Chapter:11

16 2 0
                                    

"Almira, may stacks pa ba tayo ng cream?" Paubos na ang whipped cream na gamit ko pero baka may stacks pa kami.

"May bagong order si Madam." Sabay kaming tumingin kay Ninang Helena na busy mag-compute ng tax ng Delights.

"Titingin lang ba kayo sa'kin?" Bigla kaming nangarag ni Almira dahil kay Ninang. "Go back to work."

"O-Opo Madam!" Sabi ni Almira.

Nilapitan ko si Ninang para tignan ang mga ginagawa niya baka mamaya nirarayuma na siya.

"Mana ka talaga kay Ivan." Bigla akong nawalan ng gana. "Kapag may thoughts ka, nasasabi mo na hindi mo napapansin."

"Ninang naman ehh!" Umupo ako sa tabi niya. "Ano 'yan Ninang?"

"Tax and Sales." Wow, businesserist. "Bantayn mo muna, I'm gonna buy some tea."

"May coffee shop then she wants tea?" Ewan ko ba kay Ninang. "Ang galing."

"I'm tired of the same old thing for 35 years."

"Kaya pala humanap ka ng iba after Ninong." HAHAHAH mamaya wala na akong trabaho.

"Tumahimik ka, Ivy." Yiieee pikon!

"Sige po ingat."

We were busy when Ninang came back with some tea. Huli na 'yung table na sinerve ko kaya pumunta na ako sa kitchen para gumawa ng pagkain ko.

Bread,bacon,lettuce,tomato,mayo,ham at cheese. Paborito ko itong gawin noon sa high school tapos share kami ni Tev.

Speaking of Tev, hindi ko pa siya nakakausap dahil may gagawin raw siyang shoot para sa commercial niya sa deodorant. Bakit siya 'yung nag-eendorse? Hindi naman siya gumagamit. Isa pa, bakit hindi bumabaho ang kili kili ng gago?

"Ate Ivy! May naghahanap sa'yo." Almira told me.

"Sino?"

"Dalawang pogi." Biglang nangisay si Almira at tumili. "Ang swerte mo!"

Lumabas ako para malaman kung anong sinasabi niya pero nakita ko si Nickolo at Tev na masama ang tingin sa isa't-isa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Nakakainis talaga si Nickolo!

"Ivy, pwede ba tayong magusap?" Tanong ni ugok.

"Hindi pwede." Singit ni Tev.

"Diba sabi ko na sa'yo na ayaw ko sa'yo? Bakit ba ang hirap mong umintindi?!" I don't care who sees, I don't want to see him anymore.

"Ivy I'm sorry...hindi ko sinasadya lalo na dahil hindi payag 'yung Kuya mo sa panliligaw ko sa'yo."

"Kung hindi mo siya binastos edi sana pumayag siya pero anong ginawa mo? You talked back to him...a thing I would never want to witness especially kung manliligaw ko 'yon."

"Pero-"

"Pare, umalis ka na lang." Tervian said then tried to push Nickolo out. "Umalis ka na."

"Hindi!"

"Kapag hindi ka umalis, ipapa-demanda kita sa Tito kong Pulis!" Wala akong Pulis na Tito kaya parang bata 'yung nagsabi.

"Just leave dude." Sa wakas umalis na siya!

"Tev...anong ginagawa mo dito?"

"I wanted to eat here with a friend but he didn't show up."

"Anong didn't show up?" Lumingon kami sa lalakeng pumasok sa shop.

Black turtle neck, checkered pants, silver chain at shoes. Mukhang kaibigan niya sa industry ng artists?

"Nalate lang ako, ugok." Binatukan niya si Tev. "Gutom na ako, Tervian. Kain na tayo."

"Patay gutom."

"Torpe."

"Manhid." Tumuro sa'kin si Tev.

"Ako na naman?!" Napalingon tuloy sa'kin 'yung kaibigan niya.

"Uyy! Ivy Mercedez?!" Para siyang fan boy. "Idol kita! Kilala mo ba ako? Sabay tayo sa audition noon sa show na Underwater Desire."

"Uhh sino ka nga pala?" Para siyang nagpigil ng tawa dahil sa itsura niya.

"Jairus Medina." He took my hand and shook it. "Una na ako sa lamesa natin."

"Alam mo na ah?" Ani Tev.

"Sige na, lumapit ka na kay Jairus."

Pumunta ako sa kusina para ihanda ang lunch nilang dalawa. Chicken wings and black coffee. Iseserve ko na dahil pineprepare na ni Jenelle.

"Crush siya ng mga kasama namin na nag-audition sa film gram. Hanep kaibigan mo pala?! We searched for her yearly dahil sa ratings ng management. She was really qualified of being an actress!"

"Eh what happened?"

"Mr. Ferrer happened. Dahil hindi masyadong nakaayos ang itsura ni Ivy noon hindi siya natanggap. Kahit sobrang taas ng score niya sa judges, kapag hindi maayos ang itsura mo wala kang pag-asa kay Mr. Ferrer."

"He's fucked up." Tervian commented.

"Ewan ko rin ba, gusto nyang tumaas ang ratings ng management pero hindi niya pinahalagahan si Ivy noon. Ganyan talaga 'yang bakla na 'yan, itsura lang ang basehan ng ratings niyan."

"Ivy had the dream of becoming an artist for like...4 years tapos hindi siya pinayagan ni Mr. Ferrer, kung hindi lang siya ang manager ko edi nasapak ko na siya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Tev.

"Ate, ready na 'yung order nila." Jenelle said.

"Salamat." Kinuha ko ang mga pagkain at dinala papunta sa mga lalakeng 'yon. "Anything else?"

"Wala na po, Ate Miss Ivy!" Kinakabahan talaga si Jairus.

"Jai, umayos ka nga." Saway ni Tev.

"Just call me when you need anything." I said.

"Reportedly, isang kotseng nabangga sa isang truck malapit sa may Venerian Street. Nakausap na namin ang pamilya ng biktima na ang pangalan ay Micka Mercedez at Iyah Mercedez."

It was like hearing my whole world crashing down as I looked at the TV screen of the shop. Lalake, sugatan malapit sa Venerian Street at isang Bote ng alak ang natagpuan sa loob ng kotse.

He was drinking while driving? Bakit naman siya iinom sa galit? It's not like Kuya Iyan to do that! Hindi si Kuya ang nag-mamaneho kundi si Iyan Marcus. Isang side ng personality ni Kuya dahil siya ang matinding galit ni Kuya. Huli kong kita sa kaniya ay noong...nag-hiwalay si Kuya at Ate Czarina.

"Ninang can I go?"

"Make sure he's safe, Ivy." She was also worried for Kuya.

"Opo, thank you po."

Mabilis akong lumabas para pumara ng taxi. I don't know if nasa hospital na ba sina Mama or nasa bahay pa.

To:Iyahhh

Where are you?

From:Iyahhh

Hospital na malapit. Hurry.

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon