KABANATA 25

1K 23 10
                                    


Luna's POV

"She's fine. Kailangan niya na lang ay pahinga."

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto.

"N-Nasaan ako?"

"Oh, you're awake."

Tiningnan ko ang lalaking nagsalita at hindi ko siya kilala.

"Sino ka? Nasaan si Alistair?"

Ang huli kong naalala ay walang malay si Alistair. At hindi ko rin makakalimutan na sinabi niyang mahal niya ako.

"Sa pagkakatanda ko ay dalawang beses na tayong nagkita." Seryosong salita nito.

Napatingin ako sa kaniya. Napakagwapo naman ng nilalang na ito. Black ang kulay ng mga mata niya at may matangos na ilong. Mayroon din siyang pink na labi na kahit sa tingin lang ay halatang malambot.

"Stop staring." Puna nito na ikinaiwas ko ng tingin. Pakiramdam ko tuloy ay nagtataksil ako kay Alistair habang tinitingnan ang letseng lalaking ito.

"Sino ka ba? Bakit ako andito? Anong ginawa mo sa akin?"

"Ganiyan ba ang way mo ng pagsasabi ng salamat?"

"Salamat?"

"Nagkaroon ng banggaan. Walang handang tumulong kaya nagmagandang loob ako."

Nahiya naman ako dahil doon. Hindi ko naman kasi alam na tinulungan niya ako. Dapat kasi sinabi niya na lang kaagad.

"S-Salamat.. Nasaan pala 'yong kasama ko sa sasakyan?"

"Kasama? Oh, noong makita kita doon wala ng driver ang sinasakyan mo."

"H-ha?"

"You heard me, right?"

Napaupo ako sa kama pero napahawak din sa ulo ko. May benda palang nakalagay dito. Sumasakit pa din ang ulo ko.

"Pero bakit wala ako sa hospital?"

"Just shut up and get rest."

Humiga na lang ako ulit pero nagtataka ako. Paanong wala doon si Alistair? May kumuha ba sa kaniya? Nasa panganib ba siya?

Tiningnan ko ang lalaking kasama ko ngayon at nakatingin siya sa akin.

"B-Bakit?" I asked.

"Nothing." Saad niya at lumabas na ng kwarto.

Hindi ko maintindihan. Naaksidente kami at ang inaasahan kong makakasama ko ngayon ay si Gavin, ang hari at reyna pati na rin si Alistair at si Cale.

"Here." saad nitong lalaki at may inaabot sa aking gamot.

"Inumin mo mamaya. Pinapahanda ko pa ang pagkain."

"Anong pangalan mo?" Tanong ko pagkakuha ko sa gamot.

"Ash." Maikling sagot nito.

"Salamat sa tulong mo, Ash. Pero sana makauwi na rin ako sa oras na umayos na pakiramdam ko. Paniguradong nag-aalala na sa akin ang anak ko."

Umupo siya sa kama at tinitigan ako. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Paniguradong dahil sa kinakabahan ako dahil sa way ng pagtitig niya sa akin.

"Don't worry. Iuuwi kita."

"Y-yeah, ofcourse."

Medyo may pagka-weird din pala ang lalaking ito. Pero sobrang seryoso naman ng mukha niya. Hindi mababasa kung anong iniisip.

Tumayo na ito at lumabas na ulit ng kwarto. Ibang klase.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang pagkain na sinabi ni Ash kanina. Mukhang masarap ang mga ito.

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon