"Iyan Marcus Mercedez po." Sabi ko sa nurse na nasa harap ko.
"Anak!" Lumingon ako sa boses ni Papa, he was staring at me.
"Thank you po." I said then walked to Papa. "Asan si Kuya?"
"In there." Turo niya sa kwarto.
Pumasok ako sa loob and thankfully bukas ang mata ni Kuya. Mula sa coffee shop hanggang dito, kinakabahan talaga ako para sa buhay niya.
"Kuya!" Linapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. "Kapag namatay ka susundan kita para sapakin. Ulitin mo pa 'yan sinasabi ko sa'yo."
"I'm sorry, Ivy." He said then hugged me.
"I'm sorry din. Hindi ko naman pinapayagan na ligawan ako ni Nickolo."
"Ahh...mga anak aalis muna ako bibili lang ako ng gamot ni Iyan." She turned to Papa then gave him a slight nod.
Nang makaalis si Mama ay umupo si Papa sa may tabi ng kama ni Kuya, buti na lang katabi ko na si Iyah dahil alam ko ang sasabihin ng matanda na 'to.
"Bakit ka ba uminom noong nag-drive ka? That is so unprofessional." Diba? Ganyan na talaga si tanda, kapag wala si Mama ganyan agad ang sasabihin. Isusumbat sa amin lahat ng mali namin.
"Dala lang ho ng emosiyon."
"That's such a stupid excuse."
"Tumigil ka na nga!" Tumingin sila sa'kin. Sumigaw lang naman ako dahil nakakuyom na ang kamao ni Kuya.
"And you, kung hindi mo lang pinaasa ang sarili mo diyan sa acting dream na 'yan edi sana hindi ka nagdudusa ngayon. Alam mo naman na hindi talaga para sa'yo 'yan. You were born to manage a company."
"Papa that's enough." Iyah said in a monotone.
"Ikaw rin." He pointed at her face. "I saw a post that you were tagged in, you were at a party instead of studying. Why can't you study harder?"
"Dahil ang kapal ng mukha mo." She said without a change of emotion in her face. "That was the only party I considered going to despite all of the party invitations. I attended that pary because one of my friends was gonna leave the country and that would be the last night that I saw her." Nararamdaman ko na ang galit kay Iyah. "Pumayag si Mama dahil sobra na akong nag-aaral, I couldn't even take care of myself because of that. Tapos ganyan lang ang sasabihin mo. How dare come here just to mock our achievements?"
"Iyah..." I tried to calm her down.
"Kuya is a safe driver, nadala lang siya ng emosiyon. Masama bang mangarap na maging artista si Ate? At ako...hindi dapat ako nandito dahil may inaaral pa ako pero dahil nalaman ko na darating ka and let Kuya be alone with you? What kind of sister am I to do so?" Nakikita ko na ang mga luha ni Iyah. "And ano bang alam mo sa amin? Bata pa lang kami, wala ka na. Hindi na namin hihilingin na bumalik ka pa because if you really do love us...simula pa lang hindi ka na susuko."
"Iyah!"
Sigaw ni Kuya noong tumakbo siya palabas. Kaya ko na maliitin ni Papa ang trabaho ko dahil hindi sila maayos ni Ninang pero ang maliitin ang efforts ni Iyah in becoming a nurse? I don't think so.
"Papa can you just leave? No one called you to be here anyway." I said.
Tumayo siya para umalis and noong lumabas siya dumating naman si Mama.
"Anong sinabi niya sa inyo?" She asked putting Kuya's medicine on the table.
"Bakit mo hinayaan na makasama namin siya? Mama you know what we hate the most in the world."
"Alam ko...gusto ko lang maayos na kayo kay Ivan dahil ayoko na ng gulo." Mama said then sat down on the near chair.
"Mama kung ayaw mo ng gulo then don't leave us with him. Minaliit niya ang mga anak mo." We are the children of Mickaela Faye Mercedez...we only carry his name for our identity.
"Pasensiya na mga anak...hindi ko sinasadiya." She said. "Patawarin niyo na siya."
"That's all we ever do. Lagi namin siyang pinagpapatawad pero ano? Hindi man lang siya umiintindi?"
"Mama, kaya namin siyang patawarin pero hindi namin siya kayang tanggapin as a father. Lalo na dahil sa mga sinasabi niya lagi." Kuya added.
"Sige...sorry ulit." She sighed then looked around. "Asan si Iyah?"
Bumukas ang pinto at nakita namin si Iyah na pumasok kasama si Tev.
"Tev?"
"Hi po!" Nag-mano siya kay Mama. "Ayos ka na ba, Kuya Iyan?"
"Ah oo." He said.
Humiwalay ako sa kanila para malapitan si Iyah. I sat on the couch where she was and may dala na siyang books.
"Mag-aaral ka?"
"Oo. Hindi ko pwedeng iwan ito." She said then flipped through the pages.
"Alam mo? Pampam lang si Papa. Kayang-kaya mo 'yan and who cares if you were at a party? You enjoyed naman diba?"
"Yeah...we had a nice chat with Anna."
"Kapag naging nurse ka na...'wag mong ipopost sa social media. Idederetso natin kay Papa at isasampal natin sa kaniya 'yang mga nakamit mo."
Natawa siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. I wanted Papa to stop with his judgement because we will never listen to him.
Hindi namin kailangan ng gabay ni Papa para maging mabuting tao, all we need is value...I can see how Mama still values him as a human. As I said before kaya namin siyang patawarin pero hindi namin kayang tanggapin siya sa buhay namin. You can say that I'm a horrible person...but being left with Mama alone and after that insulting us, how can we forgive him?

BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...