Chapter:5

25 2 0
                                    

Bumalik na kami sa palengke at nagbihis na ako. Akala ko wala na si Tervian pero kausap pa siya nina Kuya.

"Ginagawa mo rito? Akala ko aalis ka na?" I asked then sat on the same stool.

"Tinatakwil mo na ba si Tervian,Ivy?" Sabi ni Kuya na parang wala akong iniiwasan.

"Kuya Tervian! Papic po!"

"Hala! Si Kuya Tervian ba talaga 'yan?"

"Ackkk! Ang gwapo talaga!"

Dinumog ng mga babaeng dumadaan sa shop namin si Tervian. Ngayon lang dumami ang tao sa shop pero hindi dahil sa damit namin.

"Girls!" Tervian said then panted. "Bumili muna kayo ng damit bago kayo humingi ng pic. The more you buy the more I have pics for you!"

"Talaga po?! Sige!"

Biglang bumili ang mga babae sa shop namin,hindi ako nakapagpasalamat agad dahil ang raming bumili sa amin at nakipag picture kay Tervian. Buong hapon hanggang gabi ay pinagkakaguluhan ang shop namin.

"Last ka na,thank you!" Sabi ko sa babaeng nag-pabalot ng tatlong jeans sa akin.

She took 3 photos with Tervian then thanked him over and over again. Humanap ako nang iuuwi pero puro sold out na,pwera doon sa suot ko kanina sa date namin ni Tervian. Kinuha ko ito at tinago sa paper bag na dala ko.

"Uuwi na ba kayo,Ivy?" Napatingin ako kay Tev na nakatayo sa harap ko.

"Uhh oo,bakit may kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Uhh kasi ano eh...may...kasi..." He was nervous to tell me what it was. "Pwede bang ihatid kita?"

"Eh may kotse naman kami ah? Hindi mo na ako kailangang ihatid."

"Pero-"

"Bye. Tervian."

Bumuntong-hininga siya at tumango.

Pumunta na ako sa kotse at sumakay sa loob,katabi ni Iyah. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para gumaan ang pakiramdam ko. Not this again!

"Mga anak...sa labas tayo kakain ngayon." Wala namang problema sa'min kaso sa tunog ng boses at mood ni Mama parang may something.

"Bakit parang nanghihina ka,Mama?" Tanong ni Kuya Iyan na nag-mamaneho.

"Ha? Wala,pagod lang ako mga anak." Kakaiba talaga sa boses ni Mama ang mga naririnig ko. Hindi kaya may aliens na nag-utos kay Mama na ipamigay si Iyah dahil hindi naman talaga namin siya kapatid?

"Nasa isip mo,naririnig ko." Biglang sinabi ni Iyah. "May sapak ka na nga,Ate."

"Ha? Narinig mo?" Sinabi ko ba?

"Oo! Tigilan mo na kasi 'yang pag-kausap sa sarili mo." Sabat naman ni Kuya.

"Oo na." I said then tumingin na ulit sa bintana.

Tinigil ni Kuya ang sasakyan sa may magandang restaurant. Hala,hindi bagay ang suot ko aa lugar na ito!

"Mama sana naman sinabihan mo kami,para naman nakapagready kami ng knoti." Sabi ko noong bumaba kami ng kotse.

"Hindi...kasi...uhh...pumasok na lang tayo. Mabilis lang ito." Sabi ni Mama.

Pumasok kami sa restaurant at automatic na tumingin lahat sa amin ang mga tao roon. Tumingin ako kay Mama at parang pinipigilan niya ang pag-iyak niya.

"Mama ano ito?"

"Micka!"

Bumaling kaming tatlo sa lalakeng tumawag sa pangalan ng Mama namin.

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon