Luna's POV"Luna?"
Nakatulala lang ako dito sa kwarto. Hindi ko alam kung paano ko ia-absorb lahat ng nalaman ko. Buhay si Gavin pero hindi pa kami nagkikita. Ni hindi ko alam kung paano ako magre-react.
Tiningnan ko si Ash at labis na galit ang nararamdaman ko sa kaniya. Paano niya ako nagawang paniwalain na patay si Gavin? Nakita ko sa mismong mata ko na namatay si Gavin, tapos ganito ang malalaman ko? Nakita niya kung gaano ako nag-suffer habang nasa isip ko ang pagkamatay ng anak ko.
"Leave me alone, Ash. Ayokong makausap ka."
"I'll tell you everything, Luna. At tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon mo."
"Gusto ko muna mapag-isa, Ash. Hayaan mo muna akong makapag-isip bago ko pakinggan lahag ng sasabihin mo."
Tumango naman siya at lumabas ng kwarto. Napahilamos ako sa mukha ko at hindi ko na napigilan ang mga luhang pinipigilan ko kahapon pa. Kahapon nangyari ang lahat. Nabalitaan kong umaayos na ang pakiramdam ni Yara at sa tingin ko ay magiging ganap na rin siyang bampira. Si Aurelia naman, wala pa akong balita mula kay Cale.
Ginawa ko lahat ng ito para saan? Bakit nagawa akong lokohin ni Ash? Napakadami kong tanong na alam kong siya lang ang makakasagot pero gusto ko munang ihanda ang sarili ko.
Masaya rin naman ako dahil nalaman kong buhay si Gavin. Pero 'yong betrayal na nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung paano iha-handle. Ngayon pang inamin ko na sa sarili kong mahal ko na si Ash.
Pero ito rin ang dahilan kaya hindi masabi-sabi sa akin ni Ash ang katotohanan diba? Dahil sa magiging reaction ko?
Pinunasan ko ang mukha ko at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Ash. Wala siya sa mga kwarto. Wala rin siya sa loob ng palasyo. Nasaan siya?
Lumabas na ako ng palasyo at pumunta sa garden. At sa wakas nakita ko rin si Ash. Nakaupo siya sa swing at nakatingin sa malayo.
Umupo ako sa isa pang swing. Napatingin naman siya sa akin.
"Tell me everything. Everything, Ash."
Huminga siya nang malalim at kinuha niya ang upuan dito sa may garden at magkatapatan kami ngayon. Nakaupo ako sa swing, siya naman sa upuan.
"Buhay si Gavin, Luna. And he knows everything. About my plan. Pumayag siya sa planong ito. Palagi ka niyang kinakamusta sa akin. Sinabi ko sa kaniya na sabihin na sayo ang totoo pero hindi siya pumayag kasi gusto ka niyang maging malakas." Panimula niya.
I sighed, "Pero siya ang lakas ko, Ash."
"Alam niya. Pero hindi lang dito nagtatapos ang lahat. Maraming may galit sa pamilya namin. Gusto ni Gavin na maghanda para sa mga susunod pang panahon. Alam mong nakasalalay pa rin sa kaniya ang lahi namin."
Tumango ako, "Naiintindihan ko.."
"Nasaan siya? Gusto ko na siyang makita." I asked.
"Bukas na bukas, pwede natin siyang puntahan pero may sasabihin pa ako."
"Magpapakasal na agad sina Alistair sa oras na maging bampira na si Yara."
"Wala na akong pakialam sa bagay na 'yan. Lalo na buhay si Gavin. Never naman nagpaka-ama si Alistair kaya hahayaan ko na siya."
"Hindi siya ang ama, Luna.."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean?"
"Hindi si Alistair ang ama ni Gavin, Luna." Seryosong sambit niya.
"Ano bang kalokohan 'to, Ash?"
Inihilamos niya ang mga kamay sa kaniyang mukha at tumingin sa akin saka niya hinawakan ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampiriNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...