KABANATA 7

1.7K 54 0
                                    


Luna's POV

"Table 8 sa taas,"

Napapikit ako ng mariin dahil sa utos na naman sa akin. Wala namang kaso kung uutusan ako ng uutusan. Ang kaso lang, iisang tao lang naman 'yon. Halos gabi-gabi na lang ay sinisira ni Alistair ang gabi ko.

Inis akong umakyat at pabalyang inilagay ang order niya sa lamesa. Nagulat naman ang iba na namang babaeng kasama niya. Kada gabi, iba-ibang babae ang kasama ng hinayupak na 'to.

"Galit ka?" tanong niya na lalong ikinainis ng kalamnan ko.

"Hindi po, Sir."

Pinapaalis niya 'yong babaeng kasama niya pero hindi umalis ang babae. Bagkus sumakbit pa ito sa braso niya at ipinatong ang ulo sa balikat ni Alistair. I rolled my eyes.

"Bingi ka ba? I said, get out." Mahinahon ngunit may diin na sabi niya.

Nakaramdaman naman ng takot ang babae at agad na umalis. Bakit ko ba sila pinapanuod? Wala naman akong pakialam.

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang higitin ang aking kamay dahilan upang mapaupo ako sa hita niya.

Nanlalaki ang mga mata ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba itong ginagawa niya?! Ikinalma ko ang sarili at pilit inaalis ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Ipinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko.

"There's something about you I can't explain." bulong niya sa tainga ko. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

"B-Bitawan mo ako, Alistair."

Imbes na bitawan, mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't-isa. Sobrang lakas din ng kabog ng puso ko.

I gasped when his hands slowly entering my shirt. Alam kong mali ito at hindi ako dapat magpadala sa ginagawa niya pero hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko. Tinatraydor ako ng sarili kong katawan.

"Luna!"

Natauhan ako at mabilis na tumayo nang may tumawag sa pangalan ko. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin si Kyle na katrabaho ko.

Inayos ko ang sarili ko at hinarap si Alistair. Sinamaan ko siya ng tingin pero blangko lang ang ekspresyon nito na parang wala siyang ginawang kasalanan.

"Wag na wag mo na uulitin 'yon, SIR! Waitress po ako dito hindi parausan!" sigaw ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin. "Hindi mo ako mauutusan." sambit niya atsaka tumayo at naglakad paalis.

Napaupo ako dahil sa panghihina ng aking tuhod. What the heck, Luna? Kung hindi pa ako tinawag ng katrabaho ko, malamang na nagpahawak ka na ng sobra sa lalaking 'yon! You're so stupid!

"Luna?"

Tumingin ako kay Kyle na nasa harapan ko na ngayon.

"Bakit?"

"Inutusan ako na puntahan ka at may iuutos yata sayo."

Tumango naman ako saka tumayo na at sumabay kay Kyle sa pagbaba mula dito sa second floor.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina at hindi napigilan ang pagtaas ng balahibo ko. Ano bang problema ng lalaking 'yon? Pinaglalaruan niya ako panigurado. Tsk.

"Sir, may iuutos po kayo?" tanong ko sa manager namin.

"Luna, gusto kong dalhin mo 'to sa condo ni Mr. Z" sabi ni Manager Lee.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman ako pa ang magdadala? Bakit hindi na lang 'yong mas matagal ng nagtatrabaho dito? Bago pa lang ako dito kaya mas okay kung 'yong iba na ang magdala nito diba?

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon