KABANATA 16

1.3K 32 7
                                    


Luna's POV

"Aalis na kami." saad ko kay Alistair na nakaupo sa sofa habang umiinom ng beer. Samantalang umaga pa lang ngayon pero umiinom na kaagad siya.

Nakatayo lang ako dito habang nakatingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa hawak niyang cellphone na parang walang narinig. Simula noong sinabi kong wala akong pakialam sa pagkatao niya, hindi na kami nagpansinan. Ngayon ko na lang siya ulit kinausap.

"Wala ka bang narinig?" salita ko ulit sa kaniya. Nakakapikon siya sa totoo lang.

"Alistair." matigas ang salitang banggit ko sa pangalan niya. Para kasi siyang bingi.

Bored naman siyang tumingin sa akin. Alam ko namang wala din siyang pakialam sa akin pero tangina naman ikamamatay niya ba ang pagsalita ngayon?

"And? What do you want me to do? Just...go." tipid niyang salita at uminom ulit ng beer.

Mabuti na lamang at kanina pa nakalabas sina Cale at Gavin. Nagpaalam nga rin sa kaniya si Gavin pero ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang bata. Pati ba naman bata, idadamay niya sa kasamaan ng ugali niya? Grabe na talaga.

"Alistair, alam kong galit ka sa akin—"

"Hindi ako galit."

"Fine. Alam kong wala kang pakialam sa akin. Pero sana naman pinansin mo man lang si Gavin kanina. Nakita mo ba kung gaano kalungkot ang mukha niya kanina? Pati ba naman 'yong bata, ginagano'n mo?" inis na sabi ko sa kaniya.

Hindi ko lang maatim na makitang malungkot ang anak ko. Napalapit na sa kaniya si Gavin and I feel bad dahil hindi man lang niya kinausap 'yong bata.

"Wala akong pakialam sa'yo. Wala rin akong pakialam sa anak mo. Hindi ko kasalanan kung bakit nalungkot siya. Hindi ko naman ginustong mapalapit ang loob no'ng bata sa akin. I hate kids.."

Imbes na magalit, nakaramdam ako ng pagkaawa kay Gavin. Nasasaktan ako ngayon dahil sa sinabi niya. Nahalata ko rin kasi na sobrang naapektuhan si Gavin. Dahil ilang araw rin siyang hindi pinapansin ni Alistair. Hindi ko na rin nakikitang ngumiti si Gavin.

"You hate kids? Sana una pa lang, nilayuan mo na ang anak ko. Sana una pa lang, hindi mo na siya kinausap. Kung wala kang kasalanan, mas lalong walang kasalanan si Gavin. Dahil sa ugali mong 'yan, mas ipagpapasalamat ko pa na malalayo ang anak ko sayo. Hindi ka magandang impluwensya sa kaniya.." sambit ko at huminga ng malalim at napalunok. Naiiyak na ako sa totoo lang. "Salamat nga pala sa pagpapatira mo sa amin dito. Salamat sa tulong mo." dugtong ko at tumalikod na saka naglakad palabas ng cabin.

Napakasama ng ugali niya.

Naglakad na ako papunta sa kotse ni Cale na inayos niya kahapon. Naglakad pa siya papunta doon sa pinagtigilan ng kotse niya kasi nga hindi naman siya makakahiram kay Alistair at wala itong dala. Hindi ko alam kung nasaan at wala na akong planong alamin pa.

"Moona, anong sabi ni Alistair?" tanong ni Cale pagkasakay ko sa passenger seat.

"Don't ask. He's an asshole."

Hindi na rin naman nagsalita pa si Cale at pinaandar na ang kotse. Tiningnan ko si Gavin na nasa backseat. Nasa tabi siya ng bintana. Nakatanaw lang siya sa labas at seryoso lang ang mukha. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ngayon ni Gavin, hays. Nalulungkot pa rin ba siya?

"Nasabi ko na kay Aurelia. Masaya siya sa naging plano ko na doon na muna kayo tumira sa lugar nila. May bahay na rin kayo. Malapit lang din sa bahay nila."

I sighed. Nakakahiya kay Aurelia pero mas makakabuti ito para sa amin.

"Bumili sila ng bahay?"

"Nope. Sa tingin mo ba ay totoo lahat ng bahay sa lugar nila, Moona?" natatawang tanong ni Cale.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon