KABANATA 28

1K 23 28
                                    


Luna's POV

Kanina pa nakamulat ang mga mata ko pero hindi ko magawang igalaw o bumangon sa kinahihigaan ko ngayon. Puno rin ako ng pagtataka kung bakit maganda ang kwartong kinalalagyan ko ngayon. Nakahiga pa ako sa malambot na kama.

Ang alam ko lang ngayon ay kumikirot ang puso ko sa mga narinig kong mga salita mula kay Alistair. Hindi niya ako minahal.

"Eat."

Nawala ang pagkatulala ko nang may pumasok at may dala pang tray.

"Ash.."

Tiningnan niya ako at ipinatong ang pagkain sa mini table.

Umupo siya sa gilid ng kama saka ako tinitigan.

"Kailangan mong kumain. Kagabi pa walang laman ang tiyan mo."

Kung sa ibang pagkakataon, malamang na natuwa ako sa kaniya. Pero paano ako matutuwa sa taong may dahilan kung bakit nakakulong kami ngayon?

"H'wag kang magkunwari na concern ka sa akin. Hindi na ako naniniwala. Atsaka, nasaan ako? Saan mo ako dinala?"

Umupo na ako sa kama at tiningnan siya ng masama.

"My house."

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo ako dinala dito?"

"Last night, pinapili ko si Alistair."

"Pinapili?"

"Pinapili ko siya sa buhay mo o buhay niya. Kung sinong dapat kong patayin. Ikaw ba o siya."

Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Pinili ni Alistair ang sarili niya kesa sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa doon dahil alam kong mabubuhay siya. Ayoko rin naman siyang mawala. Pero ansakit isipin na hindi niya man lang ako pipiliin kahit na anoman ang pagpipilian.

"H'wag mong sayangin ang luha mo sa kaniya."

"Diba sinabi ko na sayo? H'wag kang magkunwari na concern."

"Hindi ako nagkukunwari, Luna."

"Kaya mo ako dinala dito. Para isipin niya na patay na ako?"

"Yes."

"H'wag mong sasaktan ang anak ko."

"Wala akong planong saktan si Gavin. Kahit doon lang maniwala ka sana sa akin."

"Wala na akong tiwala sayo." Madiin ang mga salitang sabi ko.

"Just eat." Sagot lang ni Ash atsaka tumayo na. Lumabas na rin kaagad siya ng kwarto.

Rinig ko rin ang paglock niya ng pinto mula sa labas. Wala naman din akong planong tumakas. Anong laban ko sa mga bampirang katulad nila?

Tumayo na ako mula sa kama at kinuha ang bestida na nakalagay sa upuan. Suot ko pa rin kasi hanggang ngayon ang gown na para sa kasal namin ni Alistair. Nakakapanghinayang man pero hindi ko rin naman gustong matali sa lalaking walang nararamdaman sa akin.

Pumasok na ako sa banyo at binilisan ko lang ang pagligo saka nagbihis. Maaliwalas na ngayon ang pakiramdam ko.

Tiningnan ko ang pagkain na nakalagay sa table. Magagawa ko bang kumain kung hindi ako sigurado na maayos ang kalagayan ng anak ko?

Dumiretso ako sa pintuan at kinatok nang kinatok ang pinto.

Maya-maya pa ay mabilis itong nagbukas at bumungad si Ash na walang emosyon ang mga mata. Itim na itim ang kulay ng mga mata nito.

"May kailangan ka?"

Nawala ako sa pagtitig sa kaniya at napakurap.
"S-Si Gavin. Anong lagay niya?"

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon