They say you only live once, buti naman. Hindi ko kayang ulitin ito, lalo na't ang kaibigan ko ay isang artista.
Reminder-This is a work of fiction. Names, places events and incidents are only fictitious along the author's imagination. Resemblance to actual people, living or dead or certain events is purely coincidental.
"Anak! Kumain ka na ba?" Naririnig ko na naman ang sigaw ni Mama. 6 AM pa pero ang lakas na agad. "Ivy bumaba ka na riyan!"
"Opo!"
Naghilamos muna ako bago ako bumaba sa kusina. Si Kuya nasa trabaho na habang si Iyah naman ay nasa banyo pa.
"Anong oras ka natulog kagabi at tumitili ka pa?" Tanong agad ni Mama noong nakaupo na ako sa may hapag.
"Mama naman! Ehehe nanunuod lang naman ng mga shows eh." I said then took some bread. "Musta nga pala 'yung shop? Malakas pa po ba ang benta?"
"Hay nako! Kung alam mo lang,parang walang bumibili sa shop natin sa sobrang unti ng tao ngayon. Dati naman kasi iba."
"Hayaan niyo po,Mama. Tutulungan kita!" Parang walang tiwala si Mama sa'kin noong tumingin siya sa'kin. "Hindi ka ba naniniwala,Mama?"
"Narinig ko na kasi 'yan. Sa'yo din mismo,sabi mo hindi mo na itutuloy ang pagiging artista kaya hindi ka masasaktan kung hindi ka makakuha ng mga roles." Tapos naman na 'yon ah! Magiging author na lang ako.
"Basta po,ako talaga ang bahala sa mga ganyan. I gotchu mader!" Tumakbo agad ako dahil inambahan niya ako ng sapak. "Bye! Labyooo!"
Pumara ako ng tricycle para makapasok na ako sa trabaho. Dito muna ako sa may coffee shop nagtatrabaho para kapag may break time makahanap talaga ako ng trabaho para sa'kin.
"Kuya sa may Delights Coffee Shop po." Tinuro ko ang may coffee shop ko. "Hopya! Ayan salamat po!" Nagbayad na ako at dumiretso sa shop.
"Good Morning,Ma'am Ivy!" Anong Ma'am?! Di naman ako boss dito!
"Ivy lang,Karisse. Ano ka ba?" Anong sinasabi niya. "Bihis lang ako ah? Magsisimula na ang breakfast hour."
Breakfast Hour-madalas kasi maraming tao diyan kaya binilisan ko na.
"Ate Ivy! May nagrerequest na ikaw raw ang tumanggap ng order!" Ani Jenelle.
"Ano? Sabihin mo hindi ako pwede!" Leche,may crush yata sa'kin 'yung costumer. Ayoko nga!
"Ate! Ikaw raw ang gusto talaga! Wala si Madam Helena ngayon!"
Bakit ngayon pa nawala si Madam?! Arghhh! Fine. Ako na nga ang bahala rito. Lumabas ako para makuha ang order ng costumer na maarte.
"Hi!"
"Ay palaka!" Sinamaan ko siya ng tingin tapos tumingin ako sa pila sa likod niya. Grabe ang haba! "Bakit humaba na agad ang pila?! Dahil ba kay Tervian?!"
Tervian Dutch
-24 years old
-Single
-Sikat na Artista
-Peste"Hoy! Anong kaguluhan ito?!" Sabi ko para naman mawala ang ngiti ng magaling kong best friend. "Ano bang gusto mo?"
"Ikaw."
"Wala ako sa menu,bilisan mo na." Kainis! "Ako na pala ang bahala sa order mo."
"Ayon oh!" Tss.
Hinalo ko na ang black coffee na gusto niya,bakit ko nga ba siya naging best friend? Nga pala crush niya ako noong High School.
"Masama bang mahalin ka?"
Wow. Parang ang weird naman niyang umamin sa'kin. Pero sasagot ba ako sa kaniya? Ayoko nga!
"Sumagot ka naman,Ivy." Parang nangingiyak-ngiyak na si pare ah? Ang sama talaga ng ugali mo,Ivy Mercedez.
"Tervian..." Diba wala pa akong sinasabi naiiyak na siya. "Hindi kasi kita gusto eh,hanggang kaibigan lang ang mabibigay ko sa'yo. I'm sorry talaga."
"Ok lang...balang araw rin,magugustuhan mo ako." Ngumiti siya habang pinupunasan ang luha sa pisngi. "Sisiguraduhin kong maiitali kita sa'kin to the point that I'm your oxygen."
"Gagayumahin mo ako?"
"Ikaw mismo ang susugod sa'kin." Then he gave me a smirk.
"Isang black coffee para sa peste este kay Tervian!" Sigaw ko para matapos na ito.
"Thanks,babe." He gave me a smile and naglapag na siya ng 500 pesos sa counter. "Keep the change."
"Oo naman,sisingilin pa kita sa mga utang mo,gago ka." Natawa siya sa mga sinasabi ko. Aba leche.
"Are you free tonight?" Nagbibilang ako ng sukli kay Ate noong nagtanong siya. "Can I take you to dinner?"
"438 po,sukli." Binigay ko kay Ate ang sukli at humarap kay Tev. "Tev,hindi ako free kahit kailan. Hindi katulad dati na kay Mama lang tayo nagpapaalam,kailangan sa buong management mo." Bumalik ako sa kusina para magluto na lang.
Hindi ako galit sa kaniya. Galit ako sa panahon...minaliit ako ng agency niya without him knowing,inamin rin nila na tinanggap nila si Tervian dahil gwapo daw. Ako may talent at ang nag-audition pero hindi ako ang nakuha. Masakit...kaya hindi pa ako ready na makipagusap sa kaniya.
Hindi muna...
BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...