Chapter:17

11 2 0
                                    

After eating, naghahanap kami ni Iyah ng mga bagong damit. Gusto kasi niya kapag nag birthday siya ay magara ako, papagbigyan ko na lang siya.

"Ate should I invite some friends?"

"Birthday mo, bahala ka kung sino ang imbitahan mo."

"Oh my god! Ate Ivy! Pwede pong mag pa-interview?"

"Uhh...sure?"

Nakipag picture ako sa babae at tumuloy na sa pamimili. Iyah has been so helpful with avoiding fans. She'd scream things like "Ate tumawag si Mama kailangan niya raw na madala sa ospital!" Or "Si Kuya bumukas 'yung tahi sa tagiliran kailangan niya ng kasama!" Ewan ko kay Iyah at puro ganyan ang sinasabi pwede namang sabihing nagmamadali kami.

Dumaan kami sa mga shops at namili ng sobrang daming damit. Sabi na't kinulang kami sa pera kaya binalik ko ang mga hindi ko naman magagamit. Nagpapahinga kami sa isang stall dito sa mall na nagbebenta ng mga shake at milktea.

Nainom kami dito ng tahimik tapos biglang sumulpot si Jairus at Tervian! Leche naman oh!

"Ivyyyy!" Yumakap si Jairus sa'kin at masayang nakangiti.

"Hoy bitawan mo na." Parang ang sama ng timpla ni Tev ngayon. "Hindi na makahinga si Posion Ivy."

Bumitaw sa'kin si Jaieus at umupo sa tabi ko. "O.A! Hindi ko naman papatayin ang iyong pinakamamaha-"

Sinuksok ni Tev ang tissue sa bibig ni Jairus tapos pinandilatan siya. Tinignan lang namin ni Iyah ang dalawang ito.

"Bakit kayo andito? Ayaw niyo bang mag-order?"

"Wala na kaming pera Ate Miss Ivy." Ayan na naman siya.

"Ioorder ko na lang kayo." Tumayo ako para makabili pero hindi ko pa nalalampasan si Jairus ay biglang umimik si Tervian.

"Film gram wants to take you in the management."

Napaupo ako at tinignan ang avocado shake ko. That place...the place that I've been avoiding for so many years wants to take me in their agency?

"Alam mong hindi fit ang standards nila sa itsura ko." I said then sipped my shake.

"Not as an actor Ate Miss! As one of the writers in the project Me and Tervian will be doing!"

"What project?"

"Wala pa kaming writer para malaman ang title. So what do you say Ate?"

"Hindi."

"Ate Ivy!"

"Iyah alam mo naman na hindi ko kayang iwanan kayo basta-basta at sa tingin mo ba agad-agad kong tatanggapin ang offer after what their manager said to me? Pati 'yung sinulat kong short story na viral sa internet ay ayaw niya."

"Kung ayaw mo dapat hindi mo na sinulat 'yon." Tapos galit na umalis si Tev.

"Anong problema niya? Ilang araw kong hindi nakakausap tapos ganyan na siya?"

"Sorry. Natamaan kasi sa kwento mo na dapat umamin agad bago mahuli ang lahat." Natamaan? Gago may crush pala tapos ayaw sabihin sa'kin!

"Sino naman?"

Napatingin siya sa'kin tapos tumitig ng matagal. Nailang tuloy ako! Tumingin siya kay Iyah tapos tumawa silang dalawa.

Aba!

"Pa-check up mo siya, mukhang malakas ang turok ng anesthesia."

"Jusko siya lang ang makakagamot sa sarili niyang kamanhidan. Sabihin mo kasi sa kaibigan mong 'wag torpe. Mauunahan talaga siya."

"HAHAHA! Noted."

Nagkaintindihan sila tapos ako nakatanga lang dito. Mga hayop nakakasakit sila ah.

Umalis na si Jairus kaya noong naubos ko na ang shake ko ay umuwi na kami ni Iyah.

"Dumaan si Tervian kanina. Tinatanong kung masaan ka."

"Nakita na namin. Nakausap ko na."

"Ano raw sabi?"

"Kinukuha ako sa lintik na management nila."

"Akala ko ba ayaw nila sa'yo bilang artista?"

"Ayaw nga. Writer naman ang inalok kay Ate eh." Sabat ni Iyah.

"Anong gagawin mo?"

"Pagiisipan ko pa. Maganda ang offer pero hindi ko alam ang kakalabasan."

I don't know what I'm gonna do. This sounds like a good offer pero what i they don't like my work? Lagi na lang ba akong mapapahiya sa management nila?

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon