Chapter:10

16 2 0
                                    

"Nag-bati lang, blooming agad?" Panira naman itong si Kuya.

"Hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil hindi na galit si Tervian?" Inambahan ko siya ng sapak pero may kumatok sa pinto.

We weren't expecting anyone so it was really a shock to us to see Nickolo here.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked.

"Gusto ko sanang ayain ka na makipag-date."

"Bawal." Lumingon kami kay Kuya at seryoso at malamig ang mukha niya. "Bawal makipag date si Ivy."

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko."

Pinanlakihan ko si Nickolo ng mata and shut the door at his smiling face. Ang kapal ng mukha niya na pagsalitaan ang kapatid ko. Kung kaya niyang pagsalitaan ng masama si Kuya, then he doesn't respect me.

"Ayoko diyan sa manliligaw mo, Ivy." Kuya picked up his phone then went to his room slamming the door.

Ilang araw ang nakalipas noong nangyari 'yong kay Kuya at Nickolo nasa coffee shop ako at mag-sasara na kami.

"Ivy."

I turned to Nickolo and saw his disappointed face. Tinignan ko siya na blangko ang mukha ko, kaibigan ng nanay niya si mama tapos binastos lang niya ang Kuya ko? Napakagaling ng manliligaw ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa gagong ito dahil hanggang ngayon galit pa si Kuya.

"I just wanted to say that it's been so horrible when you didn't answer my calls." He said. "What did I do?"

"Aba! Ang kapal talaga niyang mukha mo ano?" Sa tingin niya papayag ako na ligawan niya ako? "Kung hindi mo rerespetuhin ang kapatid ko, parang sinabi mo na rin sa'kin na hindi mo ako nirerespeto bilang tao." Dinuro-duro ko ang mukha niya. "Mahalaga sa akin si Kuya dahil siya ang unang lalake na minahal ako." Sorry Papa pero wala akong masabi na pwede kang ipagmalaki. "Kaya kung babastusin lang niyang bunganga mo ang Kuya ko sana hindi mo na lang ako tinanong kung pwede mo akong ligawan kasi hindi talaga ako sasagot ng oo sa'yo."

Iniwan ko siya na nakatulala doon sa shop at umuwi na. Naabutan ko pa si Kuya na sasakay sa kotse niya. Tinignan niya ako na walang emosyon at pumasok na sa kotse. Umalis siya kaya pumasok na lang ako, I know that he's a safe driver kaya hindi ako mag-aalala.

"Ate." Tumingin ako kay Iyah. "Si Kuya isang linggo na galit."

"Sorry."

"Ano ga kasi ang nangyari kay Iyan?" Tanong ni Mama.

"Kasi 'yung anak ni Kumareng Tes gusto akong ligawan. Hindi ko sinabi sa kaniya na hindi pero wala rin akong sinabing oo dahil kay Tev tapos dumating siya noong isang araw na inaaya ako na samahan siyang kumain sa labas tapos biglang nag-salita si Kuya na bawal tapos binastos ni Nickolo."

"Jusko, anak ni Marites?"

"Opo." Huminga ako ng malalim at pumasok sa kwarto. I changed my clothes then went out to cook dinner.

"Ate, kilala ko si Kuya. Kapag galit siya iinom siya, Ate baka mabanga si Kuya." Natatarantang sabi ni Iyah sa'kin.

"Kilala ko rin si Kuya." Sabi ko habang ginagayat ang mga sibuyas. "Matalino siya and alam kong kaya niya."

Natapos na ako sa sibuyas kaya carrots naman. Ilalapag ko na sana ang carrots pero nasagi ko ang baso na katabi ng chopping board.

"Ate!"

"Iyah, lumayo ka!" Si Iyah naman matigas ang ulo kapag sinabing layo, lalapit.

"Aray!"

"Sabing lumayo ka." Nilinis ko muna ang mga bubog at saka ko siya nilapit sa lababo. "Don't do that again." I said. "May bumaon ba?"

"Wala. I'm fine na." Aba siyempre.

Tinapos ko ang ulam tsaka tinawag na si Mama para kumain. Matutulog na kami pero wala pa rin si Kuya. Should I go to him? Hindi ko nga pala alam kung nasaan siya kaya paano ko siya mapupuntahan?

Umupo muna ako sa labas ng bahay at nag munimuni. I looked at the sky and saw so many bright stars, shining in the dark.

"That's so beautiful..."

"Poison Ivy!" Ang sama ng best friend ko!

"Ano na naman?!"

"Ang ganda ng mga stars 'no?"

Tumingin naman ako sa langit at unti-unting napangiti. It's so beautiful.

"Oo ga." I said then hit his arm. "I want to live here...in an open field para bawat gabi masisilayan ko ang mga bituin."

"Kapag nakaipon na ako, magpapatayo tayo ng bahay sa isang bukid na walang sagabal at malayo sa problema."

"Problema..." I said then looked away from him. "Ikaw ba may problema ka?"

"Saan?"

"Sa Papa mo."

"Kay Dad?!" He laughed hysterically. "Mukha lang kaming hindi magkasundo pero wala akong problema kay Papa. Alam mo 'yon? Napaka terror niya sa trabaho pero kapag nasa bahay na tiklop kay Mama."

"Ahh...ok."

"Ikaw ba?"

Sasabihin ko ba?

"Oo sabihin mo sa'kin." He said.

"May problema ako sa Papa ko."

"Bakit naman?"

"He was just 'playing around' with Mama. Sabi niya noon nung umalis siya, hindi ako nagisip noon sorry Micka pero hindi pa ako handa na alagaan ang mga anak mo." Pumatak ang luha ko sa mga sinabi ko. "He said it like he wasn't our father. Pero biglang nakita ko na lang siya sa isang restaurant na may kasamang babae."

"Yikes..."

"I know pero hayaan na natin dahil wala na siyang kwenta sa'kin."

"I'll be here when you need me."

And he really did stay with me when I needed him. Parang niloko kami ni Papa para makilala namin ang sarili namin and it made us who we are. Mahal namin ang sarili namin dahil he didn't...and it's not so bad because he never doubted his desicion of leaving us.

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon