KABANATA 32

1K 24 1
                                    


Luna's POV

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kwarto habang malalim na nag-iisip. Dapat ko bang tanggapin ang inaalok ni Ash? Pero 'yon lang ang paraan para malabanan ko si Alistair? Kaso hindi pa ata ako handa maging katulad nila. Paano kung hindi ko makontrol ang sarili ko ay may magawa akong hindi maganda?

"Okay ka lang ba?"

Nawala ako sa iniisip ko at napatigil sa paglalakad saka tumingin sa may pintuan. Nakatayo naman si Aurelia habang nakakunot ang noo sa akin.

"May nangyari ba?" Tanong niya ulit.

Umupo ako sa kama at bumuntong-hininga.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Ano bang sinabi sayo ni Ash? Kahapon ka pa ganiyan simula noong lumabas ka sa kwarto niya."

Napahilamos ako sa mukha ko at tiningnan siya.

"Sinabi niya sa akin na dapat ko siyang pakasalan para mabago niya ako. Pero para 'yon malabanan ko si Alistair."

Nanlaki naman ang mata niya.

"Handa ka bang maging bampira?!" Sigaw niya.

"Yon na nga ang pinag-iisipan ko, Aurelia. Kaya ko ba?"

Napabuntong-hininga din siya.

Maya-maya pa ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at seryoso akong tiningnan.

"Luna, alam kong kakayanin mo. Kung tutuusin, magiging bampira ka na rin naman talaga diba kung natuloy ang kasal niyo ni Alistair."

Napaisip ako sa sinabi niya at tama nga naman. Bakit ko pa ba pinag-iisipan? Ito naman talaga ang mangyayari.

"Pero, iba 'yon.." pabulong na saad ko.

"Iba? Dahil hindi siya si Alistair?"

"H-hindi 'no!" Sambit ko naman kaagad.

"Aminin mo man o hindi, sa kabila ng mga nangyari sa inyo ni Alistair.. Alam kong may natitira pa ding pagmamahal diyan sa puso mo para sa kaniya."

Pero hindi ko na siya mahal.

"Hindi sa ganoon, Aurelia."

"Edi bakit?"

"Sa kaniya pa din nanggaling si Gavin. Alam mo kung gaano kabait si Gavin at kung gaano siya mapagmahal. Imposibleng hindi ganoon si Alistair. Siya ang ama ni Gavin at alam kong sa kaniya nakuha ni Gavin ang ganoon. Kaya naniniwala pa din ako sa kabutihan na meron siya.."

Napatahimik naman si Aurelia at tinapik niya ang balikat ko saka ako niyakap. Alam kong naiintindihan niya ako.

"Napakabuti ng puso mo, Luna." Bulong sa akin ni Aurelia na ikinatulo ng luha ko.

Masakit lang na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat kang maging mabuti. Kasi kung minsan, ito ang gagamitin nilang kahinaan mo.

"So, itutuloy mo na ba ang pagpapakasal kay Ash?"

Huminga ako nang malalim at tumango.

"Itutuloy ko na. At magpapalakas ako para sa sarili kong anak. Alam kong gagabayan niya ako."

Ngumiti sa akin si Aurelia at tumayo.

Hinila niya ako patayo at lumabas kami ng kwarto. Dumiretso kami sa salas at nandoon si Cale at Ash na nag-uusap.

"Announcement!" Sigaw ni Aurelia na ikinagulat namin.

"Ano 'yon?" Pagtatakang tanong ni Cale.

"Bukas na bukas, ikakasal si Ash at Luna!"

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon