Chapter:7

27 2 0
                                    

"Babalik ka na ba sa Batangas?" Tanong sa'kin ni Zyreane.

"Oo. Miss ko na kasi siya eh." I said. Nakita kong palihim na ngumiti si Rea. "Kinikilig ka naman,Rea?"

"Oo naman!" Zyreane exclaimed. "Imagine? Grade 10 crush mo na siya,8 whole years!" She giggled.

"Ewan ko sa'yo,Rea. Bumalik ka na nga roon." Tinaboy ko siya para pumunta sa dressing room ko. "Hay salamat sa Diyos."

"Tervian!"

"Anak ng patola!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Nakakagulat ka naman,Sacey."

"I have the best news!" She said. Umupo ako sa kama at uminom ng tubig. "We're gonna work on a project together as a couple!"

Nabuga ko sa sahig ang tubig dahil sa binalita niya sa'kin. Hindi ito tama,I signed a contract that said na hindi ako ipapartner sa ibang babae! Gusto ko lang na partner sa buhay ay si Ivy!

"Are you ok?" She asked.

"Ahh oo." Binaba ko ang tubigan ko at tumingin sa kaniya. "Sinabi ba ni Mr. Ferrer sa'yo na hindi ako pwede?"

"He said ikaw raw ang magiging partner ko." Aba gago.

Tumayo ako at lumabas para makausap si Mr. Ferrer,I heard Sacey calling out to me. Nakapunta ako sa may set ng Killer at roon siya nakita.

"Mr. Ferrer." He turned to me. "I thought we had a deal?"

"That deal expired a long time ago,Tervian. Don't you think you need a little change into your story?"

"Change?" Unbelievable. "Change isn't what I need right now."

Natapos ang araw at bumyahe na kami pauwi. Bumaba si Zyreane sa may Lucena dahil andoon daw ang kaniyang jowa. Buti pa siya may jowa,si Ivy kasi maduga.

"Batangas!" Sigaw ng driver.

"Salamat po!" Bumaba ako para bumili ng take out ni Ivy. Mahilig rin siya sa fries kaya binilhan ko na siya. "Nasaan po si Ivy?" Tanong ko kay Tita Micka.

"Nasa trabaho pa,Tervian." Pinaupo niya ako sa tabi ni Iyah. "Alam mo ba? Noong umalis ka nawala siya sa sarili niya."

"Bakit naman po?"

"Hindi ko alam,parang may tinatago siya sa'min eh. Kapag kakausapin ko tungkol kay Ivan,ayaw niya. Iniiwasan niya ang pagusapan ang Papa niya."

Saka ko lang naalala,I can see through Ivy and her family can't. For 8 years of being her friend,she never talked about it with anyone else other than me. Sobrang gago ko pala na iwan siyang may kinikimkim...I'm sure she's upset right now.

"Ah sige po,susunduin ko na lang po siya." I said then went out and saw...shit.

"Pwede ba kitang ligawan?"

May kasama siyang lalake na nagtanong sa kaniya kung pwede siyang ligawan. Kung sasagot siya ng oo,I'll give them space pero kung aayaw siya,dadalhin ko 'yung gagong 'yon sa space at doon ko siya sasakalin.

"Tev!" Parang nagulat pa siya dahil andito ako.

"H-Hi,Ivy." I forced a smile at them. "Uhh...sino siya?"

"Ahh Tervian si Nickolo,Nickolo si Tev." Nakipagkamay ako sa gagong 'yon. "Tev kaibigan ng Mama ang Nanay ni Nickolo."

"You're Tervian Dutch,right?" Kilala pala ako,right right pa siya. Tss. "How do you know him?"

"He's my friend." Ohhh sapul. Gago rin pala si Ivy,sakit ah? "Manliligaw ko rin dati pero sinukuan ako." Parang may iba sa boses niya eh.

"Ahh...ok." Ngumit siya kay Ivy ng matamis. Eww.

"Ivy,pasok na." I said like I was her father. "Mag-uusap pa kami ni Nickolo."

"Alright." She went inside and I saw that relieved look on her face. Nickolo seemed pissed.

"Anong balak mo kay Ivy?" Diretsong tanungan na ito.

"Gusto ko siya-"

"Hindi pwede."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi pwede!" Pumasok ako sa bahay nina Ivy at nakita ko siya na parang sobrang pagod sa trabaho.

"Kelan ka pa?"

"Ngayon lang. Dumiretso ako rito para surpresahin ka pero may manliligaw ka na pala."

"Drama mo. Wala 'yon,ayoko naman kasi eh." She said. "He's not my type."

"Ikaw raw,Tev ang type ni Ivy." Hinampas ni Ivy si Kuya Iyan ng unan. "Hindi ba? Crush mo si Tervian noong Grade 10 kayo diba?"

"Kuya!"

"Crush ko si Ivy kaya lubayan mo siya." Sabi ko sa kaklase kong walang ibang gusto kundi maharot si Ivy.

"Uy,Tervian right?" She asked.

"Left."

"Ano?"

"I mean yes. May kailangan ka ba,Ivy?"

"Uh...gusto mo raw akong kausapin?" Ito na.

I confessed to her but she turned me down. No worry,balang araw siya mismo ang susugod sa'kin. I may be your friend now but soon,Ivy Mercedez...soon akin ka naman.

"Ang iingay niyo naman!" Reklamo ni Iyah. "May assignment ako rito oh! Hay nako nga naman. Ang sarap niyong iuntog sa isa't-isa."

"Ahh may fries ka nga pala sa'kin." I said. "Pero wala na dahil may manliligaw ka na."

"May manliligaw ka na?"

"Kuya!" Ivy hit her brother then sighed. "Hindi naman ako nakasagot kung pwede or hindi dahil ni Tervian."

"Bakit kayo na?" Kuya Iyan asked.

"Ang gulo mo." Ivy took off her shoes. "Magbibihis na ako,Tev uuwi ka na ba?"

"I don't know." I said then sat next to Iyah. "I think I'll stay here for a while."

Tumango siya tapos pumasok sa kwarto niya. How could she just nod at me while she's crushing my heart?

"Uuwi ka na ba,Tev?" Tanong sa'kin ni Kuya Iyan.

"Alam mo? Ewan ko ba kay Ivy kung bakit ang manhid. Ang sarap sapakin." I said. "Ng pagmamahal,para gets na niya."

"Ang hirap talaga kapag mga manhid ang kasama mo."  Iyah said while writing on her notebook.

"Kaya Tervian kung gusto mo ang isang bagay,kung ayaw mong may ibang makahawak sa bagay na 'yon,umamin ka na." Kuya Iyan said.

"Tinuturuan niyo na naman na manligaw si Tervian kay Ivy."

We all looked at Tita Micka who just got out of her room. Mukhang pagod na pagod si Tita kaya pinaupo ko siya agad.

"Good evening po,Tita." Bati ko.

"Good evening." She said then sat down. "Sobrang daming taong bumili kanina." She turned to me at lumapad ang ngiti niya. "Salamat talaga,Tervian."

"Bakit po?"

"Isa kang biyaya sa amin,salamat sa Diyos at dumating ka sa buhay namin...lalo na sa buhay ni Ivy."

"Ano po bang magagawa natin?" I chuckled. "Noon pa lang,mahal ko na siya."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. May manliligaw nga pala siya at parang masaya siya sa lalake na 'yon.

Paano kung ako ang dahilan ng mga ngiti ni Ivy? Ako ang dahilan ng kasiyahan niya. Ang hahanap-hanapin niya kapag gusto niyang magsabi ng problema? Ako ang takbuhan niya kapag gusto niya ng kasama? Paano kung ako si Nickolo? Pero...

Paano kung si Nickolo na ang hanapin niya kapag may problema? Kaya ko ba?

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon