"Ate? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Iyah sa'kin noong nakauwi na ako. "Lampas na sa hapunan,natulog na si Mama pero may assignments pa ako."
"Wala. Bumalik lang ang demonyo galing sa Palawan." I said then took off my shoes. "May pagkain pa ba? Gutom na ako eh."
"Nakain pa si Kuya,sumabay ka na." She said. Hinayaan ko na siya at pumunta sa kusina.
"Huli ka balbon!"
"Ay palaka!" Natawa agad si Kuya sa'kin. "Kuya naman! Bakit mo ginawa 'yon?!"
"Bumalik na ba si Tervian?" He asked. "Kaya ka ba nagkakaganyan?"
"Wala lang. Hinatid lang namin si Almira sa Rosario tapos nag-suggest na ihatid ako pero naiinis lang talaga ako sa kaniya. Ayoko siyang makita ever."
"Siguraduhin mo lang hindi ka magiging baso."
Ano raw? Baso?
"Anong sinasabi mo? Tao ako,hindi baso."
"Ows?"
"Oo nga! Ano bang sinasabi mo?" Nilapit ni Kuya ang baso niya sa amin at kinuha ang pitsel.
"Kunwari itong tubig,emosyon mo tapos ito ikaw." He pointed at the glass. "Kapag sumobra..." He poured some water in the cup. "Aagos..." Tinigil na niya ang pagsasayang sa tubig. "Emosyon mo ang hindi mo maitatago."
"Anong koneksyon niyan sa'kin?"
Tumuro siya sa puso niya at umiling.
"Hindi dapat nilalabanan ito,kapag kinalaban mo na...simula pa lang,talo ka na."
"O.A mo,Kuya. Hindi naman ako manlalaban lalo na sa puso ko." I said.
"Basta 'wag mong lalabanan,hindi mo alam kung kanino titibok 'yan."
NEXT DAY
"Gumising ka na riyan,Ivy!" Narinig ko na naman si Mama galing sa kusina.
"Opooo!"
Hayss,Sabado na naman! Finally sa tindahan na ako at hindi sa coffee shop! Baka makita ko lang 'yong peste na 'yon.
"Ate,sasama ako sa tindahan mamaya!" Sabi ni Iyah habang kinukuha ang mga paninda naming damit. "Kuya Iyannn! Tumulong ka nga!"
"Iyah manahimik ka!" Ay WW3!
"Hoy Ate Ivy! Patawa-tawa ka na diyan! Bilisan mong kumilos!"
Tumalak na naman po ang bunsong akala mo'y Panganay. Tumakbo na ako sa CR para maligo,kakahiya kasi kay mayora.
"Iyan,ibalot mo na ang mga kailangan natin para makaalis tayo ng maaga." Kakalabas ko lang ng CR utos agad si Mama,teka makatago nga baka mautusan. "Ivy,lumabas ka sa halaman at ikarga mo sa sasakyan ang mga gamit natin."
Ay ang galing! Patago-tago ka pang nalalaman. Sige na nga,makapag-impake na rin baka si Iyah naman ang sunod na dumada.
"Lahat ba andito na? Walang nakalimutan?"
"Wala po,Mama." Sabi ni Iyah at pumasok na sa kotse.
Medyo malapit lang pero marami kaming dala sa palengke kaya naka-kotse pa. Kami ni Kuya ang nag-buhat papunta sa tindahan tapos umupo agad ako sa nakita kong stool.
"Luma na 'yan,baka masira pa." Sabi ni Kuya noong nakita niya ako. "Sa bigat mong 'yan."
Kapal ng mukha ng gago ah? Sarap asarin.
"Talaga ba? Isusumbong kita kay Ate Czarina." Ngumisi ako sa kaniya noong sumama ang timpla ng mukha niya. "Friend ko sa fb,madali kang ibuking na hindi pa nakaka-move on."
"Ivy!"
"Iyan!"
"Marites!"
Pareho kaming tumingin ni Kuya sa babaeng kinamusta ni Mama. Sinong Marites? As in Marites na ginagamit sa memes sa fb? Ay mali.
"Kamusta? Ang tagal na nating hindi nagkita!" Ani Marites. Wow,may kilala pala kaming Marites. "Ito si Nickolo,anak ko."
"Ah ito si Iyan,Iyah at si Ivy." Pinakilala kami ni Mama sa kumare niya.
"Hello po!" Ang bibo naman ng loko. "23 po ako,ikaw?"
"27." Sabi ni Kuya.
"18 ako." Si Iyah.
"Ako matandang dalaga." Natawa silang lahat sa sinabi ko. "Totoo naman ah?"
"Jowain mo na kasi si Kuya Tev." Sabi ni Iyah kaya hinampas ko siya ng hanger sa braso. "Aray! Mama si Ate nananakit!"
"Mama si Iyah nangiinis!"
"Tumahimik kayo kung ayaw niyong sa labas kayo matulog."
"Aling Marites si Mama ang sama ng ugali!" Sumbong ko kay Tita Tes,hehe close na kami. "Oh siya mag-bebenta na ako. Let's go dumb heads." Hinila ko sina Kuya papasok sa store namin.
Ang daming bumibili sa kabila pero dito wala? Unfair naman niyan! Sinilip ko saglit ang mga tinda at puro pala in style ang binebenta rito,sa'min kasi jejemon na shirts. Ewan ko kung bakit nabuhay pa ang mga ganito.
"Are you here para mag-buy?" Tumingin ako sa babaeng umimik. "Your style looks so baduy na kasi."
"Hindi ako mahilig sa mga ganyan,ok?" I said then turned around pero may humigit sa'kin. "Ano ba?!"
"What's your problema? Bakit hindi ka nag-babuy sa'min?"
Kailangan ba may manners kapag umalis? Sige.
"Ok. Babye." Ayan!
"Stupid!"
"Sweetie,don't call yourself while facing me." I fired at her. Aba stupid raw eh ang bait ko na nga.
"Pabili po."
"Sure!"
"Ahh hindi po sa inyo." Tumingin kami kay Kuya. "Kay Ivy po."
Anak ng tipaklong.
"Tervian?!"
BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...