Chapter:8

17 2 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto at nakita na nanunuod si Tev at Kuya ng basketball. Si Iyah pati Mama nasa kusina naman. Pinuntahan ko sina Mama para tumulong pero biglang ako ang pinagusapana. Malala sa  harap ko pa.

"Ayang si Ivy naman hindi na nga makapansin,tamad pa." Sabi ni Iyah.

"Sasakalin na kitang bata ka." Pumunta ako sa lababo para hugasan ang isda na binilin ko kay Iyah noong nanunuod siya ng TV kaninang umaga. "Hindi na nga hinugasan ang ulam,nagrereklamo pa."

"Ikaw kasi,manhid na nga ulaga pa." She said. Aba naulaga pa ako? Aba imbes na karibok pa rin dine sa ulam. Kagugulo kasi.

"Eh kung hinugasan mo na ito kaninang umaga edi sana nagpiprito na ako ng ulam natin." Hayop talaga na babaeng 'yon.

"Ivyyy!" Sigaw ni Kuya sa labas. "Aalis na raw si bayaw este Tervian."

Pinatay ko ang gripo at lumabas pero nasa may pinto na siya kaya hinabol ko siya sa may gate namin.

"Hoy Tervian!" Sigaw ko pero tumigil lang siya. "Tev!" Wala pa rin. "Tervian Clinton Dutch!"

He was purposely ignoring me,kahit anong sabihin ko walang mangyayari kung gaganito lang ako. Kailangan kong kumilos.

Papara siya ng tricycle pero hinila ko siya agad at hinarap sa'kin. Before our eyes met,he looked away like he was hiding something from me.

"Anong problema?" I asked.

"Nothing."

"Tev, what's the matter? I know you more than anyone else in the world." I explained. "Maiintindihan kita dahil kaibigan kita."

Finally he looked at me at napaatras ako ng konti sa nakita ko sa mata niya. Pagod. Galit. Lungkot. He looked down and tried to hide his face.

"Why are you upset?"

Tumingin siya sa'kin at tumitig ng matagal.

"Kung may magmamahal sa'yo ng mas sobra pa kesa sa'kin, mangyayari ba 'yon?" He asked.

Saan naman nanggaling 'yon? Hindi naman siya ganitong magtanong sa'kin. Diba siya 'yung may problema? Bakit ako ang tinatanong niya?

"What are you saying?"

"Wala."

Tumalikod siya at naglakad paalis. He seemed more upset with it. Pinanuod ko siyang maglakad paalis while I still felt some pain in me. Was he mad?

Bumalik ako sa bahay na nawawala sa sarili at nakatulala. Hindi pwedeng magalit sa'kin 'yung best friend ko,what if I need someone? Will he ever be there for me again?

"Tulala ka siz?"

"Kuya 'wag ngayon." I said then pumunta na ako sa kusina.

Pinrito ko ang ulam namin tsaka hinain sa lamesa.

Buong gabi wala akong ibang inisip kundi si Tervian. Nakakainis naman kasi! Nagalit ng walang dahilan,may mens ba siya? Hala! Baka mamaya trans pala ayong si Tev.

Ano ba,Ivy? Nasa isip mo parang basura. Kakaiba naman kasi eh! Bahala na nga bukas kung anong gagawin ko.

Nagising ako at tinignan ang orasan. 20 minutes before work! Dali-dali akong naligo at nagbihis. 11 minutes left,hindi na ako kumain at umalis na. Nagayos ako sa tricycle ng buhok at mukha at dumiretso sa trabaho.

"Salamat po!" I checked my wrist watch and ran faster. 3 minutes! Finally nakarating ako sa shop at walang masyadong tao. Thank god.

"Why are you late,Ate?" Nagulat ako sa boses ni Almira.

"Jusko naman,Almira." I said then went in the kitchen.

"Kanina pa kitang hinihintay tapos ngayon ka lang dumating?" She complained. "Nakakainis ka,Ate."

"Sorry." I said then gave her a small hug. "I was just bothered last night."

"Bakit?"

"Kasi naman,si Tev nagalit tapos hindi niya sinabi kung bakit. Nakakamiss kasi 'yung Good Night niya." I said.

"Akala ko ayaw mo sa kaniya?" She asked.

"Oo,noon. Ngayon siya 'yung tinatakbuhan ko kapag may problema ako. Ang lungkot kaya kapag hindi siya nakakausap."

"Don't worry. I'm sure hindi ka niya matitiis." She assured. "I mean did you see the way he looked at you while offering a ride for us?"

"Ewan ko." I said. "Balik na tayo sa trabaho."

Dumaan ang oras pero parang hindi lumiwanag ang araw. I feel so numb. Walang silbi naman na andito ako at hindi inaayos ang sitwasyon namin ni Tev.

Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siya suyuin at makasama. I miss our little movie and game nights. Kapag kailangan ko siya,he's always there for me. Hindi ko na talaga kaya itong nangyayari sa'min. I need to talk to him.

"Can I leave early,Madam?" Madam Helena is our most terrified boss. Hindi humihiling ng kahit anong request sa kaniya. "Please Ninang?"

"Kilala mo naman ako,Ivy." She said. "I can be a mother and father sa inyong tatlo,lalo na dahil iniwan kayo ni Ivan na walang katulong ang ina niyo." She said. "I really hate my brother. Sige you can go."

"Mag-oovertime po ako bukas." I kissed her cheek then dali-daling nag-bihis.

Hindi ko na kaya Tervian. Pupuntahan kita at susuyuin kita,hindi lulubog ang araw na ito ng hindi tayo bati.

Pumara ako ng taxi papunta sa Condo niya. The guards and workers greeted me dahil kilala nila ako as that 'kaibigan ni boss' type of person. Hindi nila literal na boss si Tev,he's more like a cool and friendly guy here.

Pinindot ko ang number sa floor ng unit niya at nagsara na ang elevator. Bago ito magsara may humarang at pumasok roon.

"Tev!"

"Ivy?"

Lalabas sana siya kaso hinila ko siya papasok kaya napako ako sa elevator wall. It was so weird! We looked like we were about to kiss!

"Bakit ka namumula?"

I touched my cheeks and looked at him. "Mainit." I said to get over it,hindi ko rin alam kung awkward ba 'yung nangyari or kakaiba lang talaga.

"Anong ginagawa mo rito?" He asked, not looking at me.

"I...wanted to talk to you." I said then awkwardly looked around. "Can I?"

"In my unit." Hindi ko alam kung tanong or sinasabi niya 'yon ang gulo kasi.

"Oo,kung pwede."

"I'm not asking. I'm saying that we'll talk inside my unit."

"Sabi ko nga." I whispered.

Tumigil ang elevator sa floor niya kaya lumabas na kami. He opened the door then gestured me to go inside,hindi ko agad naintindihan kaya naitulak pa ako ni ulaga. Aba gago.

"What do you want to talk about?" He asked. Umupo ako sa sofa niya

"Ahh...ehhh..." He arched a brow at me.

"I,O,U." He said seriously pero alam kong joke 'yon. "Anong sasabihin mo?"

"Kasi..." I looked at him. "Galit ka kasi eh."

He chuckled then sat next to me. "Selos,hindi galit."

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon