"Umalis ka na lang..." I said.
"Bakit? Anong ginawa ko?"
"Please Tev just go." Keep calm, Ivy.
"Ivy tell me what's wrong? Diba kakasabi ko lang na hindi ako aalis sa tabi mo?"
"Just go!"
"No! Ivy kung ano man 'yan hindi talaga ako aalis dito nang hindi mo sinasabi."
"Kasama ka ba sa pag-hack sa account ko?"
"Ano?"
"Hindi ako tanga Tev...I just want to clarify if it's true." Please say no...I don't want to be mad at you.
"Yes...I was the one who hacked your account."
Lumayo ako sa kaniya na nanlaki ang mata ko. How could he do this to me? Am I even his friend?
"Pero Ivy hindi ko alam na account mo 'yon, they said may website na naninira sa'yo. I was angry noong sinabi nila 'yon kaya ko hinack, I didn't know na sa'yo pala 'yon."
"That's stupid! Hindi mo ba nakita 'yung pangalan ko roon?!"
"Akala ko ginagamit lang 'yung pangalan mo! I'm so sorry if I knew na hindi pala totoo then I would've not done it."
"Pero you still did."
"I don't want people doing shit to make you look bad."
"Pero ginawa mo naman sa'kin. Tev durog na durog na ako, akala ko kaya ko na kasi buong buhay ko puro lang sakit pero hindi eh. Kaso...alam mo 'yon? The person you trusted the most just played you."
"Pagod ka na? Ako din Ivy...pagod na akong umasa sa'yo. Tangina..."
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Alam mo kung bakit ko ginawa 'yon? Kasi mahal kita. Bakit may sugat ako sa mukha? Kasi mahal kita. Bakit ayaw kong artista? Kasi mahal pa rin kita."
"Anong mahal?"
"Do you honestly think that I already moved on? Mukha lang pero ikaw pa rin, kahit iharap mo sa'kin mga super model, hahanapin pa rin kita. Hindi mo pa rin maintindihan? Ivy Mielle Mercedez, mahal kita."
"Then stop hoping for me...makakahanap ka rin ng-"
"Kelan pa?! Ivy 8 years na! Kelan ako makaka move on sa'yo?! Kelan ko mahahanap 'yung babaeng para sa'kin kung hindi ikaw? Sige iharap mo siya sa'kin para hindi na ako umasa sa'yo. Titigil na ako sa pagmamahal ko sa'yo kapag ginawa mo 'yon."
"Si Sacey! Si Zyreane! Si Almira! Andami mong kilalang babae!"
"Pero hindi sila ikaw. Dad was right...I shouldn't have confessed the second time." Kinuha niya ang ice cream at umalis na.
Tinaas ko ang mga paa ko sa sofa at niyakap ang tuhod ko. Gusto kong umalis...gusto kong mamahinga muna kahit konti ang kaluluwa ko. Umuwi na ako at nadatnan ko si Kuya na may hawak na bote ng Alfonso. Tinignan niya ako bago ibigay sa'kin ang bote at ang baso.
"Itagay mo muna 'yan." Umupo ako sa tabi niya para magsalin. "Ayos ka lang?"
"Ewan ko...nakakawalang gana lang." Nilagok ko ang alak at huminga ng malalim. "Was it ever wrong to love?"
"Love? Walang mali diyan kapatid. Ang mali sa pagmamahal ang nakakasakal. Imagine if you're in a toxic relationship is it still worth it?"
"Masama bang magmahal ng sarili at tanggapin ang mga kalakasan?" I asked. "Kasi kung oo then I made the biggest mistake in my life."
"Dahil ba sa issue?"
"Nalaman kong si Tev ang nag-hack. Just when I'm falling for him." Nagsalin ulit ako ng alak sa baso para mainom. "Were we wrong to love? Is it not the time?"
"Anong hahadlang sa'yo? Wala ka namang pag-aaral na inaatupag. Close naman kayo. Boto naman kami sa kaniya. Wala namang issue sa inyo ng pamilya niya. Nothing's wrong."
"His fans." Natahimik si Kuya at uminom na lang. "Shiniship siya sa kung kani-kaninong babae."
"Umamin na ba?" Biglang sumulpot si Mama sa gilid. "Aba! Tanghali pa laang! Bumabarek na kayo?!"
"Mama ang ingay mo." Sabi ni Kuya kaya nabatukan siya ni Mama. "Joke lang! Labyowz!"
"Opo. Umamin na si Tervian." Kinuha ko ang baso para uminom ulit.
"Alam mo? Hinihintay namin ang araw na ito. Pati ang Papa mo kahit hindi niya kilala si Tervian."
"Baka mawalan na ako ng pag-asa. Nag-away kami kanina."
"Away lang? Sus noong high school nga kayo hindi kayo mapag-hiwalay. Doon ko nakita anak, ang matagal kong hinahanap sa'yo."
"Ang alin, Ma?" Kuya asked. Chismoso.
"Ang ngiti niya. 'Yung tunay at hindi pilit. Nakita ko lang ulit 'yon kapag kasama niya si Tervian. Ngayon hindi na ulit kaya anak 'wag mong hadlangan ang sarili mo dahil siya ang kaligayahan mo." Mama gave me a kiss then went to her room.
Tinigil ko na ang alak dahil hindi maganda sa'kin at sumasama na ang lasa ko. I decided to check if the issue was still on tapos may nakita akong post ni Tev.
@Tervian D.
Hey everyone! Watch The Talk on Saturday 9AM. I've got some news to tell and Sacey Walters & Jairus Medina will join me too. Hope you can watch it.
May comment pa siya sa post niyan iyon.
-@Tervian D.
I'm sorry and I really hope you watch me:)It was like he was talking to me. I closed my phone para makagala sa compark, isasama ko si Iyah dahil lunod na siya sa activities and requirements sa school nila. Kawawa naman siya.
Nasa compark kami dahil wala naman siyang agawin daw. Konti lang ang tao kaya maayos na ang ganito. Walang tao, walang issue.
"Ayos ka lang?" Tnaong bigla ni Iyah.
"Oo naman." Was I really ok?
BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...