakit.." sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Hayaan siyang maging masaya? Nababaliw ka na ba? Pinatay niya ang anak namin, Ash. Tingin mo ba deserve niya maging masaya?"

"Baka nakakalimutan mo, isa siyang bampira at kayang-kaya ka niyang patayin sa isang iglap. Maipaghihiganti mo ba si Gavin kung madali ka lang napatay ng ama niya?"

Napaisip ako at walang naisip na isagot sa sinabi niya. Tama siya. Wala akong laban kay Alistair.

"Protektado niya si Yara. At gagawin niya ang lahat para lang hindi na ito ulit mawala sa buhay niya." Saad ulit nito.

"Plano ang kailangan mo, Luna. Dahan-dahanin mo ang bawat galaw. Ipakita mo sa kaniya na hindi ka niya kakayanin. Kakaiba rin ang lakas ni Alistair dahil anak siya ng hari. At paniguradong babaguhin niya si Yara para masigurado niyang hindi ito basta-basta masasaktan.."

"Babaguhin?" Naguguluhan kong tanong.

Uminom muna siya ulit at saka mas seryoso akong tiningnan.

"Gagawin niya ding bampira si Yara. Tingin mo ba may laban ka?" Nakangising sambit ni Ash.

Nawalan kaagad ako ng pag-asa dahil sa sinabi niya.

I'm sorry, Gavin.

"Kaya rin kitang baguhin.."

Napatunghay ako dahil sa sinabi niya.

"P-Paano?"

"Marry me.. And I'll tell you everything."

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon