Luna's POV"Gavin, come here." tawag ko kay Gavin na naglalaro dito sa labas ng bahay.
Lumapit naman siya sa akin. "Why mom?"
Dati mommy pa tawag niya sa akin pero nitong mga nakaraang araw, tinamad na yata siya at naging mom na lang. Wala namang kaso 'yon sa akin.
"Nakita mo ba si tito Cale mo?"
Kanina ko pa hinahanap si Cale. Magpapahatid sana ako sa probinsiya namim. I don't know. Gusto ko lang makita sina mama. Anoman ang mangyari, magulang ko pa rin sila. Atsaka namimiss ko na ang kapatid ko. Galit din kaya siya sa akin?
"Lumabas siya kanina and in just a snap bigla na lang nawala."
I sighed. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon? Si Aurelia naman ay madaling araw pa umalis dito dahil nga pag-uusapan ang kasal nila no'ng William. Kaya ngayon ay nasa lugar nila siya.
"So mom, bampira ako diba?"
Napatigil ako sa pag-iisip kay Cale dahil sa tanong ni Gavin. Hindi ko naman itinago kay Gavin ang pagiging bampira niya dahil darating ang oras na makokontrol na niya ang pagiging bampira niya. Kinausap na ako ni Cale about dito at baka daw ilang days na lang ay maghahanap na si Gavin ng blood. Tutulungan naman ako ni Cale doon.
"Yes, why are you asking?"
Umupo naman ako para pantayan siya.
"Bakit hindi pa mabilis ang kilos ko kagaya ni tito Cale?"
Naexplain na rin naman sa akin ni Cale ang bagay na 'to. Sa oras daw na naghanap na ng dugo o nakainom na si Gavin. 'Yon na rin daw ang simula sa pagbabago ng kaniyang katawan.
"That time will come, Gavin. You just need to wait. Do you trust mommy?"
"Ofcourse mom. I love you."
I smiled. Halos nagbago na ang pananalita at ugali ni Gavin. Pero hindi pa rin nagbabago ang sweetness niya sa akin. Palagi niyang pinapaalala sa akin na mahal niya ako at hindi 'yon magbabago.
"Mom, let's play." anyaya niya sa akin at pinatayo ako saka hinawakan ang aking kamay at hinila ako paupo sa damuhan na pinag-uupuan niya kanina.
"Anong lalaruin natin?"
"Hide and Seek. Magtatago ako at hahanapin mo ako, mom."
Napatawa ako sa sinabi niya. Madaming generation man ang lilipas, hindi pa rin siguro mawawala ang larong ito.
Tumango na lang ako at pumikit.
"Mom, you need to count."
"Okay, baby! Magtago ka na."
1
2
3
4
5....
10
Minulat ko na ang mata ko at nagulat sa bumungad sa akin. Iniikot ko ang paningin sa paligid at kumurap-kurap. Nananaginip ba ako? Sobrang lawak ng kinauupuan ko ngayon. Puro bulaklak ang nasa paligid at sobrang ganda ng papalubog na araw. Pero umaga pa lang diba? Anong nangyayari?
"Gavin?" tawag ko sa kabila ng magandang tanawin na natatanaw ko. Naglalaro kami pero ito ang bumungad pagkamulat ko. Hindi ko alam kung mangangamba ako o masisiyahan sa tanawin na meron dito.
"Gavin?"
Pero hindi ko pa rin siya mahanap. Nananaginip na naman ba ako? Masama na naman ba ang panaginip na ito?
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...