Chapter:34

8 2 0
                                    

Nakauwi na kami at hindi pa rin nababanggit ulit si Ate. Sabi ni Mama saka na niya sasabihin kapag nakaharap na namin si Papa. Hala naman! Excited pa ako eh! Teka maibalita nga muna kay Tev.

Oh wait...we were on a fight last time we had a serious conversation. Tinignan ko si Iyah habang gumagawa siya ng assignment. She said it was about the muscles of a human, hindi 'yung kapag nag-wowork out pero 'yung kapag tinanggal 'yung balat ng tao.

"Istorbo ka Ate." Nakaka offend ka Iyah.

"Anong ginagawa ko?!"

"Nangungulit ka. Para kang ewan diyan, pahiga-higa tapos nag-uule. Hindi ako maka focus."

"Iniisip mo lang si Wes."

"Hayop ka!" Binato niya ako ng unan kaya ayun binato ko rin siya. Hindi pwedeng ako lang duh.

"Hayop ka din!" Sinapak ko siya ng kumot na pinulupot ko para masakit. "Ako aso ikaw tae ng baka!"

"Ikaw baka!"

"Manok ka!"

"Crocodile ka!"

"Mga ulaga kayo." Natigil kami dahil kay Kuya. Kinalikot niya 'yung drawer namin at nakita niya 'yung red ballpen. "Bye mga ulaga."

"Aba! Hindi tayo papayag na ganiyan lang." Tinignan ko si Iyah at nakangisi na siya. "Lagot ka Kuya!"

Tumakbo ako sa kaniya at pinulupot ang mga braso niya.

"Ivy ano ba?!"

Lumapit sa'min si Iyah at kiniliti si Kuya. Yehey! Panalo kami ni Iyah! Hindi namin siya tinigilan hanggang sa napagod na kaming tatlo.

"Maiihi ako pinag-gagagawa niyo." Tumayo na si Kuya at umalis.

"Ate labas ka muna, mag-aaral na ako."

Lumabas ako at dumiretso sa CR. Naligo ako because I'm gonna go on a morning walk around the barangay.

"Ma, alis muna ako ah?" Naka suot ako ng black leggings at grey shirt with white running shoes. Mukha akong mag-jjogging. Pede din pero mabanas kasi eh.

"Sige ingat anak."

Nag-ikot ikot ako sa barangay kasi walang masyadong tao. Nagugutom ako pero mamaya, I need to walk first. Nag-lakad ako papunta sa park pero sarado pa kaya nilagpasan ko lang. I sat on a local park bench and saw my old batch mates. They look cute together.

"Karie gusto mo ba?"

"Ano 'yan?"

"Favorite mo. Kwek-kwek." Jonas looked at Karie like she was the most beautiful girl in the world. Hindi yata nila ako kita well...I understand Karie's situation pero imposibleng hindi ako kita ni Jonas.

"Thank you!" Humalik si Jonas sa Noo ni Karie at ngumiti. "I need to use the bathroom, may public CR ba dito?" I stepped in for Karie.

"Ako na." Tumingin sa'kin si Jonas at ngumiti. "I'll help Karie."

"Oh no need, Miss. I can do it I just need to use my special glasses." Sinuot niya ang salamin at tumayo. "Ivy! Ikaw pala?"

"Wow Kariessa ah. Anyway congrats." Tinignan ko sila ni Jonas and I can't help but to feel envy.

"I'll leave you two na muna ok?" Umalis siya kaya tumabi ako kay Jonas.

"Naks naman, crush mo lang siya dati ah?"

"Oo nga eh." Natawa siya at tinanaw si Karie. "She's someone else isn't she? Dahil sa kaniya I'm this better man. Dahil sa kaniya I'm a different person, I never thought...my sister's best friend would have this impact on me."

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon