Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harpa niya. He was looking at his cup with black coffee inside.
"Nakilala mo na siya?" Ano raw? "Si Ms. Gireya, kapatid mo siya diba?"
"Ahh...oo eh. Kasama niya sina Iyah ngayon. Namamangha pa nga sila dahil ang ganda nga talaga ni Ate Ihra. Hays..sana ganoon din ako kaganda. Bakit kasi hindi ako nalahian ng genes ni Papa sa mukha? Sa kutis lang ako eh. Ang daya talaga ng mundo!" Nang mapansin kong wala siyang imik ay tinignan ko siya. He's just staring at me. "S-Sorry."
"No, it's alright. Sanay na ako sa kadaldalan mong hayop ka." Sinamaan ko siya ng tingin tapos natawa siya. "Bakit ka ganiyan?"
"Ano?!"
"Bakit ang pangit mong magalit?"
"Kasi binabagay ko sa ugali mong animal ka."
"Pero seriously, mag-aaway tayo or makikipag-bati ka?"
"Ayon na nga." Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. "Look I'm sorry for the fight we had. Hindi ko lang kasi natanggap na gusto mo pa rin ako, not that you're horrible pero..."
"Our friendship?"
"Exactly. I didn't want to ruin something that can shatter both of us. Kaibigan kita and hanggang doon na lang. I'm really sorry kasi hindi kita kayang mahalin." I'm sorry kung duwag ako, ayaw ko lang masira ang friendship natin but if things were different maybe I'd choose to accept your love. Maybe...we could be.
"Is that what you want?" Hindi ako nakasagot dahil muntik nang magpatak ang luha ko. "Kung ayan ang gusto mo...ayaw ko."
"What?" Napatingin ako sa kaniya.
"Ayaw ko. What's hard to understand? Hindi ako titigil, Ivy. I feel something more than friendship from you. I feel free kapag kasama ka. Even if the world ends and papapiliin ako na layuan ka, I'd rather let the world crumble because if I don't...then I'm the one who will shatter." He said. "Ivy kilala kita...manhid ka pero hindi ka tanga, alam kong kahit minsan dumaan na rin sa isip mo ang maging tayo."
How did he know?! I used to dream of it all the time and I used to wonder what would happen if I let it be?
"Well what if it did? Paano ang pagkakaibigan natin?"
"Ivy, mahal kita. Isn't that enough proof na kahit masira ang relasyon natin ay mabubuhay pa rin ang pagkakaibigan natin? Not everyone who falls for their friend is a disaster, some people have children with their friends."
"Tev!"
"What? May mga couple na nag-simula sa friendship. Ivy...kahit masira tayo ay hindi ko hahayaan na masira tayo as friends. Your friendship means more to me than some stupid career."
"Kaya ka ba umalis sa Film Gram?"
"Umalis ako kasi hindi na ako masaya. I'm only happy with you."
"Bolero." Gusto kong sumugal...gusto kong mapahamak. Gusto ko siya. "Gusto kita..."
"Ano?"
"Gusto kong kumain na."
"No, you said gusto kita."
"No bingi ka lang. Linisin mo 'yan."
"Kakalinis lang kanina. So...may chance ba?"
"Ewan ko sa'yo Dutch."
"Answer me, Ivy. May chance ba?"
"Yes. Malaki ang chance mo sa akin." I said then huminga ako kasi pinipigilan ko kanina pa.
"Good." Ngumisi siya sa'kin. "So tayo na?"
"Luh? Hindi ka pa nga nanliligaw eh."
"Oo nga ano. Sige ito na lang..." I waited patiently for his question. "Kung...mag-pakasal na lang kaya tayo?"
"Nahihibang ka?"
"Pakasalan mo ako dahil hindi na ako makapag-hintay. 8 years passed and ayaw kong patagalin pa."
"Hindi ganiyan mag-tanong gago."
"Ayaw ko ng 'will you marry me?' That's overrated."
"Eh ano?"
"If I was to ask you to marry me, what will you say?" Hala bakit ako kinikilig?
"May 97 percent na hihindi ako." Nakita kong nalungkot siya. "Tapos...may 3% chance na papayag ako." Naguguluhan na siya. "And I'm going to choose that 3 percent."
"TALAGA?!" Nagulat ako sa bigla niyang pag-tayo. "Papakasalan mo ako?!"
"8 years is enough, Tev. I don't want you to suffer anymore. Malapit nang matapos ang taon and I also want something to happen. Kaya oo, papakasalan na kita."
"YES! Fiancé ko na ang best friend ko!" Napatingin sa'min sina Ninang at Almira. "Halika sasabihin ko na sa pamilya ko." I really saw that happiness in his eyes again, I wanted to see those twinkle in the light. Nakakatuwa siya.
"Woah, wait lang naman. Hindi mo pa ako pinag-papaalam sa pamilya ko."
"Oh yeah. Tara na sa bahay niyo." He pulled me in his car and hindi mawala sa mukha niya ang ngiti. Nakarating kami sa bahay at andito din si Ate Ihra. "Ehem!"
"Ivy, Tev andito pala kayo." Sabi ni Papa. We were giggling as he held my hand in front of my family. "Ahh...may s-sabihin ba kayo?" I saw fear in Papa's eyes when he saw us kaya binitawan ko si Tev at yumakap kay Papa.
"What are you afraid of Papa?" I asked.
"Natatakot ako kasi nalaki na kayo..."
"Don't be, makakasama mo kami hanggang sa huling hininga mo." Ayaw ko ng ganito noon, hindi niyo ako mapapakausap kay Papa pero things changed. Mahal na mahal ko ang pamilya ko and I'm happy that I'm gonna marry my best friend.
"May sasabihin ba kayo?" Nginitian ako ni Mama noong yumakap ulit ako kay Tev.
"Tita Micka, Tito Ivan...pwede ko po bang pakasalan si Ivy?"
"Ano kamo?" Iyah, Kuya and Ate looked at us. "Kasal?!"
"Y-Yes Kuya Iyan. Pwede ba?"
"Kelan? Bukas? Sige mag-handa na tayo, ikaw talagang pakipot ka pinag-hintay mo pa talaga itong si Tervian." Tinulak ako ni Kuya at hinila si Tev papunta sa kusina. Tev looked at me, halatang naguguluhan siya.
"Nako dinakip ni Kuya si Kuya Tev, hindi na makakabalik sa'yo 'yan."
"Kahit kuhanin niya sa'kin si Tev, babalik din siya. Akin 'yan eh."
Akin ka lang Tervian Dutch...papakasalan kita dahil alam kong masaya ako kapag kasama ka. Hindi na ako mag-papakipot pa dahil wala nang bawian ito. I want to be your Mrs. Dutch. Hindi na kita hahayaang makawala sa akin. I'm 100% sure about it.
BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...