Chapter:2

37 3 0
                                    

"Uuwi ka na ba,Ate Ivy?" Tanong sa'kin ni Almira. "Sabay na tayo!"

"Sige,maglilinis lang ako ng mga glasses." Nginitian niya ako at nagpatuloy na ako sa paglilinis.

Matagal pa naman kaya hindi na ako nagmadali. Wala namang maghihintay sa'kin. Sino ba kasi ang maghihintay?

"Pwede ka pa bang maghintay,Almira? Magbibihis na lang ako." I said then tumango naman siya. Hay salamat at mahaba ang pasensiya ni Almira.

"Ate Ivy,malapit ka na bang matapos?" Tekaaa! Nagsusuot pa ako ng t-shirt. "Baka hindi ka pa tapos,I can wait naman."

"Malapit na!" Sinuot ko na ang t-shirt ko at ang sapatos ko. Ambilis kasi ni Almira,palibhasa tamad. Chour.

Lumabas na kami ng shop at pumunta sa may waiting shed. Sana all hinihintay. Ilang oras na kami na narito pero wala pa ring iba,sobrang dami ng mga pasahero. Makakauwi pa kaya ako nito?

"Hala,Ate ang daming pasahero. Paano tayo makakauwi niyan?" Kating-kati na rin pala siyang umuwi. "Lagot ako kay Mama nito!"

"Konting tiis lang,Almira. Makakaraos din tayo rito." Kahit nawawalan ako ng pagasa dahil sa dami talaga ng pasahero,konti lang ang mga pumaparada. "Shet lagot ako kay Mama!"

"Ivy!"

Oh no...not him again!

"Ate,ikaw yata ang tinatawag niya." Ani Almira. "Ang pogi ni Kuya oh!"

"Shh! Tumahimik ka nga,Almira." Ayoko sa kaniya! "Kunwari wala kang narinig ok? Please lang."

"You can't escape me,Ivy Mercedez." He said then pulled my arm out of the crowd. "Uuwi ka na ba? Pwede ka bang makipag-dinner?"

"Oh my gosh! Si Tervian Dutch ba 'yon?"

"Eh sino ba si Ate girl na hinihila niya?"

"Ako rin! Gusto ko rin mahila ni Kuya Tervian!"

"Sana all na lang kay Ate."

"T-Teka nga!" Tinulak ko ang kamay niya palayo sa siko ko. "Bakit ka andito? Diba may shooting ka pa?"

"Tumakas ako eh." He shrugged like it was nothing! "Gusto kitang makita eh,masama ba?"

"Eh...uuwi na kasi kami ni Almira." Tinuro ko si Almira sa gilid. "Baka makaabala pa kami sa'yo."

"Saan ba kayo nakatira? Hatid ko na kayo!" Tatanggi na sana ako pero biglang umulan.

"Sige na nga!" Wala akong choice dahil baka mabasa at magkalagnat si Almira. "Almira tara na,ihahatid ka na ni Tervian."

"Oh my gosh! Sige Ate,Ivy!" Dali-daling sumakay si Almira sa likod kaya sumakay na ako sa harap.

"Saan ka nakatira,Almira?" Tanong ni ugok sa kasama namin.

"Sa may paliko lang naman,malapit lang." Ani Almira.

Malapit nga lang,malapit sa New York! Grabe naman kasi 'yung lapit ng bahay ni Almira parang nalibot na namin ang buong pinas.

"Ingat po,Ate! Kuya!" She waved goodbye the ran to the house.

Pinaandar ulit ni Tervian ang kotse pabalik sa City namin Somewhere sa Batangas. Parang ulaga naman kasi si Almira,taga Rosario pala. Pero teka kung malayo ang tirahan niya,bakit siya nagtrabaho sa Delights?

"Ivy...pwede ba kasi tayong magusap?"

"Akin na ang phone mo,sa manager mo ka magpaalam." I gave him a glare.

"Bakit ka ba kasi galit?" He asked like it wasn't obvious.

"You're so dense. Hindi mo alam kaya 'wag mo nang alamin." I said. "Walang problema sa'kin kung gusto mong makipag-usap. Ewan ko lang kay Mr. Ferrer."

"Manager ko na naman ba ang kalaban mo? Pwede bang sabihin mo na lang sa'kin para matapos na 'to?"

"Manigas ka!"

"Ivy naman!"

"Kapag tayo nabangga sasapakin pa kita!" Talaga? Kaya mong sapakin kapag nabangga?

"Bakit ba ayaw mong sabihin?!"

"Kasi wala kang karapatang malaman!"

I tried to...hindi ko lang nagawa dahil Mr. Ferrer black mailed me if I told you the truth. I hate it when your friend is handsome and famous.

"Sobrang daming nagbago noong naging artista ka. Sobrang hirap mong abutin. Parang nakatingin ako sa buwan...isa ka na sa mga bagay na hindi ko na rin kayang abutin. Kaya tell me bakit ako nagalit sa panahon?"

"Kasi miss mo na ako?"

"Yes-" wait. "Hindi! Nakikinig ka ba?!"

"Should I?"

"Itigil mo ang kotse."

"Ano?"

"Itigil mo na ang kotse,Tev."

"Pero wala pa tayo sa inyo-"

"STOP THE GODDAMN CAR!"

Naumpog pa ang noo ko sa dash board.

"Ivy! Ayos ka lang?" Hinawakan niya ang braso ko pero tinulak ko siya. Mag-lalakad na lang ako hanggang sa amin.

I opened the door then went out to find a bus station,thank goodness may bus station rito. Dumaan ako at sumakay sa bus papunta sa Batangas City. Kakainis kasi si Tervian.

From:Unknown Number

Come back...

I already knew who this was. Papayag ba ako or hindi? Hayaan mo na,Ivy. What will this even bring to you?

To:Unknow Number

Hindi na ako babalik sa peste kong past.

Blinock ko na ang number niya at inoff ang phone ko. He doesn't deserve even a word from me.

It's for his own good...

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon