Late na naman akong dumating sa studio. Mapapagalitan pa ako ng manager ko eh! Bahala na, I'll just make an excuse.
Pagdating ko doon ay nakakumpol sila sa isang gilid ng studio. Nilapitan ko sila at nakinuod na rin.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi ka ba updated sa balita, Tervian?" Biglang sabi ni Zyreane.
"Ano ba 'yan?"
"Sikat na si Ate Miss!" Sigaw ni Jairus. Wait...si Ivy?
"Paanong sikat na?" I asked.
"May trending ngayon sa facebook and twitter! Dear Rachel!" Sabi ni Marco, isa pang artista.
"She has potential. Mr. Ferrer please let her write Tervian's new show!" Pagpilit ni Monica kay Mr. Ferrer.
"No."
"Bakit naman?" The owner of film gram suddenly went inside.
"She has talent but what about her face? Anong magiging reaksiyon ng fans?"
"Lagi bang itsura ang basehan ng pagkatao? Alex naman just give this girl a chance." Sambit ni Ms. Gireya Ferrer, kapatid ng manager namin.
"Fine. Hanapin niyo siya."
"Sino po?" Tanong ni Paolo.
"Basta hanapin niyo." Ms. Ferrer said.
"I volunteer!" Sigaw ni Jairus. "Isasama ko si Dutch. Baka miss na si Ate Miss."
"Bakit mamimiss ni Mr. Dutch si Ivy Mercedez?" Tanong ni Ms. Ferrer.
"CRUSH PO KASI EHH!!" Binuking naman ako ng gago!
"AYIIEEEE!!!" Leche. Hanggang mamatay ako, aasarin pa nila ako.
"Pero..."
Napalingon kaming lahat kay Veronica. She's Sacey's best friend.
"What about Sacey? What would she say?"
"Hoy bane! 'Wag kang epal! Ship namin si Tervian at si Ivy!" Gago talaga, Jairus.
"Shut up idiot,and stop calling me bane. Eww!"
"Bane! Bane! Bane!" Hayss. Save me from this missery.
"Tara na, Jairus." Hinila ko si Jai paalis.
Pumunta kami sa trabaho niya para makausap siya pero pagdating namin ay wala pala siya roon.
"Asan siya, Almira?" I asked her close friend.
"Walang pasok ngayon eh."
"Eh bakit andito ka?" Biglang singit ni Jairus.
"Eh kung ipukpok ko sa'yo itong tasa?" HAHAHAHA! I think Jai found his match. "Epal, sino ka ba?"
"Boyfriend mo. Yiieee kilig ka?"
"Asa ka. Bawal pa ako mag-boyfriend kaya manahimik ka."
"So why are you here, almira?"
"May inasikaso lang. Aalis na ba kayo? Uuwi na ako eh."
"Saan ka nakatira? Hatid ka na namin!" Jai offered.
"Hindi na. Baka kung saan mo ako dalhin."
"Ano ako kidnapper?"
"Bakit hindi ba?"
"Aba gago ka ah!" Bastos talaga nito. Nanlalaban kahit kanino.
"Eh ikaw? Hindi ka naman sobrang gwapo eh! Mas mukha kang gago! Nagdodroga ka ano?"
"Pre pigilan mo ako. Mahahalikan ko 'yan."
"Tigilan mo nga, Jai." I said. "Hahanapin pa natin si Ivy."
"Yiieee goodluck Kuya Tev!" Kumindat si Almira sa'kin tapos umalis na.
"Pre sundan mo nga. Iuuwi ko lang."
"Sasampahan ka niyan ng kaso at manahimik ka na nga. Naririndi ako sa'yo eh."
Buti na lang at nanahimik na siya. Kaso...akala ko lang 'yon.
"Pre anong last name? Ifofollow ko sa ig."
"Tanong mo." Gago nagmamaneho ako dito ng maayos eh.
Nakarating agad kami sa bahay nina Ivy at nakita ko si Tita Micka.
"Good afternoon Tita!" Nagmano ako at gumaya si Jai.
"Anong ginagawa niyo rito?" Biglang lumabas si Kuya Iyan.
"Hinahanap po namin si Ivy. Andito ba siya?"
"Wala eh. Kasama si Iyah sa mall." Sagot ni Tita. "Baka andun pa sila kaya bilisan niyo."
"Sige po Tita!"
Sumakay kami sa kotse at umalis na. Hindi pa kami nakahanap ng maayos na parking. Edi nagtagal pa kami.
Finally! Nakapasok kami sa mall at dinumog agad kami. Nakakainis naman!
"Wait lang mga people of the world ah?" Ano na namang trip ni Jai? "Hinahanap namin si Ate Miss Ivy Mercedez. Nakita niyo ba siya?"
"Sa may Night Away!" Shop ng mga dresses and girl stuff.
"Thank you besh!" Hindi ko na pinansin si Jai kaya tinakbo ko na ang Night Away.
Wala na sila!
"Gago sa Berry Ace!" Bigla akong hinila ni Jai sa Berry Ace.
"Ivyyyy!" Yumakap si gago kay Ivy.
We said everything we needed to say. Ayaw pa rin niya. Nakakabadtrip! Pagkatapos niyang hindi magtext ng ilang araw eh hindi niya gusto? Nagpaka hirap pa naman ako para mahanap siya.
"Hoy! Gago ka iniwan mo."
"Eh ayaw daw eh."
"Just wait mah friend. Balik muna tayo sa FG. Baka may shoots tayo."
"Sige na nga. Basta bilisan natin."
I drove back to the management tapos wala pa daw kaming scripts.
To:Iveve
Ivy...sorry. Can you please say yes to this proposal?
I miss being with you...
Siyempre hindi ko 'yan sinend.
"Naks! I miss being with you amputcha." Napatingin ulit ako sa text ko.
Oh shit.

BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...