Luna's POV"Explain." sabi ko kina Cale at Aurelia nang makatigil ang sasakyan. Sobrang haba ng naging byahe namin at wala naman akong tinanong kung saan kami pupunta. Mas mabuting malayo kami.
Nagkatinginan silang dalawa at bumuntong-hininga.
"Moona.. bampira kami."
Parang nawalan ako ng hininga dahil sa sinabi nila at tiningnan sila ng hindi makapaniwala. Niloloko ba nila ako? Pero 'yon naman ang explanation kung bakit ganoon sila kabilis kumilos diba?
Tiningnan ko si Cale at hindi siya makatingin sa akin. Nakatungo lang siya. All this time, bampira siya pero hindi niya sinabi sa akin? Akala ko pa naman magkaibigan kami.
"Para niyo akong pinaglaruan." sabi ko atsaka binuhat si Gavin at lumabas kami ng kotse.
Kumunot ang noo ko dahil nasa may gate na nitong bahay ang mga gamit na naiwan namin doon sa mansion. Paano 'to napunta rito? Dibale na, wala akong ganang tanungin sila. Sumama lang ang loob ko.
"Moona.. galit ka ba?"
Hindi ako umimik at hinintay lang na buksan ni Aurelia ang gate saka ako pumasok bitbit si Gavin. Maganda ang bahay. Simple lang pero maganda rin naman sa loob. Para lang itong bahay bakasyunan.
Inilapag ko si Gavin sa sofa at bumalik sa labas para bitbitin ang gamit naming nasa labas. Nakita ko namang buhat na ni Cale ang iba. Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang iba pa.
Pumasok kami sa loob at tumabi sa anak ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.
"H'wag kang mag-alala, baby.. Hindi ka nila masasaktan. Nandito lang si mommy."
Nagmulat ng mata si Gavin at tiningnan ako saka may sumupil na ngiti sa labi nito. Napakaswerte ko at siya ang naging anak ko. Tama lang ang naging desisyon ko na siya ang piliin. Mahal na mahal ko si Gavin.
"Mommy.. why are you crying?"
Hinawakan ko naman ang pisngi ko at umiiyak nga ako. Kaagad ko naman itong pinunasan.
"Nothing baby. I'm just happy."
Bumangon naman siya at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik. Hindi nila masasaktan si Gavin. Hinding-hindi. Itataya ko ang buhay ko para sa kaniya.
"Moona.."
Bumitaw ako sa yakap kay Gavin at inilapag siya sa sofa saka ko tiningnan si Cale.
"Baby Gavin, come with me. Tito Cale and Mommy will talk. Okay?"
Walang sali-salitang sumama si Gavin kay Aurelia at umakyat sila sa hagdan. Pupunta siguro sila sa kwarto.
Umupo si Cale sa upuang nasa harapan ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Cale? Matagal na tayong magkaibigan."
"Moona, sasabihin ko naman sayo. Sasabihin namin sayo pero humahanap lang kami ng tiyempo."
"Humahanap ng tiyempo? Cale, alam mong maiintindihan ko kapag sinabi niyo. Dahil bampira ang anak ko. Alam niyo 'yan."
Bumuntong hininga si Cale. "I'm sorry, Moona. Hindi naman namin itatago ng matagal sayo."
"Kahit na Cale. May karapatan naman siguro akong malaman. Cale, katulad niyo si Gavin. At kung noong una pa lang sinabi niyo na. Mas mapapalagay ako na safe ang anak ko."
Hinawakan naman ni Cale ang kamay ko. "Sorry Moona. Sana patawarin mo kami."
I sighed, "Ano pa nga ba? Malaki rin naman ang utang na loob ko sa inyo."
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
Про вампировNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...