Chapter:9

19 2 0
                                    

"Ano? Selos?" I asked.

"Nagseselos ako dahil baka kapag na in love ka na diyan sa ulaga na 'yan, baka hindi mo na ako kailangan." He said na parang nahihirapan pa siyang aminin.

"AYON LANG?!" Grabe naman itong kaibigan ko.

"Anong 'lang'? Gago, natakot ako!" He said then went to the kitchen.

Sinundan ko si Tev, baka mamaya galit na naman. May mens talaga siya eh.

"Bakit ka naman natakot?" I asked then sat on the stool. Hihi ang cute ni Tev mag-selos.

"Nakakainis kasi 'yung manliligaw mo eh. Akala yata niya sasagot ka sa kaniya? Eh kung iuntog ko siya?" He said then took out a pot. "Chili mansi or kalamansi lang?"

"Hanep may sariling Condo ang artista at nakakasweldo ng higit 50,000 pero ipagluluto ako ng pancit canton." I complained.

"Ayaw mo?"

"Kalamansi!" Biglaang bawi pala eh.

Tumango lang siya tapos niluto na 'yung pancit canton. Mabilis niya lang naluto eh bakit anong ineexpect ko? Lagyan ng salmon at wine? Tanga pancit canton 'to itlog lang sapat na.

"Ang takaw mo." He commented noong kumakain na ako.

"Bakit wala pang bawas 'yang canton mo?"

"Bakit? Gusto mo?" Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik na sa pagkain. Gago talaga 'yung hayop na 'yon ah?

Natapos ako tapos tinignan ko siya. Ang bagal naman niyang kumain...parang natakam pa ako sa kinakain niya eh.

"Sa'yo na lang." He said then pushed the plate in front of me.

"Hala! Hindi kainin mo 'yan!" I said. "Saan ka ba galing? Baka gutom ka na."

"Mas nakakaawa 'yang itsura mo, parang mamaya hahablutin mo na 'yung plato ko eh." He said.

"Sure?"

"Sige na, kainin mo na."

Kinuha ko ang plato niya at kinain ang pancit canton niya. Hehe not to be rude lang din pero kilala ko si Tev kapag hindi niya ubos itatapon niya.

"Why are you staring at me?" I asked.

"Kung wala kang problema, magbabati ba tayo?" He asked me. "Kasi parang hindi ka lalapit kung wala kang problema."

"I'm sorry if I take you as a human diary pero ikaw lang ang kilala ko who will keep me sane from all of this." I said tapos sumubo ulit.

"Sige. I'll forgive you." He said.

"Really?"

"Kung hindi mo papayagan 'yong Nickolo na 'yon na ligawan ka."

"Bakit naman?" Wala akong balak magpaligaw kay Nickolo. May isang lalake na gusto kong bigyan ng atensyon as a friend.

"Eh kasi ayoko sa kaniya. Bakit ba?" Parang ako pa 'yung masama.

"Selos ka nga pala dahil baka maagaw sa'yo 'yung kaibigan mo." Si Tev talaga, napaka mysterious. He's always getting upset with me and different guys. Katulad noong high school kami noong nireject ko siya.

"Hoy besh!" Lumingon ako sa likod at nakita si Tervian. "Poison Ivy! Sino si Paul?!" Paul?

"Ahh 'yung gustong manligaw sa'kin, bakit besh?"

"Pumayag ka." It was more like a statement than a question.

Si Paul, 'yung crush ko kaya pumayag akong ligawan niya ako. Masaya naman noong una pero biglang lumamig si Paul. He stopped texting me,walking with me and courting me. Dahil pala ginagago ako.

"Sinaktan mo ang feelings ni Ivy!" Kinuwelyohan ni Tev si Paul habang ako nasa sulok dahil natatakot ako kay Tev. "Gago ka!"

"Bakit ba sobrang importante sa'yo ni Ivy?" Tanong ni Paul. "Ano ba kayo?"

Sinuntok ni Tev si Paul at lumuod siya. May binulong si Tev sa nakahilatang si Paul sa corridor.

"Titingnan mo lang ba 'yung painting ko o kakainin mo 'yan?" He snapped me back to reality.

"Oh..uhh sorry." Kinain ko na ang natitirang pancit canton.

"May sasabihin ka." Alam niya talaga kapag may iniisip ako, kaya hanga ako sa lalake na'to.

"A-Ano nga pala 'yung sinabi mo kay Paul nung after college na tayo?" I asked.

"Paul?"

"Nanligaw siya sa'kin dati na muntik kong sagutin pero may jowa na pala." I explained.

"Ah si gago." He leaned back then avoided my eyes. "Sinabi ko...mahalaga ka sa'kin kaya kung sasaktan ka niya, mapapatay ko siya." His aura was so dark it was darker than black. Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya.

Kanina pa akong walang imik kay Tev dahil sa nalaman ko, he would go to such extent with his reputation to get revenge for me. How was I so blinded by jealousy...siya lang ang kasama ko noon sa problema pero noong may magandang nangyari sa kaniya na ikinalungkot ko umalis ako. I'm such a bad friend.

"Tev?"

"Ano?"

"I'm sorry and...I love you." He snapped his head at me

"Ano?"

"Tevvv! Mahal kita ok?" Niyakap ko siya ng patagilid at nag-pout. "Stop getting upset ok? I love you!"

"Anong mahal?!"

"Hindi naman kasi ako galit sa'yo diba? I don't hate you." I said. "Kaibigan kita at mawawasak ang mundo ko kapag wala ka."

"Bakit mo ako mahal?" Parang tanga naman oh!

"Because you're a special person to me. I love the people around me so much, ikaw na lang ang kakampi ko lalo na laban sa insecurities ko tapos susukuan kita?"

"Sinukuan mo na nga."

"Oo nga pero dala lang 'yon ng inggit." I confessed. "Hindi na ngayon, magkamatayn man sa langit at lupa hindi kita papakawalan."

He tilted his head at me then nodded. Niyakap niya rin ako at hinalikan sa noo.

"Friends na ulit?"

"Friends hanggang kamatayan." He said then smiled bitterly at me.

"Ayos ka lang?"

"Sobra." Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at umiyak sa balikat ko.

"Why are you crying?"

"I'm just so happy to be your friend."

Pero it was not what it sounded like. Hindi masaya ang boses niya kahit tumawa siya. He may be my human diary pero I know his emotions. I can tell if he really is happy, by the sound of it hindi siya masaya and I want him to be happy.

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon