KABANATA 29

1.1K 28 17
                                    


Luna's POV

Ilang araw na ba? Tatlong araw na. Hindi ko alam kung balak pa akong balikan dito ni Ash. Kasalanan ko rin naman pero hindi naman yata tama na hindi na niya ako balikan dito. Gusto ko mang umalis na lang, hindi ko naman magawa. Binabagabag ako ng konsensya ko kaya hihintayin ko siya.

Hindi ko rin alam kung nasaan ako ngayon. Paniguradong malayo ito sa palasyo.

Napatitig ako sa noodles na nasa mini table. Marami namang pagkain pero tanging cup noodles lang ang gusto ko. At simula kasi noong umalis sina Ash, hindi na ako natulog sa kwarto. Nandito lang ako sa sofa, hinihintay siya.

Kamusta na kaya si Gavin? Si Cale? Sina Reyna Cecilia at Haring Dominic? Pati na rin si Alistair.

Nawala ang pagkatulala ko nang bumungad si Ash. Tiningnan niya ako pero naglakad din siya pa-diretso sa kusina. Pagkatapos niya akong iwanan dito ng ilang araw, hindi niya naman ako papansinin?

"Ash." tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon. Tuloy-tuloy lang siya paglalakad.

Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya.

"Ash, ano ba."

Nakarating kami sa kusina pero hindi niya pa rin ako nililingon.

"Nawalan ka ba ng pandinig matapos mo akong iwanan dito ng ilang araw?" sarkastikong tanong ko. Nakakabadtrip naman kasi. Hinintay ko siya tapos ganito ang gagawin niya.

"Kung ang tatanungin mo ay kung ayos ang pamilya mo, oo ang sagot. Okay na ba?" malamig ang boses na saad niya.

Bumuntong-hininga ako at ikinalma ko ang sarili ko.

"I'm sorry."

Napatigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako ng nagtataka.

"Sorry for what?"

"Sa mga sinabi ko sayo noong gabi. Hindi ko sinasadya."

Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko at mabilis ang kilos na nagluto. Maya-maya pa ay natapos na siya sa niluluto niya. Wari ko'y gulay at adobo.

Nagluto din siya ng kanin sa rice cooker. Hahayaan ko na muna siya. Baka ayaw niya pang makipag-usap dahil nagugutom.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Stay here. Hintayin mong maluto ang pagkain tapos kumain ka. Hindi healthy ang cup noodles. May pupuntahan lang ako." seryosong sambit nito atsaka binitawan ang braso ko. Mabilis naman siyang naglaho.

Napalunok ako at napatingin sa mga niluto niya. Nagluto siya para sa akin? Hindi ko na tuloy alam kung anong iisipin ko.

"Wow, house wife na ang role mo? Pambawi ba 'yan sa mga sinabi mo kay Ash?" natatawang sambit ni Vince na bigla na lang sumulpot dito sa kusina. Kasunod naman niya sina Will, Troy at Reiv.

Inirapan ko naman sila kaagad. Ano na naman kayang pakay ng mga 'to?

"Hindi ako ang nagluto niyan. Si Ash ang may gawa niyan."

"See? Hindi siya kagaya ng inaakala mo, Luna." singit naman ni Troy.

"Manahimik na nga kayo. Nakatali ba kayong apat sa isa't-isa? Lagi na lang kayong magkakabuntot." puna ko.

"Ganito talaga kapag mga gwapo."

"Edi dapat hindi ka kasali, Vince." nakangising sambit ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagngisi ng tatlo niyang kaibigan. Napasimangot naman si Vince dahil sa sinabi ko.

"Tingnan mo na! Mas masama ugali mo kesa kay Ash!" parang batang sigaw ni Vince na nakapag-pailing na lang sa akin.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon