Nagising ako ng tanghali dahil wala akong pasok ngayon. Hanggang next Wednesday dahil daw iniinspect ang buong shop kung may kalat. Lumabas ako para kumain pero nakita ko sina Kuya at Iyah na nakatutok sa laptop ko.
"Anong kinakalkal niyo diyan?"
"Shhh!" Ani Iyah.
"Ano ba kasi 'yang inaabangan niyo?" I asked getting irritated.
"Binabasa ko lang ang kwento mo kagabi." Kuya said. Ahh ok. "Plus you're famous now."
Ano daw?
"Ha?"
"Hatdog." Tapos humalakhak si Iyah. "Ang bingi mo naman!"
"Ano ga kasi?"
"Sikat ka na nga!" Binato ako ni Kuya ng unan. "Ulaga."
"Kain muna ako, ang gulo niyo." Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Mama na gumagawa ng tax. Wow, business. "Hi Mama."
"Tanghali ka na." She said without looking at me.
"Opo." Kumuha ako ng pinggan at kubyertos. Sumandok ko ang kanin tapos kumuha ng itlog. Umupo ako sa tabi ni Mama at kumain na.
"Anong sinulat mo kagabi?" Mama suddenly asked.
"Uhh...short story po pero ang form ay letter."
"Nabasa 'yon ng maraming tao, Ivy." She said.
"Po?"
"Nabasa ng maraming tao ang kwento mo at sikat na si Rachel at Drake. Tama ba ako?" Aba kamalayan ko!
Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at hinugasan tapos pinuntahan ko sina Kuya. They were smirking at me like creeps.
"Ilan ang nakabasa?" I was getting nervous.
"900,000k likes, 600,000k comments and 1 million reads." Iyah said with her devilish smile.
"May kapatid akong sikat!" Kuya exclaimed.
"Guya stop! This means nothing. Sure a lot of people like it pero ano naman? May sari-sarili tayong buhay and I just want to live mine. Dear Rachel is a part of my life pero I don't think I'm famous. I'm thankful that they like it kaya hanggang doon na lang 'yon, I just want to make people happy or if they were happy with the ending." Then I realized something. "Pabasa ng comments."
"Ang cute ng story pero ang sad ng ending."
"Sana gawan ni Ate ng part 2 na happy ending."
"Hala ganitong-ganito 'yung story ng buhay ng pinsan ko! Ang galing po Ate!"
"I like the story it gives out this never ending lesson na umamin ka na bago pa mawala and it's not just about a lover pero about the people around you. Parents,siblings,friends,relatives. Endlessly amazing."
"#filmgram, kuhanin niyo siya as a writer! Her potential is better than your artist's acting."
"#filmgram ano na? She's clearly fit for the job!"
"#filmgram seriously! Ivy Mercedez has potential!"
"Gusto ko sana ng happy ending! Inabangan ko pa 'yung magkikita sila."
"I don't like it."
"-edi wow"
"-bulok ka lang gumawa ng sarili mong kwento.""Mga haters talaga. Inggitera!"
The negative comment was from Film gram, si Mr. Ferrer. He manages everything in that management kaya kung ayaw niya edi 'wag. Hindi ko siya pinipilit na gustuhin dahil alam kong ayaw niya sa'kin, kahit anong gawin ko...he always gets in the way of everything.
"Gago 'yan ah." Kuya said.
"Maliligo lang ako tapos pwede na tayong pumunta ng Mall." Sabi ko kay Iyah.
"Paano 'yung bashers mo?"
"Edi mambash sila, akala ba nila masakit 'yang sinasabi nila. Try being called talentless by a loved one." I've moved on from Papa's words pero sinabi ko lang 'yon dahil sobrang sakit talaga and nothing else can change that.
Naligo ako tapos nagbihis na. Black shirt tapos denim shorts, sinuot ko na rin ang sneakers ko at sinuklay ang buhok ko. Lumabas ako para kumuha ng 1000 dahil alam kong kulang ang 2000 para sa'min, kay Iyah nga 500 agad ang gastos.
"Iyah tara na."
"Saglit lang naman." Pagkalabas niya ay nakadress na siya at takong. Wow ginandahan niya tapos ako mukhang gagala lang tapos tatambay.
"Tara na. Bye Kuya! Bye Mama!" Dinala namin ang kotse at pinarada ko sa may parking.
Pagkababa namin ay dumiretso kami sa entrance. May nakakilala yata sa'kin bilang author ng Dear Rachel. Ang daming sumusunod sa'min tapos nagpapa picture. Ewan ko kung bakit ganito sila eh!
Tumakbo kami papuntang Mang Inasal. Yes my favorite!
"Dalawa pong PM1." Sabi ko sa cashier tapos sinundan na si Iyah sa table. "Anong grade mo sa mga subject mo?"
"Pasado kaya ako!"
"Wala akong sinasabi."
"Basta pasado!"
"Sige magaaral ka ng mabuti para makagraduate ka."
"Oo naman!"
Biglang may lumapit sa'min tapos nakipag picture na naman. Honestly I like it pero I don't want it. It gives me happiness pero alam kong hindi ito magtatagal. Someday they will forget about me and my works, basta mapasaya ko sila ngayon ay ayos na. Kahit hindi pang habang buhay.
BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...