Chapter:28

10 2 0
                                    

Nakabalik na ako sa coffee shop. Siyempre back to reality na tayo eh. I was back to serving coffee pero this time packed ang Delights Coffee shop ni Ninang. Some were fans of BSR and some were TeVy shippers, paano ko nalaman? Mga banners nila mas malaki pa sa chance na magiging kami ni Tervian.

"Iced coffee po." I said then served the coffee.

Bumalik na ako sa everyday routine ko as a waitress here in the shop. Kahit naman simpleng ganito lang ay ayos na ako eh. I'm really thankful for all that I have now.

After a few days ay umuwi na ako. Malapit na pala ang Christmas day...what should I give my special people? I went to my room to type in a list.

Christmas Gifts ni Ivy:

•Mama-bagong damit
•Papa-relo
•Kuya Iyan-Set ng ballpen and markers
•Iyah-shoes
•Ninang Helena-Miniature figure ng Delights
•Almira-crop tops
•Tervian-paintings

Tinago ko ang laptop ko para mamahinga. I'm not even doing anything now, ang boring nga pala ng buhay ko. Leche naman.

Makanood na lang kaya ako ng movie? Oo maganda 'yon. Nilipat ko sa mga Fox Family, Fox Movies, HBO at Cinema One. Wala akong mahanap na magandang mapapanood kaya lumipat ako sa Disney Channel. Yehey! Bolt!

"This is my childhood!" Sigaw ko kasi mag-isa lang ako. "TAKBO!!!" Leche kasi 'yung mga humahabol sa kanila ni Penny eh!

Parang bata naman ako dito. Malipat na nga lang muna ulit. Nakadating ako sa MYX at pinapatunog ang mga hit songs. Makinig na lang kaya ako sa mga patunog. Pinatay ko ang TV at kinuha ang bluetooth speaker ko at cellphone. Siyempre unang-una Classic by MKTO.

"Ohh girl you're shining, like a fifth avenue diamond." I sang as the lyrics played.

"And they don't make you like they used to, you're never goin' out of style."

"Ay bakla ka!" Nagulat ako dahil mag-isa lang ako pero biglang may kumanta.

"Grabe ka naman Poison." Tev teased me.

"B-bakit ka andito?"

"Eh ikaw? Bakit ka nauutal?"

"H-huh? Wala!"

"Crush mo ako ano?" He smirked at me.

"Hayop ka?" Bobo naman ni Tev! HINDI KO SIYA CRUSH!

"Nahiya ka pa. Ako lang 'to Ivy, sa gwapo kong ito?"

"EH SA HINDI NGA KITA GUSTO!" Ouch...parang sumobra yata?

"Ok..." Nginitian niya ako at umupo na sa tabi ko.

Tahimik kaming nakikinig sa mga pinapatunog ko. After Classic, it's Let her go.

"Tev galit ka ba?"

"No..."

"Sorry."

"I'm not mad, you don't need to say sorry."

"But it feels like we're not friends again. Hindi tayo nag-uusap and it feels wrong." I told him.

"What feels wrong?" Parang tanga naman oh! Hindi yata nakikinig eh!

"Kapag hindi tayo ayos. Parang ang sama sa feeling na hindi mo ako kabati."

"Kabati? Bata ka ba?" Tinawanan niya ako pero biglang tumigil siya dahil may kumatok.

"Saglit lang!" Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Karel! Danicka!"

"Hiiii Ate!" Tumakbo si Karel sa loob at dumiretso sa kusina. "May pagkain ka ba Ate?" She asked while her face was inside of the fridge.

"Karel! Nakakahiya ka!" Danicka scolded her sister.

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon